First semester, not bad.
Naging best friend ko ang laging nangungulit sakin na si JC.Nasa school na kami ngayon at Philosophy ang subject namin. Hinati kami sa 5 groups. Alphabetical ang pagkakahati. Nagkahiwalay kaming tatlo nila Maria at Rose. Si Rose ay nasa group 3, si Maria ay group 4 kasama nya si JC. At dahil 'V' ang lastname ko, nasa last group ako. Ang group 5.
"Okay class. Mag isip kayo ng one word na alam nyong bumubuo sa inyo. Pumikit kayo at kung anong word ang maisip nyo, ayun yung ilagay nyo sa notebook nyo."
Ginawa na nga namin yung sinabi ni Sir. Nasa likuran ako that time at nasa harapan ko naman si JC (Puro JC ahh).
Ang nilagay ko sa notebook ko ay ang word na "LOVE".
"Pumili kayo ng isang representative ng group nyo na magpapaliwanag kung bakit yun ang pinili nilang word." Sabi ni Sir.
"Bea, ikaw na lang. Maganda yung word mo at explanation mo e. Dali na." Pangunglit naman sakin ni Chelle. Groupmate ko. At naging close ko din.
Nagpaliwanag na nga sa harap yung mga representative ng kada group.
"Okay, group 5. Sino representative nyo?" Tanong samin ni Sir.
"Si Bea po." Sagot naman nila. Nagulat ako sa sinabi nila. Napatayo na lang ako at pumunta sa harapan. Sobrang nangangatog na yung tuhod ko at parang gusto kong magwalk out.
"Uhmmm... ang word po na naisip ko ay 'LOVE'."
Napangiti sila sa sinabi ko at parang iba sa kanila. Iba iba kasi yung word na naisip nila e."Love, sa tuwing naririnig ko kasi yung word na yan, naiisip ko lahat. Nabuhay tayo dahil sa love. Ginawa tayo ni Papa God dahil sa love. Niligtas tayo ni Kuya Jesus dahil sa love. Pinalaki ako nila mama't papa ng puno ng pagmamahal. Kaya pag nagkapamilya na ako mamahalin ko sila ng todo todo. At gustong mamatay ng puno ng pagmamahal."
Yun ang explanation ko sa kanila. Napapalakpak na lang sila.
Nakangiti lang sakin si Sir na para bang pang asar na ngiti.
Bumalik na agad ako sa upuan ko."May boyfriend ka ba iha? Swerte naman ng boyfriend mo."
Nakangiting sabi sakin ni Sir."Nice JC!" Sigaw naman ni Edward na nasa harapan nakaupo.
"Aayyyyyiiiieeeeeee!" Sigaw naman ng mga classmate ko. Lumingon sakin si JC at napangiti na lang.
"Kayo ba ni JC?" Pabulong na tanong naman sakin ni Chelle.
"Huh? Hindi ahh." Sagot ko naman sa kanya.
"Sus, ang sweet nyo nga lagi e." Pang aasar sakin ni Chelle.
Nanahimik na lang ako at ngumiti.Tintignan tuloy ako ng mga classmate ko dahil sa pang aasar ni Edward. Madami kasing nagkakagusto kay JC e. Kasi naman, gwapo na, matalino pa. Kaso pasaway at lagi nya akong inaaway.
5:00PM
"Class, dismiss." Sabi ni Sir.
Nag aayos na lahat para umalis.
Habang inaayos ko ang gamit ko nagkakwentuhan kami ni JC."Nakita ko Facebook account mo ahh. Bakit superhero profile picture mo?" Pang aasar ko sa kanya. (Ganyan kami lagi. Asaran. Kulitan)
"Bakit ba? Wala kana dun." Pag mamayabang na sabi nya.
"Kilala mo ba si IronMan?" Tanong nya sakin with maangas na mukha at chin-up."Ofcourse. Bakit?" Sagot ko naman.
"Ako yun. Haha." Proud pa sya sa sagot nya.
"Makinig ka. Ako si IronMan, si Sean si Captain America, si Kenneth si Thor at si Edward si Hulk." Tumatawa sya hanang sinasabi yun."Okay po. Babush, IronMan." Pang aasar ko naman sa kanya.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanya, napansin ko na kami na lang tao sa room.
At pag labas namin. Isang malakas na "Ayyiieeeee!" Ang sumalubong samin."Kaya pala ang bagal mo e. Nakikipagdate ka pa. Wag sa room Bea." Pang aasar naman sakin nila Maria at Rose.
At umuwi na nga kami.
6:00PM
Kakauwi na ko lang sa bahay.
"Bea, next semester ililipat na kita ng school ahh." Sabi ni Mama sakin.
"Huh? Bakit po?" Tanong ko naman sa kanya.
"Sayang naman yung 100% scholarship ko sa school." Dagdag ko naman.
"Edi kumuha kana lang ng another scholarship sa paglilipatan mo." Sagot naman sakin ni mama.
"San po ba ako lilipat?" Tanong ko sa kanya.
"Sa Colegio De San Lorenzo. Di ba yun naman yung gusto mong school?"
Nagulat ako sa sinabi nyang iyon.
Yes, gusto ko dun maga aral DATI. Dati lang. Hindi na ngayon.Nahiga na ako sa kama ko at iniisip ko pa din yung sinabi ni mama.
"Dun pa kaya nag-aaral si Yang? Baka lumipat na sya kasi simula elementary dun sya nag aaral e." Sabi ko naman sa sarili ko na parang baliw na kinakausap ko sarili ko.
BINABASA MO ANG
Me and Mr. Antipatiko
Short StoryIt's all about the girl who has a crush on a boy thats always ignore her. Her name is Bea. May pag-asa kaya sya sa isang mr. antipatiko? Her crush name is Yang. Hindi nya alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ni Yang sa kanya. Ano ba talaga ang...