***JC's POV***Last day of class. Ibig sabihin lilipat na si Bea sa CDSL. Gusto ko syang pigilan. Pero wala naman akong magawa. Ayokong lumipat sya dun. Dahil alam ko kung sino yung nandun, si Yang.
*Flashback*
Nakita ko si Bea na naktingin lang sa may bintana.
Tahimik lang sya kaya nilapitan ko sya."Bea, are you okay?" Tanong ko naman sa kanya.
"Yes. I'm fine." Sagot naman nya. Pero halata ko sa mga mata nya yung lungkot.
"Alam mo, kahit ako ang best enemy mo, pwede mo din naman akong maging best friend e." Nakangiting ko sa kanya.
"May naaalala lang ako." Malungkot nyang sagot nya sakin.
"Sino naman?" Tanong ko sa kanya.
"Si Yang." Sagot nya.
"Sino naman yung Yang na yun?" Medyo naiinis na tanong ko da kanya.
"Hindi ko sya ex. Or close." Medyo napagaan yung loob ko sa sinabi nyang yun.
"Pero mahal na mahal ko sya." Parang biglang may kumirot sa puso ko ng marinig ko yun.
"Lagi nya akong binabalewala. Isang beses lang ata kami nagkausap na ngumiti sya sakin. Ang bestfriend ko kasi ang sa tingin kong gusto nya." Dagdag naman nya.
Bigla ko syang inakbayan.
"Yaan mo na yun. Wag mo na syang masyadong isipin. Panget kana nga, lalo ka pang pumapanget pag nakasimangot ka." Pang aasar ko naman sa kanya.
Napatawa ko naman sya sa sinabi kong yun.*END OF FLASHBACK*
Di ko hahayaang magkita sila dun. Ayokong masaktan na naman si Bea. Mukhang nakalimot na naman sya. Kaya di na dapat sila magkita ng Yang na yun.
"JC, tara na!" Sabi sakin nila Edward.
Lumabas na nga ako at bumiyahe na nga kami papuntang school.
"Last day of school. Yes!" Masayang sabi ni Edward.
"Bye bye Bea." Asar naman sakin ni Sean.
"Tigilan nyo nga ako." Sabi ko sa kanila.
"Bakit? Lilipat na si Bea?" Tanong ni Edward.
"Yup. Sa Colegio De San Lorenzo daw." Sagot naman ni Kenneth.
"Awtsu! Madaming gwapo at mayayaman dun, JC. Baka makalimutan kana nya at makakita na sya ng bagong Pare koy." Pang aasar naman ni Edward. (Sanay na ako sa pang aasar nya. Bully naman talaga sya. Pero takot pa din sya sakin pag nagalit na ako.)
"Sige. Tuloy nyo lang yan!" Naiinis na sabi ko sa kanila.
"Uy, joke lang yun. Toh naman, galit agad." Pagmamakaawa na sabi naman ni Edward.
"Ano kaba naman JC?! Mayaman ka. Kaya mong mag aral dun. Ano ba kasing trip mo at sa public school ka nag aral. Ginagaya mo naman samin yang level mo. E, mas angat ka naman kesa samin." Sabi naman ni Kenneth.
"Oo nga. Lumipat ka ng school. Kami din!" Sabi naman ni Sean.
"Luh? Si JC lang. Damay tayo?" Sabi naman ni Edward.
Napaisip ako sa sinabi nilang yun.
Maya maya pa ay nakarating na nga kami sa school at nakita ko agad si Bea. Kinakausap nya yung iba pa naming classmate. Nakita nya ako pero umiwas na lang ako ng tingin. Maya maya ay lumapit na sya sakin.
"Pare koy, bye na." Nakangiting sabi nya sakin.
"Bye. Buti naman aalis kana." Maangas na sabi ko sa kanya.
Kahit naman angasan ko sya ay alam kong sanay na sya. Pero this time, nakita ko yung lungkot sa mata nya. Tumalikod na lang sya. Paalis na sya ng bigla ko syang hawakan sa kamay."Mag iingat ka dun ahh. Itext mo agad ako pag nagkaproblema ka." Nakangiting sabi ko sa kanya. Di ko na napigilan yung lungkot na nararamdaman ko kaya bigla ko syang niyakap.
"Mamimiss kita." Bulong ko sa kanya.
Pagtingin ko sa kanya ay para bang gulat na gulat sya sa ginawa ko sa kanya. Badboy kasi ang pagkakakilala sakin. At si Bea lang ang babaeng nagpalambot ng puso ko.
Nginitian nya ako at maya maya ay umalis na sya.Habang pauwi na kami ay di ko mapigilan yung lungkot ko. Pumunta ako sa playground kung san kami madalas tumambay. Madalas kaming nasa duyan. Pag tinitignan ko yung inuupan nya tuwing nandito kami, lalo ko syang namimiss.
BINABASA MO ANG
Me and Mr. Antipatiko
Kısa HikayeIt's all about the girl who has a crush on a boy thats always ignore her. Her name is Bea. May pag-asa kaya sya sa isang mr. antipatiko? Her crush name is Yang. Hindi nya alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ni Yang sa kanya. Ano ba talaga ang...