#Bea'sPOV

81 7 4
                                    

Oh My!
Nanjan na naman ang magkapatid.

"Ate! OMG!" -Shie

"I know. I know. Nakita ko na sila."

"Really? And you know what Ate? Nag-smile sya sakin!"

"Sana mag-smile din sakin yung Kuya nya."

"Ano Ate?"

"Huh? Wala. Wala. Haha. Tara. Punta na tayo sa pwesto natin."

"Weh? Crush mo yung Kuya nya noh?"

"Hala! Hindi noh." (Blushing)

"Anong hindi? Namumula ka nga jan oh! Oh My!" (Similing like no tomorrow)

Huh? Palapit samin yung magkapatid.
Ang cute ni Yang. (Everything getting slow)
Parang nasa teleserye ako. Ang gwapo nya. Lalo na when he is smiling.

"Uhmm... Hi." -Ian

"Hello." -Shie

"Ahh. Yes? Anong kailangan nyo?"
Sabay hawak ko sa braso ni Shie dahil nahahalata na sya.

"I'm Ian and you are?"

Luh? Bakit sakin sya nakatingin at naka-smile?

Hinatak ko si Shie papunta sa harap ko at hinarap ko sya kay Ian.

"Sya ang Bestfriend kong si Shie."

"Nasabi mo na nga yun sakin kagabi. Ikaw, anong name mo?" -Ian.

Sabay tingin sakin ni Shie na parang kakainin nya na ako.
Si Yang din nakatingin lang. Hays..

" Uhmmm.. Bea." Sagot ko sa kanya.

"Nice to meet you, Bea."
Sabay abot ng right hand nya.

Naku! Nagseselos na bestfriend ko.

"Nice to meet you, too."
Nag-smile na lang ako sa kanya.
Sabay hatak sa bestfriend ko paalis.

"Excuse me lang ahh."
Palusot ko lang.

(Sa CR)

"Ateeeeeeeeee! Bakit ganun? Bakit ikaw?"

Paiyak na sabi sakin ni Shie.
Bakit nga ba ako? Mas maganda at sexy naman si Shie kesa sakin.

"Hayaan mo na yun. Diba nga sabi nya, kilala kana nya kaya di nya na tinanong name mo."

Bakit si Ian pa kasi? Sana si Yang na lang. Kung si Yang ang makikipag shake hands sakin, hindi ko huhugasan kamay ko. Haha.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo jan, Ate?"

"Wala. Naalala ko lang si Yang." #Inlove :)

"Sabi na e. Ayaw mo pang umamin. Halata namang gusto mo sya. Haha. Basta Ate ahh. Sayo si Yang at sakin naman si Ian."

"Opo. Opo."

Nagtawanan na lang kami at parehas na kaming kinikilig ngayon. Haha.

(After mass)

Tinitignan ko lang si Yang pero parang umiiwas sya ng tingin. Bakit kaya? Nakakahalata na ba sya?

"Oy! Matunaw yan." -Denden

"Haha. Hindi yan." Sagot ko.

"Crush mo noh?" -Denden

"Obviously? Haha. Ang gwapo nya e." Kinikilig kong sagot sa kanya.

"Well, gwapo nga. Pero parang yung kapatid nya ang may gusto sayo e."
"Huh? Pano mo naman nasabi yan?"
Si Ian, gusto ako? No! Di pwede toh.

"Kanina pa kaya sya tingin ng tingin sayo. Yari ka kay Shie. Haha." Pang asar ni Denden.

Ugh! Si Yang na lang, please! -_-

"Bea."
Sabay tawag sakin ni Ian habang papalapit sya sakin.

"Uhmm... Bakit?" Sagot ko naman.
Owh, please. Wag ako Ian. Wag ako!

"May sinasabi ka ba?"

"Huh? Wala. Uhmmm.. Ano bang kailangan mo?"

"Uhm.. Pwede bang sabay ba tayo pauwi? Tutal naman nadadaanan nyo lang yung house namin."
Pa-cute nyang sabi sakin.

"Ahhh. Haha. Ikaw ahh! Dumidiskarte ka kay Shie ahh." Sagot ko naman habang parang baliw na tumatawa.
Hays.. Ipu-push ko talaga kay Shie toh.

"Uhmm.. Hehe. Sige. Kita na lang tayo sa labas. Ayusin lang namin yung mga gamit."

"Sige. Sige." (Smiling)

"Oh diba! Sayo sya may gusto." -Denden.

"Hala! Baka nahihiya lang sya kay Shie."

"Ano yun ahh? Narinig ko pangalan ko ahh." Sabay singit naman ni Shie.

"Uhmm.. Sabi pala ni Ian. Sasabay daw sya satin pauwi." Sagot ko naman. Habang pangiting asar sa kanya.

"Whaaaaaaaat??!" *blushing*

"Sabi ko...."

"Oo na ate! Narinig ko. Whaaaaaaaa! Grabe. Kinikilig talaga ako."

"Halata nga e. Pero sorry ka. Si Bea ang gusto ni Ian." Pang asar na sabi ni Denden kay Shie.

Napatingin naman sakin si Shie.

"Luh? Wag ka maniniwala jan. Di totoo yun. Nahihiya lang siguro syang lumapit sayo, Shie." Pa-cute kong sabi sa kanya.

"Pano nga kung may gusto sya sayo, Ate?"
Malungkot na sabi sakin ni Shie.

"Stop calling me Ate na nga. Halos magkasing edad lang naman tayong tatlo e. Maka-ate kayo jan. E, mas matangkad kayo kesa sakin." Pabiro kong sabi sa kanila.

"Uy! Change topic sya. Haha." Pang asar ni Denden.

"Okay lang, Bea. Pero pag nanligaw ba sya, sasagutin mo sya?" Paawa nyang sabi.

"Hay naku naman. Syempre, hindi noh. Diba nga, sayo si Ian and sakin si Yang." *smiling*

"Ugh, thank you, Ate. Este! Bea pala. Haha." Sabi ni Shie sabay hug sakin.

Hindi dapat manligaw sakin si Ian. Hay naku naman.

"Bea, pinapatawag kana ni Ian." -Yang.

Nagulat ako nung marinig ko boses nya. Parang huminto mundo ko. Napatingin lang ako sa kanya at nagkatitigan lang kami na parang may sinasabi sya sa mga mata ko. Hayss...

"Bea! Tara na daw." Panira moment ni Shie.

"Ahh. Sige. Tara na." Nahihiyang sabi ni Yang.

Sabay kaming naglalakad papuntang gate.

"Uhmm.. Sasabay ka din ba?" Tanong ko naman sa kanya.

*moment of silence*

Hays.. Isnabero din pala tong lalaking toh.
"Antipatiko." Bulong ko naman.

"Anong sabi mo?" Napahinto sya sa paglalakad at tinignan ako.

"Huh? Wala. Wala." Sabay nakayuko kong sagot.

Ano ba naman yan Bea?! Nakakahiya. Ano ng iisipin nya nito? Hays..

Me and Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon