#Ian

123 6 4
                                    

Nag start na ang mass. Then, nakita na namin yung crush ni Shie.
Hmmmm... Gwapo nga. At mas gwapo sya pag naka-smile.
Ay! Ano ba yan? Crush pala ng bestfriend ko yun.

"Ano Ate? Gwapo ba?"

"Oo naman. Lalo na pag naka-smile sya."

Hinampas nya ako at grabe ang kilig nya. Haha!

(Oras ng misa)

"Pagpalain kayo ng panginoon, ama, anak at espiritu santo."
"Amen."
"Salamat sa Diyos!"

(Applause)

Mass is done. Yeah. Thanks God.

"Ate!"

Aray! Makahampas naman tong babaeng toh.

"Oh, bakit Shie?"

"Gusto ko kasi syang makilala."

"Sino?"

Sabay singit ng isa pa naming kaibigan na may crush din sa isa sa mga sakristan (KOA). Sya si Denden. Patay na patay yan kay Niel, sakristan din dito sa church namin. We are the KOA hunter. Haha.

"Uy, sino yun?"

Tanong ni Daniela with hampas.

"Hindi din namin kilala e. Tanungin natin kay James?"

Si James, ang aking ex boyfriend. Sakristan din sya sa church namin. And friends na lang kami ngayon. Gf nya na yung Bestfriend kong si Amy na choirmate ko din.

Lumabas kami ng simbahan and like what I said before, itatanong namin kay James kung sino ba yung cute guy na yun.

"James! Sino yung bagong sakristan na nag-serve kanina?"

"Ahh, ayun ba? Si Ian yun. Bakit? Crush mo?"

"Luh? Hindi noh! Si Shie may gusto dun e."

(Sabay hampas ng malakas sakin ni Shie.)

"Aww! Bakit? Hindi ba?"

(Pero nakatulala lang sya at parang na-stroke sa kinatatayuan nya. Sabay turo sa bandang harapan namin.)

Ahh! Kaya pala. Nanjan pala si Ian.
Hmm.. Parang suplado naman.

"Kukunin ko number nya ahh."

Sabay sabi ni James. At pumunta nga sya kay Ian.
Naku naman! Kahihiyan na naman ito.

Maya-maya pa ay bumalik na si James na may hawak na kapirasong papel. And syempre yun nga yung number ni Ian.

"Oh, yan na. Ok ba?"

"Thank you kuya James!"

Kinikilig na sabi naman ng bestfriend kong si Shie.

"Uwi na nga tayo."

Sabay hila ko kay Shie.
Habang naglalakad kami pauwi, wala namang tigil sa pagkwento itong si Shie.

"Wala ba syang Kuya?"

Nakangiti at pabiro kong tanong kay Shie.

"Ewan ko lang. Baka meron." Sagot naman ni Shie.

Me and Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon