#TheBattle

59 2 0
                                    

***Bea's POV***

"Sino ang ichi-cheer mo?" Tanong sakin ni Rose habang nakaupo sa bench ng court at inaantay ang iba. Medyo napaaga ata ang dating namin.

"Hey! Long time no see Bea and Rose!" Sigaw naman ni Edward habang papasok sa court.

"Bakit nandito kayo?" Tanong ko naman sa kanilang tatlo (Edward, Sean and Kenneth)

"Kami ang kakampi ni JC e. 4vs4 ang laban." Sabi naman ni Kenneth.

Tumabi samin ang tatlo at maya maya pa ay dumating na si Yang kasama ang tatlo nya pang kaibigan at ang 4 na babaeng famous.

"SI JC?" Tanong samin ni Yang.

"Ang sabi nya may dadaanan lang daw sya. Yung t-shirt na pinagawa nya." Sagot naman ni Sean.

Bigla namang dumating si JC na may hawak na paper bag. Nakangiti lang syang naglalakad papunta samin nang biglang iabot nya sakin ang paperbag na hawak nya.

"Oh!" Sabi nya habang inaabot nya sakin ang paperbag na hawak nya.

"Ano yan?" Tanong ko naman sa kanya.

"Paperbag. Nakagraduate ka ng high school tas di mo alam kung ano yung paperbag." Pagmamayabang at may halong pang aasar na sabi nya.

"I mean, para san yan?" Tanong ko sa kanya.

"Para sa 'yo. Sayo ko inaabot diba? Tanggapin mo na lang." Sagot naman nya.

Nakatayo lang sya sa harap ko habang binubuksan ko ang laman ng paperbag. Habang binubuksan ko ang paperbag ay napansin ko ang t-shirt nya na may nakalagay sa harap na 'Pare Koy'.

Pagbukas ko ng paper bag ay nakita ko ang t-shirt na kapareho ng suot ni JC. Nilabas ko ito at nakita ko sa likod nito ang pangalang 'JC'. At tumalikod naman sya at pinakita sakin ang nakasulat din sa likod ng t-shirt nya na 'Bea'.

"Okay ba?" Nakangiting tanong nya sakin.

"Bakit kailangang may ganto?" Tanong ko naman sa kanya.

Pero kinindatan nya lang ako at pumunta na sa court. Habang kinakausap nya sila Yang at sila Edward ay nakita ko naman ang 4 na famous na nakatingin sakin.

"Mukhang magiging mainit ang laban." Sabi sakin ni Rose.

"Syempre, magagaling silang lahat e." Sagot ko naman.

"Basta ako, kila JC ako." Nakangiting sabi ni Rose.

Biglang dumating naman si Eunice.

"Sorry. Traffic kasi e." Sabi samin ni Eunice.

"Suotin mo na yang bigay ni JC sayo." Sabi ni Rose sakin.

"Galing kay JC yan?" Gulat na gulat namang sabi ni Eunice sakin.

"Wow. Mukhang gulat na gulat ka ahh?" Sabi ko naman kay Eunice.

"Haynaku, sanay na ako sa kasweetan ng dalawang yan. Kulang na lang ata magpakasal sila e." Sabi naman ni Rose.

"Tumigil ka nga jan." Sabi ko naman kay Rose.

"Let the game begin!" Sigaw ni Yang.

Nagstart na nga ang laro. Todo cheer naman ang 4 na F kila Yang. Habang sila Rose at Eunice chini-cheer sila JC.

"Uy, ano? Tutunganga ka na lang jan?" Sabi sakin ni Rose.

"Sino ba dapat ang i-cheer ko?" Nakatulalang sabi ko.

"Edi kung sino ang gusto mong i-cheer." Sagot naman ni Eunice.

"Go Guys!" Sigaw ko.

Dahil sa sigaw na yun ay napatahimik ang lahat at para bang nakatutok sakin ang spotlight.

"Ahhh.. Continue. Hehe." Hiyang hiyang sagot ko.

Natapos na ang laro at panalo sila Yang.

"Okay lang na matalo sa larong toh. Wag lang sa puso mo." Sabi sakin ni JC habang nakatayo lang sya sa harapan ko. Napatingin ako sa paligid ko at napansin kong akatingin silang lahat sa amin. Ano bang nangyayari?

"Nice Joke, Pare." Sabi ko naman ay JC.

"It's not a joke, Bea!" Medyo pasigaw nyang sabi at nakatingin lang sya sa mga mata ko at mukhang seryoso nga sya.

"Ano bang kalokohan toh, JC? Pinagtitripan mo na naman ba ako?"Sabi ko kay JC.

"Yan naman kasi lagi ang iniisip mo e. Akala mo lahat ng sinasabi ko sayo biro lang. Manhid kaba talaga?" Sabi ni JC sabay alis.

"Mahal ka nya, Bea. Mahal na mahal." Sabi sakin ni Edward. At umalis na din agad silang tatlo nila Sean at Kenneth.

Nung marinig ko yun. Para bang biglang huminto ang mundo at pinagmamasdan ko si JC habang paalis sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon