#Transferee

66 3 0
                                    


****Bea's POV****

Katatapos lang ng sembreak namin. At ngayon nga ay lumipat na ako ng school. Nakakuha naman ako ng scholarship bilang taga ayos sa library. Di na masama. First day of school, medyo weird at feeling nervous. Si Maria naman ay dun pa din nagaaral sa QCPU. But si Rose, kasama ko sya. Same kaming lumipat dito sa CDSL.

Pagpasok naman namin ng school ay halatang nagtataka yung iba. Mga richkid kasi sila. Samantalang kami ni Rose ay simple lang. Pagpasok namin ng school ay pinagtitinginan na agad kami ng mga classmates namin. Umupo kami ni Rose sa may gilid.

"Transferee kayo?" Tanong ng isang babae sa harap namin.

"Uhmm... Opo." Nakangiting sagot ko naman sa kanya.

"By the way, I'm Eunice." Nakangiting sabi nya sabay abot ng right hand nya samin for shakehands. Inabot ko din naman yung kamay ko at nakipagshakehands. Ganun din si Rose.

Maya maya pa ay may pumasok na grupo ng mga babae. Bale, 4 sila. Pinagtitinginan din sila. Pero yung tingin sa kanila ay para bang mga famous. Di katulad ng samin. Magaganda sila, halatang mga richkid at mukhang may pagkamasungit.

"Sila ang famous na mga babae dito sa school." Sabi samin ni Eunice.

"Ang leader nila ay si Yeng. Maganda, sexy, matalino, mayaman, halos lahat ata nasa kanya na. Ang kaso maarte at masungit. Mabait sa una pero pag kayo kayo na lang, lalabas na ang buntot at sungay nyan. Sumikat sya dahil sa isang singing contest dito sa school. Wala pa atang nakakatalo sa kanya sa singing contest simula high school. Mula nun naging famous na sya. Yung isa naman, si Maricar. Maganda, sexy, mayaman pero di gaano matalino. Sya din ang maldita sa kanilang apat. Apo yan ng principal natin. Yung isa naman, si Andrea. Almost the same ng characteristic nung dalawa. Singer din sya. Sya lagi ang 2nd placer dahil si Yeng lagi ang panalo. At ang last naman ay si Angel, sya ang pinakamabait sa kanilang apat. Minsan ko na syang nakausap nung first semester. Sumasama lang naman sya sa apat dahil pinsan nya si Yeng. Magaling din sya kumanta pero ayaw nyang sumali sa contest." Sabi samin ni Eunice.

Mayamaya pa ay may dumating na tatlong lalaki. Nakatulala lang yung mga babae pati yung apat na babaeng famous. Nagsitilian sila. (Swerte ko naman. Famous mga classmate ko.) At halatang mga mayayabang.

"Actually, apat sila. Wala pa ata yung leader nila. Yung mga yan ang ultimate crush nung 4 na babae. Matalino, mayaman, gwapo, lahat na ng hahanapin mo sa lalaki, nasa kanila ng apat. Kaso mga mayayabang. Pero wala namang palag yung iba sa kanila. Dahil kahit ganyan yung mga yan, mas may puso sila kesa sa apat na babae kanina. Mga heartthrob yung mga yan. Pero di naman makalapit yung ibang babae dahil sa apat na demonyita. Si Francis, ang crush ni Maricar. Si Sam, ang crush ni Andrea. Si Jason, ang crush ni Angel." Sabi ni Eunice.

Maya maya pa ay may pumasok na isa pang lalaki. Lalong nagkagulo yung mga babae.

"At yan ang leader nila. Si Yang Velasquez. Matalino, mabait, mayaman, gwapo, basketball player. Nasa kanya na lahat. Crush na crush yan ni Yeng. Kaso may nabalita na may ibang babaeng nagugustuhan si Yang. 'Miho' ang tawag nya sa gusto nya. Di nya sinasabi yung real name dahil siguradong hahanapin yun ni Yeng." Nagulat ako sa sinabi nyang yun. Napayuko na lang ako nung makita ko sya. Di ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako. Paano na toh?

Mayabmaya pa ay dumating na ang professor namin.

"Good Morning class!" Sabi ng professor namin.

"Meron tayong mga bagong classmate. Transferee sila galing QCPU." Sabi ni Sir.

Nang sinabi ni Isr yun, may mga naririnig akong panghuhusga.

Poor
Pano sila nakapasok dito?

Me and Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon