June 10, 20146:00AM
College life.
Isang diploma na lang at tapos na lahat ng paghihirap nila mama. Pero isa din toh sa pinakamahirap na level ng pagiging estudyante.Ako pa din toh, si Bea.
Medyo nagbago nga lang ang itsura ko. Humaba ang buhok ko. Medyo pumuti at medyo natuto na akong mag ayos ng sarili ko. Pero still, simple pa din ako. Nag aaral na ako ngayon sa QCPU (Quezon City Polythecnic University). Kasama ko pa din sila Maria at Rose sa pag eenroll. Mukhang magiging busy na ako. Mas makakalimutan ko siguro si Yang nito. Hanggang ngayon kasi masakit pa din. Hindi na din kami gano nagkikita ni Ian. Mukhang tinantanan nya na din ako (Sana!)."Tara na, Bea." Sabi sakin ni Maria at Rose.
Umalis na nga kami at pumunta ng school. First day of class, tahimik, nahihiya pa sa isa't isa, medyo weird ang feeling, tumitingin sa mga darating na new classmate at kung sino ba yung talagang magkakakilala na.
Well, di ako gaano naboring sa first day. Cause finally, naging classmate ko na sila Maria at Rose. Dahil siguro sabay sabay kaming nag enroll.Habang inaantay namin yung professor namin, biglang may dumating na apat na lalaki at naupo sa harap namin.
Gwapo yung dalawa pero yung natirang dalawa, okay lang naman. Hehe.Maya maya pa ay pumasok na ang professor namin.
"Good morning, class!" Sabi ng professor na nasa harapan na namin.
Kagaya nga ng laging nangyayari pag first day, mag papakilala isa isa. Kahit college na kami, ganun pa din. Public kasi yung school namin. So, walang aircon, medyo sira sira na yung mga bintana at parang high school pa din kami.
"I'm Maria Labastida, 16 years old going to 17 sa July 11." Sabi ni Maria sa harap ng klase.
OhMy! Next na ako. Sobrang kinakabahan na ako. Alam mo yung ganung feeling. "Matatapos din toh, lahat ng bagay lumilipas." Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Matatapos din toh."Next!" Sabi ni Sir.
Napatingin na lang ako kay Sir at pumunta na ako sa harap.
"Uhmmm... Hi!" At ngumiti ako. Medyo natawa ata yung iba kung classmate sa sinabi ko.
"I'm Bea, Bea Vasallo. 15 years old going to 16 this coming July 7." Nakangiti kong sabi sa kanila.Nang matapos ng magpakilala ang lahat.
"Okay. Get 1/2 sheet of paper. We have a short quiz." Sabi ni Sir.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Sir.
"Sir, quiz agad?" Sabi ng isang classmate ko.
"Ofcourse." Nakangiti nyang sabi samin.
Kumuha na lang kami ng papel. At nag ready na for our qiuz.
"Okay, 1-10 List the name of your classmate. 10 lang ahh." Nakangiti nya pang sabi.
"Luh? 10? Uhmmm..." Bulong ko naman sa sarili ko. Buti na lang at may naaalala pa ako. At buti na lang kilala ko na sila Bea at Rose. So, may 2 na ako. 8 pa.
Nang lumabas si Sir, nagsimula na ang estudyante move. Nagtanungan na sa isa't isa. Nakausap din namin ang apat na nasa harap namin.
(Si JC, Maitsura. Matangos ilong, matipuno, matalino dahil sa galing nya mag english, at makulit. Si Sean, Gwapo din, maputi, matangkad, matalino din. At taken. Haha. Si Kenneth, Medyo maliit lang sya. Di gaano maporma pero crush yan ni Maria. Haha. At last but not the least, si Edward, ang hulk ng grupo. Haha. Mataba kasi sya. Hehe. Pasaway at pilosopo. Medyo bully pero mabait.)
Naging close agad namin ang apat. Dahil trip ako ni JC. -_-
"Diba Bea name mo?" Tanong sakin ni JC.
Bigla syang tumabi sakin.
"Nga pala, si Kenneth. Kaibigan ko. Ayyiieee." Pang aasar nya sakin na para bang nirereto nya ako.
Di na lang ako umimik. Pero sige pa rin sya sa pang aasar. Kung ano pinagsasabi nya about kay Kenneth. Lakas talaga ng trip nya. Sa dinami dami ng babae, E ako pa napagtripan nitong lalaking toh.
Nang matapos na ang first subject, nagsibabaan na ang lahat para pumuntang canteen. (3 hours per subject. Tuesday, Thursday and Saturday. 3 subjects per day. Pero pag saturday, 2 subjects lang. After ng kada subject, 30minutes break.)
Nasa canteen kami at bumibili.
Nang palabas na kami, biglang nakasalubong namin ang apat (or madalas naming tawaging F4)"Hala. May prof na tayo." Sabi sakin ni Sean.
Halata naman sa kanyang nagbibiro lang sya.
"Weh? Ba't nandito pa kayo?" Pang asar ko naman sa kanila.
4:00PM
Pagdating ng alas kwatro ay pinauwi na agad kami. Kahit 5pm pa dapat uwian namin. First day naman kasi kaya ganto.
Natapos na ang first day of school.
Pag uwi ko ay pagod na pagod na ako. Kaya nagpahinga na ako. Walang Yang, walang Ian. Sa tingin ko, nakalimot na ako.
BINABASA MO ANG
Me and Mr. Antipatiko
Short StoryIt's all about the girl who has a crush on a boy thats always ignore her. Her name is Bea. May pag-asa kaya sya sa isang mr. antipatiko? Her crush name is Yang. Hindi nya alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ni Yang sa kanya. Ano ba talaga ang...