#Block

53 4 1
                                    


2:00PM

Pagdating ko sa bahay ay nagbukas agad ako ng Fb.
Titignan ko kung inaccept na ba ni Yang yung Friend request ko sa kanya. Habang naglo-loading pa, para banag nakakaramdam ako ng kaba. Gusto ko ng mag-message sa kanya. At sabihing, "Uy! Bakit ba ganyan ka sakin?" Pero parang wala ata akong lakas ng loob sabihin yun.

Nang mabuksan ko na ang Fb ko, hinanap ko agad ang Facebook account nya. Di ko alam yung nararamdaman ko pero para bang naiinis na ako. Kaya may nagawa akong di ko inaasahang gagawin ko. And ang katangahang nagawa ko, nagmessage ako sa kanya.
Di ko alam kung anong nangyari pero para bang may biglang nagcontrol ng kamay ko at nawalan ako sa sarili. Yung tipong nung nagkamalay na ako, nakita ko na lang yung message ko sa kanya na...

"Uy, Yang! Bakit ba ganyan ka? May problema ba? Pero sige, ikaw ang bahala. Sorry sa mga pang iistorbo ko sayo ahh. Last na pang gugulo ko na toh. Bye."

Nasend ko na nga yung message na yan. Di ko alam yung gagawin ko. Natataranta ako na kinakabahan. Halo-halo yung nararamdaman ko. Kinakabahan sa kung anong magiging sagot nya. At medyo kinikilig dahil baka yun ang maging start para maging close kami. Nilog out ko na ang Fb ko.

7:00PM

Pagdating ng 7pm. Nag online agad ako. Titignan ko kung nabasa nya na ba yung message ko at kung anong reply nya. Pagbukas ng Fb ko, biglang huminto at para bang may sumaksak sa puso ko sa sobrang sakit.

Seen 5:45pm

Yan ang nakita ko. At hindi lang yun ang masaklap. Nadagdan ang sakit at mas malala pa sa Seenzoned ang nangyari sakin.

Facebook User

Yan na lang ang pangalan na nakita ko sa Chatbox namin. Once na, facebook user na lang ang nakalagay sa name nito. Meaning, binlock nya ako. Oh, no! Oh, yes, BLOCK. One word pero ang sakit sakit. Para bang dinurog yung puso ko. Ang sakit!

Nabitawan ko na lang yung laptop ko at napayakap sa mga hita ko. Di ko mapigilan yung mga luha na lumalabas sa mata ko. Bakit kailangan nyang gawin yun? Di nya ba alam na nakakasakit sya sa ginagawa nya. Yun na nga lang ang pinagkukuhanan ko ng info about sa kanya, pinagkait nya pa. Sobrang sakit. Iyak ako ng iyak. Para bang di nauubos yung luha sa mga mata ko. Sinusubukan kong pigilan pero di ko kaya. "Yang, bakit?!" Yan yung paulit ulit na tanong sa utak ko. Nahiga na lang ako at nagkulob sa kumot ko.

****Yang's POV****

"Sorry Bea. Sorry" Yan yung sinasabi ng utak ko habang unti unting pumapatak ang mga luha ko.

Hindi ko na mapigilan. Masyado na kasing masakit. Sa pagiging spoiled ni Ian (dahil sya ang bunso) nahihirapan na ako. Pati sa pag-ibig kailangan kong magparaya. Pati taong mahal ko nasasaktan ko na. Wala man lang akong magawa para patahanin sya pag umiiyak sya, iligtas sya pag nanganganib sya at ngitian sya pag nanjan sya. Di ko magawa lahat yun dahil sa kapatid ko. Pero wala na akong magagawa. Hahayaan ko na lang ang tadhana ang gumawa ng paraan.

Me and Mr. AntipatikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon