***Bea's POV***"Beaaaaaa! Gumising kana nga jan." Nang gigising na naman si mama.
Hinanap ko yung phone ko at tinignan yung oras.
9:00am
OhMy! Late na akoooooo!
Napatayo agad ako ng makita ko yung oras.
Naligo at nagbihis na agad ako."Ma, alis na po ako."
"Late kana naman." Sabi ni mama. Nagkiss na lang ako sa kanya. (Lagi kong ginagawa yun bago umalis)
Nagmamadali na ako sa paglalakad dahil late na ako.
Pag dating ko ay nakaupo na yung mga kasama ko. At nandun din sila Ian at Yang. OhMy! Malapit lang samin upuan nila.Pag tingin ko ay wala akong upuan. Tumingin ako sa paligid ko at hinanap yung iba pang upuan na pwedeng pagkuhaan. Ying patong patong na upuan.
"Ayun ate oh." Sabi sakin ng bata kong choirmate.
Pag tingin ko ay nakaupo dun si Yang. Nasa kanya yung mga upuan. OhMy! Pano ako kukuha? *blushing*
"Go Bea." Pang asar pa sakin ni Denden.
Lumapit na nga ako kay Yang.
"Uhmm.. Kukuha lang akong upuan." Sabi ko sa kanya.
Pero di man lang sya ngumiti. Tinignan nya lang ako at umalis sa kinauupuan nya.
Kinuha ko yung nasa ibabaw na upuan. In short, yung inupuan nya. Alangan naman kasing kukunin ko pa yung nasa ilalim. Magpapakahirap pa ako.
Bumalik na ako sa pwesto namin dala yung upuan na kinuha ko. Tumabi ako kay Denden.
"Bea, nakatingin lang sya sayo kanina hanggang sa makaupo kana dito." Bulong sakin ni Denden.
"Wehh?" Sabi ko sa kanya.
"Oo nga. Pero ngayon, hindi na e." Sagot naman nya.
OhMy! Kinikilig talaga ako. Gosh! Bakit ba kasi di nya ako pinapansin pero tingin naman ng tingin. Whaaa! Ayoko naman mag assume. Mahirap na. Baka masaktan pa ako.
****Yang's POV*****
Napapangiti na lang ako tuwing naaalala yung itsura ni Bea kanina.
*Flashback*
"Uhmm.. Kukuha lang akong upuan." Sabi ni Bea.
Tinitigan ko muna sya bago ako tumayo. Halatang kinakabahan talaga sya. Haha. Habang tinitignan ko syang kumuha ng upuan, nakita ko si Ian na nakatingin saming dalawa. Kaya pinipigilan kong ngumiti dahil ayokong mahalata nya ako.
*End of Flashback*
"Kuya, start na." Sabi sakin ni Ian. Nagsimula na yung mass.
After a few minutes.
Malapit ng mag-communion."Yang, tanungin mo nga si Bea kung ilan sa kanila ang kakain ng ostcha." Sabi sakin ni Kuya Ringo. Isa sa nag aasikaso every mass.
Tinignan ako ni Ian na para bang may sasabihin sya.
Naalala ko yung promise ko sa kanya na umiwas na lang ako kay Bea."Ikaw na lang Ian." Nakangiting sabi ko kay Ian.
"Talaga kuya?" Nakangiting sabi nya.
Ngumiti na lang ako at lumapit na nga sya kay Bea. Halatang kinakabahan pa si Ian habang kinakausap si Bea. Tumingin ako saglit pero yumuko na din agad ako. Nasasaktan kasi ako pag nakikita silang magkausap. Parang sinasaksak ko ang sarili ko sa pinag gagagawa ko e.
*****Bea's POV*****
"Hindi ko alam kung ilan e." Sagot ko naman kay Ian.
Tinatanong nya kasi ako kung ilan kakain samin ng ostcha. Hays.. Sana si Yang na lang nagtanong. Maya maya pa ay umalis na si Ian.
BINABASA MO ANG
Me and Mr. Antipatiko
Short StoryIt's all about the girl who has a crush on a boy thats always ignore her. Her name is Bea. May pag-asa kaya sya sa isang mr. antipatiko? Her crush name is Yang. Hindi nya alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ni Yang sa kanya. Ano ba talaga ang...