Malapit na matapos ang semester. Pero bago yun. Nagkaron kami ng experiment. 3 members per group. Sakto sana kami nila Maria at Rose. Kaso ang akala pala nila, si JC na ang kasama ko. Kaya nakahanap sila ng isa pang kasama na si Ruby. Naging bestfriend din namin."JC!" Pangungulit ko naman sa kanya.
"Dali na kasi, pumayag na nga si Kenneth na kasama ko kayo sa experiment e. Napaka-choosy mo naman!" Pang aasar ko sa kanya.
Tinatawanan nya lang ako para maasar ako. Ganyan kasi lagi ang trip nya, ang asarin ako! -_-
"O, sige na nga. Payag na ko." Pagmamayabang na sabi nya sakin.
"Aning!" Sabi ko sa kanya sabay hampas ng malakas.
Tinawanan nya lang."Nga pala, Pare koy lilipat na ako ng school next semester." Napatingin sya sakin sa sinabi kong yun.
(Pare koy, ang c's namin or call sign)
"Edi mas mabuti." Sagot naman nya na may kasamang yabang.
"Mamimiss mo ko! Mark my word!" Pagmamayabang na sabi ko naman sa kanya.
"Di kita mamimiss noh! Asa ka naman." Pang asar naman nya.
Maya maya pa ay nagstart na ang klase.
5:00PM
After class ay nilapitan ko sya at kinausap.
"Pare koy, bukas ahh. Sa St. Vincent." Sabi ko sa kanya.
Tinignan nya lang ako at umalis na agad sya.
Bigla ko namang hinatak yung braso ni Kenneth."Anong problema ni JC?" Tanong ko kay Kenneth.
"Wala naman. Bakit?" Sabi nya.
"Di ako pinansin e." Sabi ko sa kanya.
"Ewan ko dun. Baka wala lang sa mood. Sige. Alis na ako. Kitakits na lang bukas." Sabi sakin ni Kenneth sabay alis.
Pauwi na kami nila Maria at Rose. Habang nasa byahe naman kami ay tinext ko si JC.
To: JC
Uy Pare koy! Anyare sayo? Bakit di mo ko pinansin kanina?Yan ang text ko sa kanya.
Matagal naman sya bago magreply. Kaya hinayaan ko na lang muna.
Nang makauwi na kami sa bahay.6:00PM
Tumunog ang phone ko at may message akong natanggap.
From: JC
Wala.Yan lang ang reply nya sakin. One word. Todo tipid ba? -_-
Tinawagan ko sya pero pinapatay nya lang. Ano ba talagang problema nya? Di naman kasi sya ganyan dati. Open naman sya sakin. Pero ngayon parang ayaw nya na akong kausap.(Kinabukasan)
Ngayon dapat kami gagawa ng experiment. Ang kaso nga lang na delay dahil may biglaang meeting daw ang section namin.
Papunta na kami sa school para pumunta sa meeting.
Maya maya pa ay tinext at kinulit ko si JC na pumunta. Kasi minsan nang iindian yung mga yun pag gantong mga meeting. Minsan kasi napupuntablang sa wala.Pagdating namin ng school ay hinanap ko si JC pero wala pa din sya. Naupo ako saglit. Maya maya ay may kumalabit sakin. Pag lingon ko ay si JC pala yun. Nginitian ko sya at ngumiti din sya sakin.
"Oh, pumunta ako ahh." Nakangiting sabi nya sakin.
Nginitian ko lang sya. Bigla syang tumabi sakin.
"San ka ba lilipat?" Medyo weird yung feeling ko ngayon. Parang di kasi sya si JC na kakilala ko. Si JC na lagi akong inaasar at inaaway. At tuwangtuwa pagnaiinis at napipikon na ako sa kanya.
"Uhmm... Sa Colegio De San Lorenzo daw e." Sagot ko naman sa kanya.
"Bakit? Susundan mo ko?" Pabiro ko namang tanong sa kanya."Asa ka naman!" Sagot nya. Nagbalik na sya. Haha. Napangiti ako nung sinabi nya yun. At nginitian nya na lang din ako.
"Uwi na din agad ako ahh." Sabi nya sakin.
"Huh? Wag muna. Sabay sabay na tayo. Di pa nga tapos yung meeting e." Sabi ko sa kanya.
"Uwi na ako." Sabi nya na parang nang aasar yung mukha nya.
"Bahala ka jan!" Sabi ko sabay talikod sa kanya. Di sya sumagot at pagharap ko ay wala na sya. Dati naman di ako natitiis nun e. Asar. :3
After a few minutes ay nagdismiss na yung president namin.
Naglalakad na kami palabas ng gate pero habang naglalakad ako. Nagulat ako sa nakita kong lalaking nakatayo sa dadaanan namin. Medyo malayo sya pero nakilala ko sya. Si JC. Haha. Di nya ako natiis. Napangiti ako nung makita ko sya.
Nung nasa harap nya na ako ay nakita ko yung iba nya pang kaibigan na lalaki."Kaya pala ayaw pang umalis ni JC e. Ikaw pala yung inaantay e." Sabi naman ni Edward na para bang nayayamot na dahil kanina pa pala sila nag aantay.
Ngumiti lang sakin si JC at sinabing "Uwi kana?"
"Yup. Ikaw?" Tanong ko naman sa kanya.
Bigla syang inakbayan ni Edward.
"Bea, pwede bang hiramin muna namin si JC? Maglalaro lang kami." Sabi ni Edward na para bang Gf ako ni JC at nagpaalam sakin lahat ng kaibigan nya para payagan syang maglaro ng Dota."Uhmmm... Sige." Nakangiti ko namang sagot.
"Sige. Maglalaro lang kami. Uwi na agad ahh. Ingat." Sabi sakin ni JC na may kasamang ngiti.
Di ko alam pero para bang kinikiliti ako sa mga nangyaring yun.
Pauwi na kami at pag uwi ko ay nagsearch na agad ako about sa experiment na gagawin namin. Vi-videohan kasi kami habang nag eexperiment. Dun kukunin grade namin sa finals.(Kinabukasan)
Pumunta sila JC at Kenneth sa bahay.
Sinalubong ko lang sila sa may kanto at pinapunta na sa bahay. Nung nasa tapat kami ng bahay ay ayaw pang pumasok ng dalawa. Nahihiya daw sila. Haha. Para bang yung mayabang kong bestfriend ay naging maginoo dahil nandun Mama ko. Natatawa naman ako sa kanya habang mabait pa sya sakin. Kaya gumaganti na ako.
Dun na din kami kumain ng lunch sa bahay. Pagkatapos namin ay umalis na din agad kami at pumunta sa St. Vincent kung san kami magvi-video.
Habang nasa simbahan naman kami ay naglibot libot muna kami para humanap ng pwesto. Nung magstart na kami ay nakailang ulit kami dahil sa pagkakamali at dahil na din nagkakamali si JC."Uy! Pare koy ayusin mo naman. Hahahaha." Sabi ko habang nagtatawanan kami.
"Aayusin ko na nga e. Wag kasi kayo tumawa." Sabi nama nya na para bang napipikon na sya dahil tinatawanan namin sya ni Kenneth pag nagkakamali.
5:48PM
Nang matapos na ang video ay nagsimba na lang kaming tatlo. Sunday kasi ngayon. Nang matapos ang misa ay umuwi na din sila JC.
Bago sila sumakay ng jeep ay sinabihan ko si JC, "Itext mo ko pag nakauwi na kayo ahh."
"Opo. Opo." Sagot naman nya sakin.
(MagKakapit bahay lang kasi silang apat na magkakaibigan. Actually, mayayaman yung mga yun. Di ko lang alam kung bakit nagpublic school sila.)
8:00PM
Kakauwi ko lang sa bahay. Nang may matanggap akong text.
From: JC
Pare koy, kakauwi lang namin. Salamat nga pala ahh. Pakisabi din kay mama na thank you. Este! Kay mama mo pala. Haha.Natawa ako ng mabasa ko ang text nya. Di ko alam pero habang tumatagal lalong gumagaan loob ko kay JC.

BINABASA MO ANG
Me and Mr. Antipatiko
Short StoryIt's all about the girl who has a crush on a boy thats always ignore her. Her name is Bea. May pag-asa kaya sya sa isang mr. antipatiko? Her crush name is Yang. Hindi nya alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ni Yang sa kanya. Ano ba talaga ang...