Chapter 23

463 15 3
                                    

Chapter 23:

Lesson 7: i'm falling

Napatanga ako sa hawak kong papel ng ilang minuto bago tinahak ang baba.Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Binigyan kasi kami ni lola ng sipilyo kagabi upang magamit raw naman.

Nang matapos ko ang pag-aayos ay tumahak ako papunta sa kusina para sumalo kila Paul. Ang mga ngiti niya ang bumungad sakin ng umupo ako at nagsimulang kumain. Nakatitig lang siya sa akin habang nakaplaster pa rin sa mukha niya ang ngiting abot langit. Ako naman ay hindi makakain ng maayos dahil sa ilang.

Nang matapos kami ay ginawa namin ang aming tungkulin atsaka tumambay sa labas. Nakilala ko na ang halos lahat ng tao rito. Friendly ang una kong isasagot kung idedescribe ko sila.

Sa gitna ng village na ito tanaw ang isang burol sa bandang dulo. Mataas ito hindi katulad ng ibang burol. Sa itaas nun ay isa nanamang puno pero ang kaibahan nito masmayabong ang mga dahon nito at hulmang hulma ang itsura dahil nagmimistulan itong pangsilong talaga.

"Huy ! Tulala ka nanaman diyan. " biro sa akin ni paul habang inaabot ang plastic na may lamang softdrinks .

"Nakakapagtaka no ? Saan kaya bumibili ng paninda ang tindahan na yan ? Samantalang hindi nila alam ang palabas sa gubat." Natanong ko kasi sa bawat taong nakilala ko kung alam nila ang palabas ng lugar na ito , pero ni isa'y walang sumagot na alam nila.

"Aba malay ko hindi naman ako ang may-ari eh ! Poproblemahin ko pa ba yun ." Pilosopong sagot sakin nitong asumot na to.

" hindi kaba kinakabahan or something kasi naligaw lang naman tayo." Muling tanong ko

"Hindi naman. Masaya pa nga ako eh ! Weird no !" Humahangang sagot niya.

"Really ? Na-aamaze ka sa kabalbalan mo? Sinong magiging masaya kung maligaw ang isang tao ?" Kunot-noo ko siyang pinukulan ng tingin.

"Ako kakasabi ko lang diba ? Malay mo forever na tayo rito ." Natatawa niyang bigkas. Parang nung nakaraang araw lang siya nag sasabi sa aking na walang forever tapos nga yun magsasalita siya ng ganun.

"Walang forever."plain kong sagot sa kanya.

"Walang forever sa mga taong bitter. " plain din niyang sabi.

Natameme ako roon. Bitter na kung bitter eh sa nahuhulog na ako eh ! Kaya ko bang pigilan ang nararamdaman ko ?

"Ano ang pang lesson 7 ?" Pagpapalit niya ng topic. Nakaramdam siguro ang loko.

" lesson 7: compliment her syempre kailangan talaga to ! Kailangan mo silang puriin. Kailangan mong ipadama sa babae kung gaano sila kaganda sa paningin mo . Parang iaassure mo siya na siya lang ang babae na pinakamaganda sa mundo. Take note ! Eto kasi ang isa sa paraan para hindi magduda ang babae. Kailangan sabihan mo sila ng bagay na makakapagassure sa kanila na sakaniya ka lang na wala siyang kaagaw sayo. That's all" paliwanag ko sa kanya. Mukha naman ninanamnam niya ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko dahil maiigi siyang nakikinig.

Iniwan ko siya roon at pumasok na sa loob madilim na kasi at wala na gaanong tao sa labas, kaya pumasok na ako.

Kinabukasan ay namulat ako nang nanghihinayang. Wala na kasing nakadikit sa noo ko. Okay ! Nagassume ka kasi na paggising ko ay meroong nakalagay na notes yan tuloy nadisappoint ka !

Bumangon ako at napatingin sa salamin. Ang kaninang matamlay kong katawan ay naging aktibo dahil may nakita akong nakadikit sa salamin. Medyo lumilipad ng konti ang ilalim nito at kulay dilaw ito.

Dali-dali ko itong kinuha at binasa. Halos mangisay ako sa kilig nang muling basahin ang nakasulat.

[goodmorning beautiful ;)] at katulad kahapon ay may pirma nanaman sa baba.

Now i am really falling ! Ayaw man ng utak ko ay gustong-gusto naman ng puso ko. I'm falling at hindi ko alam kung paano ako makakatayo kung sakaling bumagsak ako ng tuluyan. Hindi ko na rin alam kung paano ko ito pipigilan nasta nahuhulog na ako yun lang.

Abot-tenga ang ngiti ko nang bumaba ako at tumambad sa akin si Paul na prenteng nakaupo sa sofa sa sala. Nakangiti rin siya ng katulad sa akin.

" Hi !" May halong kaway at kindat pa. Sinong hindi mahuhulog kung ganyan ang huhulugan mo. Kumbaga kung si Paul ang bangin willing na akong tumalon para sa kanya.

"Hello" hindi ko masyadong pinahalata na halos mamatay na ako sa kilig pero sa kaloob-looban ko ay halos nagrarambulan na ang dugo na dumadaloy sa puso ko.

"Ang ganda mo ngayon" kung kanina ay abot-tenga ang ngiti ko ay ngayon ay abot-langit na ! Heaven ! God ! Patahimikin niyo to at baka hindi ako makapagtimpi aagawin ko talaga to kay Alyssa.

"Seryoso bakit maslalo kang gumaganda ?" Medyo patanong pa nang sabihin niya sakin to. Enebe ! Kenekeleg eke eh ! Susmaryosep lord baka magkasala ako ng wala sa oras at baka marape ko tong Taong nasa harapan ko.

"Tigilan mo nga ako Paul ! Maganda na ako matagal na kaya wag mo nang ipangalandakan pa sa akin." Pero syempre kailangan maging pakipot aba may girlfriend ito , buti nga at hindi ko pa sinulot ito baka masabunutan ko lang si Alyssa dahil sa swerteng natatamasa niya.

"Wow ! Hindi ka man lang naging humble ! Pero dahil malakas ka sa akin sige na nga . Ang ganda mo ! Dyosa iba ka na !" Pabiro niyang tugon sa akin. Aba hindi biro para sa akin ang sinabi niya isa itong memories to remember . Sinabihan ako ng dyosa ni Paul iba na talaga ang kamandag ko.

Tumawa na lang ako sa sinabi niya.

"Bili tayo pagkain sa tindahan nagugutom ako eh !" Yaya niya sa akin. Wala kasing almusal rito dahil tulog pa sila lola puyat ata kagabi malay ko ba dun baka nagloving-loving kasama ang asawa kaya tinanghali ng gising. Tumango na lang ako at pinagmasdan siya.

I'm falling ! Yan ang masasabi ko habang tinitignan ang lalaking ito . Pero bakit ngayon ko lang naramdaman ? Antagal na naming magkaibigan pero bakit ngayon ko lang natuklasan ang nararamdaman ko ? Talaga bang mahal ko na ang lalaking to ?

"Banyo muna ako kumuha ka na lang ng pera sa wallet ko sa kwarto nakalagay sa lamesa katabi ng kama" at dali-dali siyang pumunta sa banyo.

Ako naman ay umakyat at dumiretso sa kwarto niya. Binuksan ko ito at agad sinakop ng pabango niya ang ilong ko. Ang bango talaga ng pabango niya panlalaking panlalaki. Totally i'm falling.

Kinuha ko ang wallet niya at binuksan ito . Bumagsak ang balikat ko at nakaramdamng kirot sa aking puso. Muli kong pinagmasdan ang larawan nang isang lalaking nakaakbay sa babae at nakapeace sign . Picture ito ni Paul at ni Alyssa.

Nag-ulap ang paningin ko. May girlfriend nga pala si Paul , bakit pa ba ako umaasa ?. Naramdaman kong may lumapit sa akin mabuti na lang at nakatalikod ako.

"Ang cute namin diyan no !" Pagmamalaki niya.

I'm falling....

I'm falling to pieces.~~

-----

Hi guys ngayon lang ako magaauthor s note ;)✌️ please read my other story yung dear ate and also yung mga one-shot ko yun lang thanks. lovelots.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon