Chapter 6

566 20 1
                                    

Chapter 6

Stay with me

Pagmulat ng mata ko puro puti ang nakita ko.Umupo ako at tinignan ang kabuuan ng kwarto nato. Walang katao- tao tanging ako lang ,nasa hospital ako hindi ko maalala ang nangyari basta ang natatandaan ko lang ay biglang humina ang pandinig ko at nanlabo ang mata ko at ang huling nakita ko ay si toffe. Siya ba ang naghatid sakin dito ? ang sama ng pakiramdam ko halos hindi ko magalaw ang kamay at paa ko pero pinilit kong tumayo.

Naglakad ako papunta sa pintuan at binuksan ito walang katao-tao sa hallway ,naglakad ako para pumunta sa nurse station para ipaalam ito kayla mama dahil sigurado akong nagaalala na sila.Paliko na ako ng may marinig akong nag-uusap pagsilip ko si Toffe at Alyssa.Huminto ako at nakinig.Hindi ko ugaling makinig ng usapan ng iba pero dahil sa nacucurious ako kung ano ang pinag-uusapan nila at hindi ko na mapigilang makinig

"Sige na Krycstof , Ngayon lang ito nagout of town kasi si dad kaya wala akong kasama papunta dun"Sabi ni Alyssa na lalong nagpainteresado sakin para pakinggan sila.

"Walang magbabantay kay Denisse kaya hindi pwede."sagot naman ni toffe sa kanya hindi talaga ako sanay na tinatawag niya ako ng denisse lalo na't matagal nang hindi niya ako tinatawag sa pangalan na yun.

"Pwede namang sila Aiden ang magbantay sa kanya tsaka kaya na naman niya yun si Acqui pa ba ? ang lakas kaya nun parang hindi babae."pamimilit niya,tumawa siya pagkasabi niya sa huli niyang linya.Ako hindi babae ? Napailing na alang ako sa sinabi niya, hindi ko siya masisisi dahil ganoon naman talaga ako pero iba ngayon. Nanghihina ako at kailangan ko ng suporta.

"Wala sila Aiden nagfamily bonding sila si John ayun nakaratay pa , si Zhan naman bumibili ng ireregalo kay Samm dahil malapit ng magbirthday , si Vince MIA .Si Jolo at Joyce syempre nagdedate. Kaya ako lang ang pwede at pinakiusapan ako ni tita at tito na ako daw muna ang maiwan para kay Denisse kasi aalis sila."mahabang paliwanag ni toffe sakanya. Ngunit parang sarado na ang isip ni Alyssa sa kahit ano mang pagdadahilan ni Toffe.

"Kaya na naman niya ang sarili niya.Kailangan ko lang ng kasama baka kasi mapano ako pag walang kasama tsaka sabi ni dad samahan mo raw ako " pamimilit pa rin nito.Bigla tumahimik, para bang tinitimbang ang sitwasyon,mga ilang minuto ay nagsalita ulit si toffe.

"Saan ba kasi pupunta? " tanong niya sumilip ako at nakita kong umaliwalas ang mukha ni Alyssa, siguro nga papayag si toffe .

"Sa bahay lang ni lola pinapupunta niya kasi ako para daw makapagbonding kami ulit,promise saglit lang tayo dun tapos balik ulit tayo rito para mabantayan si acqui." masayang sabi niya.Napabuntong hininga naman si toffe at sabing "pag-iisipan ko ".  Nakarinig ako ng yabag at cue ko na yun para bumalik ulit sa kwarto medyo nagmadali ako dahil baka makita nila ako. Pagkahiga ko bumukas naman ang pinto , buti na lang hindi nila ako naabutan, pumasok si toffe at sumunod naman si alyssa sa kanya.

"O! gising ka na pala kamusta ang pakiramdam mo ? " bungad sakin ni toffe ng makalapit siya nakatingin lang samin si alyssa .

"medyo masama pa ang pakiramdam ko" pahayag ko totoo naman masama pa ang pakiramdam ko lalong sumama dahil dun sa usapan nila.hinawakan niya ang noo ko pati rin ang leeg. Sinipat ang itsura ko.

"Mataas pa ang lagnat mo,gusto mo ba ng makakain ? " tanong niya sakin umiling lang ako bilang sagot. Tumayo si Alyssa at lumapit kay toffe kinalabit niya ito at kunot noong humarap si toffe sa kanya.

"Napagisipan mo na ba ? tumatakbo ang oras baka naghihintay na si lola dun" sabi ni Alyssa nang makitang nakakunot noo si toffe.

"Ano yun ? " pagmaang-maangan ko sakanila humarap sila parehas sakin , tinignan ko si Alyssa at nakatingin siya sakin na para bang malaki akong sa gabal sa kanilang dalawa.

"Sige dun na lang ako sa labas maghihintay toffe " paalam ni Alyssa kay toffe hindi man lang siya nagatubiling magpaalam sakin .

"ahmm Denisse ano kasi --- " bago niya ituloy ang sasabihin niya hinawakan ko ang kamay niya at nagsalita.

"Stay with me please " ewan ko kung bakit bigla kong nasabi yun basta ayaw ko siyang umalis sa tabi ko ngayon pakiramdam ko kasi pagumalis siya iiyak ako hindi ko alam parang pag-umalis siya rito hindi na siya babalik kaya siguro nasabi ko yun. Basta ayaw ko siyang umalis sa tabi ko gusto ko dito lang siya alagaan lang ako, bantayan ako yun yung pakiramdam ko sa ngayon , hindi naman ako selfish pero pakiramdam ko ganun ako ngayon ayokong may kasama siya na iba gusto ko ako lang.

"Please.. "pagmamakaawa ko sa kanya , nangingilid na ang luha ko hindi ko alam siguro dahil sa sakit ko kaya medyo emotional ako ngayon.Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya , laglag panga ko siyang tinignan sa mata.

"Babalik ako " sabi niya at lumakad papunta sa pinto , pagkasara ng pinto nagbagsakan ang mga luha ko , naiinis ako kasi hindi ko alam kung bakit ako umiiyak naiinis ako kasi pakiramdam ko maspinili niya si Alyssa kaysa sakin. Naiinis ako kasi bakit ako magiging selfish sa kanya e sa una pa lang hindi siya sakin.

Yun ang totoo simula't sapul sa una pa lang hindi siya sakin.

sa una pa lang hindi siya sakin.

sa una pa lang hindi siya sakin.

kaya walang akong karapatan para magganito kasi sa una pa lang hindi siya sakin. Yan ang itatak mo sa utak mo Acquisha Denise Tayag . Nararamdaman ko pa rin ang pagdaloy ng mainit na likido sa pisnge ko hindi ko matigil.Para akong tinalikuran ng mundo bakit ganoon yung nararamdaman ko.Lumipas ang ilang minuto ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at yabag papalapit sakin.Pagtingin ko si Toffe.Hindi siya umalis umupo siya sa tabi ko at nagtatakang tinignan ako. Umiiyak pa rin ako hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon.

"Bakit ka umiiy--" hindi niya na tuloy ang sasabihin niya ng bigla ko siyang yakapin , dala siguro ng sobrang saya.

"Shhh... tahan na ! i'll stay with you wag ka ng umiyak,Hindi kita iiwan." Pagkasabi niya nun huminto rin ako sa pagiyak. Hinahagod niya ang kamay niya sa likod ko para mapakalma ako ,mga ilang segundo ay kumalma naman.Pinahiga niya ulit ako at umupo siya sa upuan na katabi ng kama rito sa ospital.hawak niya ang kamay ko.

Nakalipas na ang ilang oras at ganun pa rin kami.Medyo nabobored na ako kaya binuksan ko ang radyo na nakalagay rito sa table na katabi ng kama.

Simula ng kanta.Medyo natawa ako kasi parang destiny kami nung kanta yan yung gusto kong sabihin sa kaniya kanina habang pipingilan siyang umalis.Sinabayan ko ang kanta ng nagchorus na

Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love it's clear to see
But darling, stay with me

Yan ang nararamdaman ko kailangan ko siya kaya siguro gusto kong magstay siya rito.

bakit kaya ako masyadong emotional kanina, umiyak pa ako.Hindi ko nacontrol ang sarili ko. Tama ang nasa kanta hindi ka naman masasaktan kung magstay ka para sakin. Pumikit si toffe at inihiga ang ulo niya sa tabi ng kamay naming magkahawak.

Tumagilid ako para mapagmasdan siya.Sinuklay-suklay ko ang buhok niya gamit ang isa kong kamay.

Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love it's clear to see
But darling, stay with me

Pagsabay ko sa kanta habang bumaba ang kamay ko papunta sa mata niya pababa sa ilong niya at sa pisnge.

Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love it's clear to see
But darling, stay with me

Hinaplos ko ang labi niya gamit ang daliri ko.

"stay with me so it doesn't hurt " sabi ko at unti-unting pumikit.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon