Chapter 2

884 26 3
                                    

Chapter 2

Special na tao

"Okay ! class may quiz tayo , get 1/4 sheet of paper " bungad samin ni ma'am pagkapasok na pagkapasok niya. Maagang pampawala nang magandang mood ito.

Naghalungkat ako sa bag ko nagbabaka sakali na may papel pero wala. Great ! Nakalimutan kong bumili.

"uy! penge ako" sabi ng kaklase ko na sinundan na ng iba.

"ako rin"

"wait lang isa-isa"

"kuha mo nga ako"

Dahil naghihingian na sila makikihingi na rin ako, hindi ka estudyante pag hindi mo naranasang humingi ng papel sa buong school year.

"Uhmm.. Jolo pahingi naman ako ng 1/4 " paghingi ko dito sa katabi ko.

"Nanghingi lang din ako , kay joyce ka manghingi" sabi niya habang nagsusulat ng pangalan sa papel

"Joyce ! pahingi ako." Ngumiti ako sa kanya nang pumilas siya ng isang piraso.

"o!" Sabay abot ng papel sakin. Pagkaabot niya ay hindi nakaligtas sakin ang pagsulyap niya kay Jolo.

"thank you" pagpapasalamat ko. Ngumiti lang siya sa akin at muling sumulyap kay Jolo.

Nagsimula ang quiz kaya natahimik ang buong klase. Makalipas ang ilang minuto.

"Class ! Finished or not finished pass you paper " sigaw ni ma'am. Pinasa ko ang papel ko nang masigurado kong wala akong nakaligtaan.

"you may take your lunch"pahabol ni ma'am at umalis na nang makuha ang mga papel.

Nag-ayos ako ng gamit atsaka tumayo para makalabas. Napahinto ako ng may tumawag sakin.

"Acqui ! "Sigaw ni Joyce, nilingon ko siya na halatang nagmamadaling ayusin ang gamit para mahabol ako.

"Bakit ?" tanong ko sa kanya, close kami pero madalang lang kaming magkasama dahil na rin kay toffe.

"ahmmm....Pwede bang sabay tayo maglunch kasama si j-Jolo" sabi niya ng makalapit sakin. Napansin kong nautal siya ng banggitin ang pangalan ni Jolo.

"Sure why not , tara !" Sabi ko naikinatuwa niya. Hindi ko rin naman makakasabay si Toffe dahil may aasikasuhin pa siya.

Sabay kaming tatlo bumaba, naghanap ng upuan si jolo habang kami ni joyce pumila para makabili ng pagkain.Pagkaorder namin umupo kami sa upuan na nahanap ni jolo. Magkatabi sila habang nasa harap naman nila ako.

Habang kumakain kami may dumi si Joyce sa gilid ng labi niya sasabihin ko na sana ng pinunasan ni jolo ito ngumiti naman si joyce, nahiyang tumingin sila sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kanila. Im not numb para hindi ko mapansing may something sa kanila.

Nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko tinanong ko sila.

"Kayo ba ? " walang pakundangan kong tanong sa kanila. Parehas silang napaubo at gulat na tumingin sakin.

"Bakit mo natanong ? " Namumulang tanong ni joyce sakin. Si Jolo naman ay hindi makatingin ng diretso sa akin.

"ang sweet niyo kaya ! " kinikilig kong sabi sa kanila . Maslalong namula ang pisngi ni joyce. Parehas silang nag-iwas ng tingin sakin.

"Tutal,nakita mo na, yup kami nga kahapon lang" namumulang sabi ni Jolo habang nagkakamot ng batok

"Sus! wag na kayong mahiya ang cute niyo nga e! JOJO love team wohoo ! number 1 fan niyo na ako simula ngayon"tuwang-tuwa kong sabi para mapagaan ang awkward na atmosphere bunabalot sa amin.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon