Epilogue

222 14 0
                                    

Epilogue

Ang pinakamasakit na gagawin ko sa tanang buhay ko ay ang lumayo sa taong kasama ko simula pagkabuhay ko.  Ang hirap iwan nung taong parte na ng pagkatao mo mula pagkabata. Kumbaga si Acquisha Denisse Tayag ay hindi mabubuo kung wala si Krycstof Paul Felix. Alam kong hindi na ako mabubuo, bawat paggising ko ay may kulang na, sa bawat oras na lilipas ay may hahanap-hanapin ang tenga,ilong at mata ko. Alam kong hindi na magiging kumpleto ang isang ako. Lalo na't iiwan ko sa kanya ang puso ko.At lalong hindi magiging kumpleto ang pagkatao ko kung sa pagbabalik ko ay wala na akong babalikan.

Tumulo ang panibagong luha sa mata ko. Nang pasadahan ko muli ng tingin ang apat na sulok ng kwarto ko, kinuha ko ang frame na nakalagay sa side table ng kama ko, larawan ni Paul ang nakalagay roon. Sa larawang iyon ay hindi siya nakatingin nasa nalayo ang tingin niya habang nakangiti . Nakuha ko ang litratong ito nang 1st year highschool pa lang kami. Hindi niya alam na may ganito akong larawan niya. Hinaplos ko ito kagaya ng paghaplos ko sa mukha niya.

"Grabe no ? Sa sobrang pagmamahal ko sayo kaya kong putulin ang sarili kong kaligayahan para sayo. Naisin man natin na tayo na lang hindi pupwede. Ayaw ata ni tadhana na magkatuluyan tayo kasi baka magkaroon na ng forever." Natawa ako sa sarili ko. Nahihibang na nga ako. Bakit kasi ganoon ? Bakit hindi na lang simplehan na kaming dalawa na lang na wala nang aapela pa ? Sana may himala na isang araw lahat ng to panaginip na lang, na paggising ko normal na uli yung hindi ko pa nadidiscover na mahal ko ka siya.

Tulala lang ako sa litrato ng may biglang kumatok. Bumukas ito at bumungad sa harap ko si kuya na napawi ang ngiti ng makita akong umiiyak.

"You okay ? " Pag-aalala niyang tanong habang tumabi sa akin. Kinuha niya ang hawak ko at pinagmasdan ito.

"Yup, okay lang ako ,okay lang ako ,magiging okay rin ako ,kailangan kong maging okay." Bumalot sa aming dalawa ang matinding katahimikan. Napahikbi ako. Naramdaman kong niyakap ako ni kuya kaya maslalong napalakas ang hikbi ko.

"Nakakainis kasi kuya eh ! Ang sakit sakit ! Lalo na pagmakita mong masaya sayo yung tao pero wala kang magawa kasi may masasaktan na iba pagpinagpatuloy mo pa. Mahal ko siya pero hindi ata sapat yun para makapatay ako ng tao. Siguro ganito na nga talaga ang mangyayari sa amin hanggang bestfriend na lang." nilabas ko lahat kay kuya pero hindi pa rin sapat kasi ang bigat-bigat parin ng damdamin ko. Naninikip ang puso ko sa sobrang sakit.

"Bakit kasi bestfriend lang ? Bakit hanggang doon lang ? Hindi na ba talaga pwedeng umangat pa yun at higitan ang bestfriend ? " That's the exact question na gusto kong itanong sa tadhana. Humiwalay sa yakap si kuya ngunit hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Tinignan niya ako sa mata. Tinging tatagos sa kaluluwa mo.

"Gusto mong malaman ang sagot sa tanong mo ?" Sa bawat pagbigkas niya ay may diin sa mga ito. Hindi ko alam pero bigla akong napatigil sa paghikbi, pero ramdam ko pa rin ang patuloy na pagbagsak ng luha ko. Tumango ako sa kanya, napabuntong hininga siya atsaka ginulo ang buhok ko.

"Kasi ikaw ang may gusto niyan. It's your choice. Ikaw ang pumili ng posisyon mo sa buhay niya. Mahal mo siya pero hindi pupwede kasi may masasaktan ka, bakit sa tingin mo hindi ka ba masasaktan ? Hindi ka nga nakapanakit ng iba , ikaw naman ang nasaktan. Your'e a masochist. Ikaw may paki ka kung may masasaktan kang ibang tao pero sila may paki ba sila sayo pagnasasaktan ka ? Sana iniisip mo muna yung sarili mo bago ang iba kasi ang totoong nagmamahal uunahin munang mahalin ang sarili niya bago siya magmahal ng iba." Pinunasan niya ang mga luhang umaagos sa pisngi ko atsaka ako hinalikan sa noo. Tumayo siya at naglakad papuntang pinto, binuksan niya ito ngunit bago siya umalis ay nag-iwan siya ng salita sa akin.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon