Chapter 1

1.6K 29 1
                                    

Chapter 1

Start

"Infatuation is the state of being carried away by an unreasoned passion or love." Tumunog ang bell ngunit nagpatuloy pa rin ang teacher namin sa pagtuturo. Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng love sa subject namin pero nakakaengganyo ito dahil marami akong kaklase na may boyfriend o girlfriend.

"SMITTEN is another word for infatuation" pagpapatuloy niya habang nagsusulat sa board.

nagbell na lahat - lahat  hindi pa rin siya tumigil na magturo eto namang mga kaklase ko hindi napansing uwian na dahil halos lahat sila interesado lalo na at tungkol sa love ang pinag-uusapan. Hindi ba nila alam na siksikan sa corridor , hindi  ba nila alam na ang haba ng pila sa jeep , hindi ba nila alam na maraming holdappers , snatchers , kidnappers at rapist sa tabi tabi , hindi ba nila al----

"OKAY CLASS DISSMISS ! " sigaw ng teacher namin dahil hindi na siya marinig dahil sa samu'tsaring kwentuhan ng mga kaklase ko tungkol sa lovelife nila.Epal nitong teacher nato nageemote pa ako eh . Nag-ayos na ako ng gamit at nagmadaling lumabas. Sobrang daming tao dahil halos kakasimula lang ng klase

"Aray! wag ka ngang mantulak may tao sa harap o ! "

"sorry nagmamadali lang"

"excuse po, excuse"

"hoy! wag kayong magtulakan lahat tayo makakalabas "

Sigawan nila. Napairap ako dahil nagbabanggaan na, pati tuloy ako nadamay ng may tumulak sa isa sa likod ko .

"ayay ! mangit mongo minangnga " sabi ng ngongo na hindi ko sadyang mabangga.

"sowee ! mindi ngo inaadya mayumuyak takin " dahil sa asar ako ay ginaya ko ang pananalita niya. Kaya nakatanggap ako sa kanya ng matatalim na tingin. Inirapan ko lang siya atsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"ACQUI ! " Napalingon ako sa tumawag sakin, Napalingon din ang karamihan. Nakita ko ang nakaplaster na ngiti sa mukha niya habang dumadaan sa gitna nang nagsitabihang mga tao. Ang kaninang parang dagat sa dami ng tao ay nahati sa gitna para lang bigyan siya ng madadaanan.

"Anong pakulo yun toffe feeling mo ikaw si moises " sabi ko sa kanya habang nagpatuloy sa paglalakad sumunod naman siya sa akin.

"Parang hindi ka na nasanay Ako kaya si KRYCSTOF GWAPO FELIX." pagbubuhat niya ng sarili niyang bangko inemphasize niya pa yung word na gwapo well hindi ko naman siya masisisi gwapo talaga siya. Heartthrob siya rito at laging nagrarank one sa buong school. Vocal singer siya ng bandang TIPS at captain ball ng varsity team. At kung paano niya napagsasabay lahat yun ay hindi ko alam. Dagdag pogi points rin ang kotse niya at ang kayamanan ng pamilya niya.

Pagkalabas ay agad kaming naghanap ng jeep. Ng may makita ay pinara niya agad ito.

Nakasanayan nanaming magjeep kahit na may kotse kami. Yes ! Mayaman kami pero mas gusto ko at ng pamilya ko na mamuhay ng normal at nararanasan ang mga bagay-bagay, ganoon rin sila toffe.Nang makaupo kami ay halos lahat ng mata ay nasa amin, hindi pala, sa kanya lang pala. Nang tignan ko siya ay wala namang kakaiba sa mukha niya kaya napailing na lang ako.

Nang medyo malapit na kami ay napatingin ako sa babae na nasa harap namin na nagpapacute habang itong katabi ko kung makangiti kala mo nanalo sa lotto.Akala mo ang ganda,mukha namang aso tapos nung napatingin sakin inirapan ako . Nabadtrip ako ng hindi ko siya nagantihan dahil binaling niyang muli ang atensyon niya kay Toffe ,nakakairita kapag center of attraction yung kasama mo tapos ikaw parang katulong lang. Hinawakan ko ang kamay ni Toffe dahilan kung bakit tumingin sakin si Toffe na maslalong lumaki ang ngiti. Kahit malayo pa ang bababaan ay hinatak ko na pababa si Toffe.

Pagkababa namin ay pabalang kong binitawan ang kamay niya at masama siyang tinignan.

"Anong problema mo ? " tanong nitong ulol nato, maslalo akong nairita dahil sobrang lawak ng ngiti niya.

"WALA ! " bulyaw ko sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may makita akong puguan. Literal na napatigil ako. Isa sa nagustuhan ko kung bakit gusto kong mamuhay ng normal ay malaya akong kainin ang kahit anong klase ng pagkain.

"Sabi ko na eh ! Basta street food napapahinto ka eh." Ginulo niya ang buhok ko at hinatak papunta sa puguan.

"Ate ! 30 pieces nga na kwek-kwek " napatingin ako sa kanya at takhang tinignan siya ngunit tanging ngiti lang ang naisagot niya. Lahat ng inis ko kanina ay naglaho na parang bula.

"oh! sayo lahat yan" inabot niya sakin lahat ng inorder niya. Ewan pero simpleng ganito lang ay sobrang saya ko na. Basta kahit ganito lang kasimple sobrang laking effort na para sakin.

"akin talaga to ! Sigurado ka ? Grabe iba ka na, dahil sa panlilibre mo gumagwapo ka." Sabi ko habang nilantakan na ang pagkain sa harap ko. Ngiti lang ang naisagot niya sa sinabi ko.

Nakakalahati ko na ang pagkain ko ng napansin ko na nakatitig lang siya sa akin. Nailang ako dahil seryoso ang mukha niya habang pinagmamasdan ako.

"gusto mo? " pagaalok ko sa kanya,baka kasi naiinggit siya o naghihinayang kasi masyadong madami para sa akin ito. Pero ang totoo inaalok ko siya para mabawasan ang pagka-ilang ko.

"ayaw" sagot niya. Kahit naman sabihin niya na gusto niya hindi ko parin siya bibigyan eh ! Pero dahil kilala ko na siya mula pagkabata, alam kong may favor siya para sa akin. Ganito siya ginagamit niya ang tiyan ko para mapaoo ako. At kahit hindi niya ako pakainin ay o-oo pa rin ako dahil hindi ko siya matiis.

"Seriously ano kailangan mo ? " tanong ko sa kanya. Pinamulahan siya kaya napangiti ako.

"err... ano kasi .. ays ! wag na nga ! " nagiwas siya ng tingin sa akin at lalong namula. Binatukan ko siya dahil sa sobrang kaartehan.

"aray! para saan yon ? " kunot-noong tanong niya sa akin.

"ang arte mo ano nga iyon ? " sagot ko. Nang matapos ako ay naglakad kami dahil medyo malapit na ring ang bahay namin.Magkapitbahay lang kami ni toffe , naging magbestfriend kami dahil sa magulang na rin namin. Yung mama niya tsaka yung mama ko magbestfriend same rin sa father,may pangako pa nga sila e. Kailangan isa sa mga anak nila tita maikasal sa isa sa amin. Katulad sa mga teleserye pero for sure makakalimutan rin nila iyon.

"Acqui ! kasi ano ... uhmm.. " nahihiyang sabi niya medyo malapit na kami sa bahay. Nairita ako ng hindi niya tuluyang masabi ang gusto niyang sabihin.

"ANO NGA IYON ! " sigaw ko sa kanya, nagulat naman siya na agad na nasabi ang favor niya.

"Pwede bang magpaturo kung paano mahalin ng isang babae ?" Mabilis niyang sinabi atsaka nag-iwas ng tingin.

" ha ?! " natameme ako sa kanya hindi ko kasi maintindihan. Pero alam ko ang punto niya. Bakit ako ? May alam ba ako sa ganoon ?

"Pwede mo ba akong turuan kung paano makapasok sa puso ng isang babae not literally ha ! " napahinto ako sa tapat ng gate ng lubusan kung maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig. Nagtalo ang mga nasa utak ko. A part of me gustong umoo at ang kalahati ay hindi sang-ayon. Oo kasi bestfriend ko siya gampanin ko na tulungan siya, hindi kasi babae ako wala akong alam sa mga ganoong bagay. Pero ng mapatingin ako sa mukha niya at nakaplaster ang ngiti sa mga labi niya ay parang natutunaw ang pagdadalawang isip ko.

"Okay." Kusang bumuka ang bibig ko ng hindi ko namamalayan. Parang may sumapi sa akin para masabi ang apat na letra na iyon. Parang may sariling buhay ang labi ko at walang pagdadalawang isip na sabihin ang salitang yon.

"OKAY ?! Yes ! Umoo ka ! " maslalong lumaki ang ngiti niya. Ewan ko pero parang nakakahipnotismo yung ngiti sa labi niya na sanhi ko. Bakit parang ang saya kapag nakikita mong nakangiti siya ng dahil sayo ?

" sabi mo yan ha ! You said it ! okay ! Tuturuan mo akong mapaibig ang isang babae" tuwang-tuwa na sabi niya habang  pauwi sa kanila.

Pinagmasdan ko siya na sobrang saya at patalon-talon sa kanila, bumilis ang tibok ng puso ko. Ginusto mo to Acquisha ! Ginusto mo ! Ginusto mo !

Ginusto ko nga ba ?

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon