Chapter 18

488 14 2
                                    

Chapter 18

Hindi lahat

Bumalik lang ako sa katinuan ng may nakabangga sa akin.

" Sorry miss. " Tumango ako ng mapansin kong pamilyar ang itsura nito. Nakatakip kasi ang buhok niya sa mukha at nakasunglass pa.

"Joyce ! Ikaw ba yan ? Anong nangyari sayo ? Bakit ganyan ang itsura mo ! " Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya dahil sa natabunan ito.

" Acqui k-kasi k-kasi .. " Niyakap ko agad siya ng makita ang luhang dumadaloy sa pisngi niya.

"Shhh.. tara doon tayo sa tahimik na lugar , handa akong makinig. " Tumango lang siya at hinayaan akong dalhin siya kung saan.

Dinala ko siya sa rooftop ng building namin, hindi na rin ako pumasok , hahabulin ko na lang ang lesson namin. Bago ko siya pagkwentuhin ay itinali ko ang buhok niya at tinanggal ang sunglass na suot niya , hindi naman siya nagreklamo. Kaya pala may suot siya nun ay dahil sa sobrang maga ng mata niya pulang-pula ito na akala mo nakadrugs.

"Anong nangyari bakit maga ang mata mo ? " Pagaalala kong tanong sa kaniya.

"K-kasi s-si j-jolo b-break n-na k-kami " Humihikbing sabi niya . Hinayaan ko lang siyang umiyak pero hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit tanda na nandito lang ako sa tabi niya.

" S-sinabi niya sa akin na kailangan niya muna ng s-space. " Hinaplos ko ang likod niya para medyo mahimasmasan.

"P-pero n-nakita ko siya nung isang araw na may kasamang b-babae nakaakbay siya rito . N-nung tinanong ko siya sabi niya kaibigan niya lang raw yun. " Halong galit at pait ang emosyon sa bawat bigkas niya ng mga salitang yun. Nagulat ako sa sinabi niya dahil si Jolo ? Ang sweet nila noon ha ? Makikita mo na mahal na mahal nila ang isa't isa kaya imposible yung sinasabi niya.

"T-tapos sinabi ko na b-break na kami , akala ko hindi siya papayag pero ang sinabi niya lang sakin sige tapos iniwan ako mag-isa." hindi ako makapagsalita dahil sa nalaman ko. Pero nasubukan ko pang magtanong sa kaniya.

"Anong ginawa mo ? "

"H-hinabol ko siya at sinabing hindi totoo yun binibiro ko lang siya pero tinalikuran niya lang ako dumire-deretso " sagot sa tanong ko

" tapos ? " Pagpapatuloy ko sa kanya.


"T-tapos pumunta akong bahay nila kasi monthsary na namin isusurprise ko siya, sabi ng mommy niya baka nasa kwarto daw hindi daw kasi niya napansin tapos nung pumunta ako sa kwarto niya ako ang nasurprise nakahiga siya tapos yung babaeng kaakbayan niya ay nakapatong sa kaniya, hindi nila ako napansin dahil busy sila sa paghahalikan. " Kung kanina ay gulat at taka ang naramdaman ko kay Jolo ngayon galit ! Damn it ! Babaero !

" Tapos anong ginawa mo ?" Iritado kong tanong sa kaniya.

"T-tapos hinatak ko yung buhok nung babae pababa ng kama halatang nagulat sila pagkababa niya sinampal ko siya, tapos sumigaw siya nang anong karapatan ko para sampalin siya , sumigaw din ako pabalik ng girlfriend lang naman ako ni Jolo tapos bigla siyang napabaling kay Jolo ng masama at biglang umalis ng kwarto . Tinignan ko si Jolo na malamig ang tingin sakin , pinunasan ko ang labi niya gamit ang kamay ko pero tinabig niya lang to , sinubukan ko ulit pero tinabig niya ulit susubukan ko sana ulit na punasan ito ng bigla siyang sumigaw . Umalis raw ako sa harap niya , umiling-iling ako at pinipigilang umiyak pero hindi ko kinaya tapos sumigaw ulit siya na umalis ako sa harap niya malaking sagabal daw ako wala na daw siyang pakealam sakin. Niyakap ko siya at hinalikan pero tinulak niya ako at tinignan ng nandidiri, Nung tignan niya ako ng ganun pakiramdam ko basura ako pakiramdam ko may sakit ako na nakakahawa . Akala ko yun na yung pinakamasakit , masmasakit pala na sabihin ng taong mahal na mahal mo na hindi ka na niya mahal na walang wala ka katulad sa ibang babae na nakasama niya , masmasakit yun kaysa sa ginawa niya. " mas lalo siyang humikbi . Ramdam ko yung sakit sa kwento niya maski ako i feel betrayed pakiramdam ko naloko rin ako sa ginawa ni Jolo.


"Ang sakit ! Sakit ! Para akong sinaksak ng milyong kutsilyo rito . Akala ko masaya kami , akala ko okay kami , akala ko mahal niya talaga ako pero sinong niloko ko lahat yun ay akala lang sana namatay na lang ako diba sabi nila maraming namamatay sa akala totoo nga kasi para akong pinapatay ng paulit-ulit !"


"Shhhh.. nandito lang ako ! Magiging okay ka . wag lang mag-isip ng kung ano-ano "

Niyakap ko si Joyce at pinatahan .

Nang mahimasmasan siya ay hinatid ko siya sa bahay nila at pinagpahinga. Umuwi rin ako pagkahatid ko sa kanya.


Nang gabi na ay lumabas ako ng bahay para magstar gazing ,umupo ako sa may tapat ng gate at doon pinagmasdan ang kagandahang gawa ng diyos .Inisip ko yung kwento ni Joyce kanina , hindi ko namalayan na may umupo na pala sa tabi ko.

"Lalim ng iniisip ha ! " Nagulat ako ng may magsalita sa tabi pagkatingin ko nakita kong nakangisi ng nakakaloko si Paul.

" Hindi naman , may naisip lang ako. " ngumiti ako sa kanya at muling binalingan ang mga kumikinang na bituin sa taas.


"Ano naman naiisip mo ?" Nung tinignan ko siya nanunuod na rin siya ng pagkinang nito.


" Hindi pala lahat ng bagay laging happy ending no ? . Kailangan pala lagi kang ready kasi yung akala mong okay na hindi pa pala okay , yung akala mong masaya na , hindi pa rin pala , yung akala mo perfect na may kulang pa, yung akala mo forever na yun pala natapos din agad. in short hindi lahat ng bagay permanente sa mundo." Tanging pagbabago lang ang permanente sa mundong ito.


Walang nag-imikan samin .Nang may pumasok na naman sa isip ko.


Isa lang rin ang napansin ko pagnagmamahal ka.

"Ang pinagtataka ko lang , sa tuwing Magmamahal ka laging may kaakibat na sakit . " Sa totoo lang kaya ayokong magmahal kasi alam ko na laging may sakit na mararamdaman . Kahit anong gawin mo mararamdaman at mararamdaman mo ito pagnagmamahal ka.


"Hindi lahat Denisse , hindi lahat " napalingon ako sa kanya at seryosong nakatitig siya sa akin.


Sana nga hindi lahat nang pagmamahal may mararamdamang sakit, Sana nga .

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon