Chapter 26

521 11 4
                                    

Chapter 26

Lesson 9: Mahal na ata kita.

Sa ginagawa ni Paul nitong mga nakaraang araw ay lalo akong natatakot. Natatakot na tuluyan na nga akong mahulog. Ayaw man ng utak ko iba naman ang sinasabi ng puso ko. Hindi ako tanga para hindi malaman na ginagawa niya sa akin ang lahat ng tinuturo ko sa kanya. Ang nakakatanga lang ay bakit niya pa ako gustong mainlove sa kanya samantalang may girlfriend siya ?

Umaasa kasi ako eh ! Nakakabadtrip kasi na iisipin mong gusto ka rin niya kaya niya ginagawa yon, pero pagdumako naman sa isip mo na sila ni Alyssa gumugulo lalo. Life is unfair, even the love. Kasi yung taong gusto mo may gusto na iba. Hindi ba pwedeng paggusto mo yung isang tao gusto ka rin niya dapat.

Kaya ngayon na-isip ko na lets go with flow. Kung ano ang gusto niyang gawin ay makikisakay na lang ako.

Maaga akong nagising kaya ginawa ko na ng masmaaga ang lahat ng gawain. Nang matapos ko ay umakyat ako sa itaas at pumunta sa kwarto ni Paul.

Nakahiga pa siya sa kama at mahimbing na natutulog, lumapit ako sa kanya at pinagmasdan muna ang perpektong mukha niya.

"Wake up sleepyhead." marahan kong hinaplos ang mukha niya. Lulubusin ko na ang mga araw na ganito kami, nakaya ko pang hawakan ang mukha niya ng ganito, yung magagawa ko pang maging sweet sa kanya. Ako muna yung proxy ni Alyssa , ako muna yung girlfriend niya pansamantala, kahit hindi niya alam.

Ngumiti siya habang hinawakan ang kamay kong nakalagay sa mukha niya. Ganito yung gusto kong mangyari yung tipong gigisingin ko siya at ngiti niya ang bubungad sa akin.

Ngumiti rin ako at umayos ng tayo.

"Mag-ayos ka na ng sarili mo, may muta ka pa oh ! " Pang-aasar ko ng makitang nakangisi siya.

"Gwapo naman" sabay taas baba ng kilay niya. Hindi ka lang gwapo pogi pa pero hindi ko sasabihin sayo baka kasi lumaki pa ang ulo mo.

"Hintayin na lang kita sa baba." Feel na feel ko talaga ang pag-asikaso sa kanya ngayon. Minsan lang naman to eh ! Baka mamaya huli na bago ko pa magawa.

Nang makababa ako sa sala ay nakita kong nag-aayos si Lola ng buong sala at naghanda ng ilang pagkain nagtaka naman ako.

"Lola bakit po kayo naghahanda ?" Takang tanong ko kay lola. Ngumiti siya sa akin.

"Lagi naming ginagawa ito sa tuwing dadating ang mag-asawang Mortimer. Sila ang tumutulong sa lugar na ito upang makagisnan din namin ang teknolohiya. Dito rin kasi nakatira ang mga yan dati hanggang sa magka-ibigan." paliwanag ni lola naguguluhan pa rin ako dahil hindi ko naman kilala ang mga tao masyado rito. Mortimer ? Business tycoon yun diba ? Ang may ari ng napakadaming malls and hotel chains sa iba't-ibang bansa.
And also airlines and pastries shop.

Tumulong ako kay Lola sa pag-aayos hindi pa rin kasi bumababa si Paul. Nag-igib ako ng tubig at nagsimulang buhatin yon nang may biglang sumulpot na kamay at kumuha ng mga bitbit ko.

"I told you im the man and you're my boss ." atsaka kumindat sa akin. Lalo tuloy akong nahuhulog sa bangin na ang pangalan ay Krycstof Paul Felix.

Wala naman akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya.

"Isa pa , baka mapagod ang aking prinsesa." pahabol niya at sinamahan pa nang matamis na ngiti. Kung nakakamatay lang ang ngiting yun siguradong pinabuburulan na ako ng pamilya ko.

Speaking of my family, bigla akong kinabahan. Sigurado akong nag-aalala na sila sa akin, i know my mom very well lalo na't kabilang kami sa kilalang pamilya sa mundo. Hindi lang masyadong halata para sa amin dahil namumuhay kami ng normal ngunit ang pamilya ko ay kabilang sa matataas na angkan sa mundo. My dad owns 5 fastfood chains and my mom owns 7 clothing shop in different country. My brother is the new CEO of T's Corporation. At mayroon akong bunsong kapatid na nasa Paris naninirahan. Namumuhay kami katulad ng normal na tao ayaw naming gamitin ang karangyaan para sumikat. Ganun rin sila Paul.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon