Chapter 29

346 13 3
                                    

Chapter 29

COPD

Dumiretso ako sa kwarto pagkatapos ng nangyari. Buong gabi ay umiyak ako ng umiyak. Nagising ako ng may marahang tumatapik sa pisngi ko.

Bumungad sa akin ang mukha ni Paul na nakangiti.

"Bakit namumugto ang mata mo ?" Kumunot ang noo niya, hinawakan niya ang mata ko at marahang hinaplos.

"Puyat lang" matamlay kong sinabi sabay hawi ng kamay niya. Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Tinignan ko ang itsura ko. Namamaga nga ang mata ko.

"Ahmm Denisse hintay na lang kita sa baba. Sabay na tayong pumasok." rinig kong sabi niya mula sa pinto. Ilang minuto lang ay narinig ko ang pagsara ng pintuan. Napabuga ako ng hangin. May school pa nga pala ako, nakalimutan ko na, puro lovelife kasi ang inatupag ko kamakailan kaya ganito ako ngayon.

Naligo ako at naghanda para pumasok sa eskwelahan. Nang bumaba ako ay nakita ko si Paul na nakaupo sa couch,nakatingin siya sa kawalan,mukhang malalim ang iniisip.

Umubo ako para mapansin niyang nasa harap niya ako. Ayoko munang magsalita sa kanya,nasasaktan kasi ako .

Nagulat naman siya at napailing.

"Breakfast muna tayo." tumango ako sa kanya. Nauna siyang pumunta sa dining area kaya sumunod ako ,umupo ako sa harap niya.

"Kumain ka ng madami."aniya habang naglalagay ng sandamakmak na fried rice sa plato ko sunod niyang nilagay ang isang itlog,hotdog,bacon,at ham.

Hindi na ako umimik
sa kanya, baka kasi pagnagsalita ako umasa ako sa sasabihin niya, ayoko munang masaktan ulit.

Busog na busog ako ng dumiretso kami sa sasakyan niya. Umupo ako sa passenger seat at nagkabit ng seatbelt.
Para akong kinakabahan ewan ko kung bakit,pakiramdam ko may masamang mangyayari.

"Bakit hindi mo ako kinikibo ?" Siguro'y nakaramdam na siya ng pananahimik ko kaya ganito. Napatingin ako sa kanya, diretso lang siyang nakatingin sa daan.

"Pagod lang" malamig kong sagot. Kailangan kong magisip-isip muna sa ngayon, mali kasi yung nararamdaman ko eh ! Nagtiim bagang siya at mabibigat na tingin ang pinukaw niya sa daan, humigpit ang hawak niya sa manibela.

"Okay! Itext mo ko mamaya pag-uuwi ka na didiretso tayo sa mansion. " bilin niya ng makapagpark na. Tumango lang ako at bumaba, hindi ko na siya hinintay na makakababa at dire-diretso akong naglakad papuntang classroom.

Nang makaupo ako ay pinaulanan ako agad ng tanong ng mga kaklase ko.

"Saan kayo napunta at bakit masgumanda ka pa lalo ?"

"Maganda ba yung lugar ?"

"Sobrang layo ba ?"

Nanatili akong tahimik sa upuan,wala akong sinagot sa mga tanong nila.

"Masaya bang kasama si Krycstof ?"

"Grabe halos mamatay si Alyssa nung hinahanap si Krycstof kasama mo lang pala ?"

"Bestfriend ka lang diba ni Krycstof ?"

"Mahal mo ba ang bestfriend mo ?"

Napataas ang kilay ko sa mga sumunod na tanong nila. Pati ba naman ito kailangan itanong.

"Pwede ba, imbis na tanungin niyo ako ay manahimik na lang kayo diyan kasi wala akong isasagot sa inyo. Pagod na pagod na ako kaya parang awa niyo na wag niyo munang dagdagan yung problema ko." hindi na sila umimik at nagsibalikan na sa upuan matapos kong sabihin sa kanila yun. Napatingin ako sa katabi ko ng marahan niya hinaplos ang likod ko. Ngumiti sa akin si Joyce ngunit hindi umabot sa mata iyon.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon