Chapter 13

415 15 2
                                    

Chapter 13

Froze

 That was a perfect scene pero sabi nga nila sa lahat ng magagandang scene may laging umeepal.Pumasok kami ng bahay pagkatapos nilang magyakapan, no i mean pagkatapos yumakap ni alyssa kay toffe. Nakaluto na rin pala si manang Fe nung umalis kami itatanong ko nga sana ulit yung tungkol dun sa ilaw sa may dulo ng beach kaso biglang nagdatingan ang iba.

Nagluto si Manang fe ng sinigang na baboy at pritong tilapia. Katabi ko si toffe sa kanan habang sa kaliwa ko si Aiden . Kumakain ako ng biglang may bumulong sa kanang tenga ko.

"lesson number 3 bukas ha ! " hindi ko na siya inintindi dahil alam ko naman na ang gagawin ko.

Natapos kaming kumain at ako pati si Aiden ang natira.

"Anong pakiramdam ng maging bestfriend" biglang tanong ni Aiden tinignan ko siya , abala lang siya sa paghuhugas ng plato pinatulog niya na si Manang fe dahil sa matanda na ito at siya na lang daw ang kikilos.

"Okay lang. Masaya " wala sa sarili kong sagot , abala rin kasi ako sa pagpupunas ng nahugasan niya nang plato. 

"Masaya ? kailan pa ? "dalawang plato na lang at matatapos na siya sa ginagawa niya . Hindi ko siya sinagot dahil sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"Para sakin kasi hindi ka yung babaeng binebestfriend lang." agad siyang lumabas ng kusina pagkasabi niya nun , habang ako tulalang nakatingin sa pinaglabasan niya.

Nakita ko sila sa sala ng matapos ko ang gawain ko agad akong pumunta dun and to my dismay sa kwarto ko si Alyssa matutulog , agad akong umakyat sa kwarto at inayos ang gamit sa cabinet para may paglagyan ng gamit si Alyssa , hindi ko alam kung paano siya nakapunta rito pati na rin kung pano niya nalamang may vacation kami.

Pumasok si Alyssa ng sarili niya lang ang bitbit. May pagkashunga rin ang babaeng to e no hindi pa dinala yung gamit niya. 

Nilibot niya ang tingin niya at napabuntong hininga siya.Nagtaka ako sa kinilos niya , nakatingin lang ako sa kanya ng hindi nagsasalita.

"Ang hirap pagkasama ang bestfriend sa iisang kwarto."makabuluhang sinabi niya tumaas naman ang kilay ko at tinignan siya ng "so?look " 

"Baka kasi may mabunyag yung tipong bestfriend lang siya pero iba ang nararamdaman niya para sa bestfriend niya" mas lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya tinignan niya ako at nagsmirk pa ang gaga tapos tumingin siya sa may handle ng cabinet napatingin na rin ako nandun yung t-shirt ko na may nakalagay na i love my bestfriend ( unfortunately) na nakasabit sa hanger na susuotin ko bukas.

"Ano pa kaya ang malalaman ko ? pero ang sigurado ako ay bestfriend ka lang " tapos lumabas na siya ng kwarto. wooah ! mali siya ng naiisip bestfriend t-shirt namin yun ni toffe e.  Sakin yung i love my bestfriend ( unfortunately) tapos kay toffe naman i love my bestfriend (no choice ) napagtripan lang namin kaya kami nagpagawa nun. Hirap talaga pag may sakit kang tinatawag na TANGA.

Pababa na ako ng may biglang nagsink-in sa utak ko BESTFRIEND KA LANG ! paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko.

 Lahat kami ay lumabas ng bahay, si Alyssa nga pala ayun nalunod na joke ! dinala lang niya yung bag niya sa kwarto ko share daw kami, tsk. laging epal talaga -_-

Nakahiga kami sa buhangin kung saan kami nakaupo ni toffe kanina.Mas dumami yata ang stars at mas lumiwanag pa ang buwan. Dahil medyo boring tinuro ko sa kanila yung napanood ko sa thai movie na " a little thing called love " yung gagawa ka ng linya mula sa isang star papunta sa isang star tapos pagnabuo mo yung pangalan ng crush mo meant to be basta yun na yun.

"guys ! ganito lang yan " gumawa ako ng linya mula sa isang star papunta sa isa at binuo ang pangalan ko, pero hindi ito tumugma .

"kasi bakit pangalan mo nilalagay mo crush mo nga diba ano yun crush mo sarili mo forever alone lang ang peg." angal ni toffe tinignan ko lang siya ng masama, at siya naman ang gumawa medyo hindi ko maintindihan yung dinudugtong niya kasi medyo mabilis.

"AY ! meant to be kami ng crush ko nabuo ko yung pangalan niya e with middle name pa ! " tuwang-tuwa na bigkas samin ni toffe kaya ang lahat nakigaya na rin. Ako may crush ba ako ? sinubukan kong sundan na lang ang stars na mahagip ng daliri ko.

K-R-Y-C-S-T-O biglang napatigil ang kamay ko nung tumapat sa isang stars WTF ! Krycstof talaga ang nabuo koi mean mabubuo ko kung tinuloy ko pa ang sarili kong kagagagahan , bigla-bigla kong winagayway ang kamay ko para mabura yung nabuo kong panaglan napatingin ako sa mga kasama ko at buti na lang may kanya-kanya silang sinusulat.

"OMYGOSH ! Krycstof nabuo ko yung pangalan mo ibig sabihin meant to be tayo OMG ! " Napatingin kami lahat sa nagtitiling si Alyssa , pagmaganda na talaga ang scene lagi siyang epal -_- , napatayo ako , tumayo na rin si aiden .

"Tigil ! na natin tong kalokohan nato ! hindi naman totoo yan e, Si lord lang ang may alam kung sino meant to be natin." pati ako nagulat sa sinabi ko kaya agad akong naglakad papalayo sa kanila. Nakasunod pala si Aiden sakin ng mapansin kong medyo malayo na ang nalalakad ko.

Napatigil ako ng magsalita siya.

"Iba talaga nagagagawa ng selos no! " agad akong napatigil at napatingin sa kanya ng masama.

"Jerk ! anong selos sinasabi mo ? " i really don't know kung ano pinagsasabi nito.

"Nagseselos ka sa kanila " mapanghamong sagot nito , dumbass ako pa ang hinamon mo ha  !

"I'm not ! " naiinis na ako sa sinasabi niya so medyo umabante ako na siyang nagpaatras sa kanya.

"Hooo ! easy there woman. i'm just stating the fact. That you're jealous to you're BESTFRIEND and to his ADMIRER . masyado kang defensive ha ! bakit totoo ba ? " napatigil ako sa sinabi niya lalo na nung may diin bawat bigkas niya ng salita. BESTFRIEND that word keeps on my mind or maybe it stuck.Nanlumo ako sa sinabi niya parang ang haba ng sentence niya pero isa lang yung tumatak sa isip ko.Hindi ako nagsalita parang nanlambot ang mga tuhod ko feeling ko anytime babagsak ako dahil na rin sa sobrang lamig at lakas din ng  hangin , nakatayo lang ako giniginaw na rin ako sa bawat kapit ng lamig sa balat ko . Nagulat ako sa sinabi niya 

"Me too im jealous because you're jealous " hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa lumapit siya sakin and trap me by his arms.

And i froze not because Aiden hug me but because i saw krycstof froze when he saw us.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon