Chapter 15

413 12 1
                                    

Chapter 15

Lesson 4 : blush

"Look oh krycstof , ang cute ng napulot ko! " sigaw na naman ni Alyssa ng makakuha ulit ng seashell lagi niya na lang sinasabi yan pagmakakapulot siya , wala namang nagrereact seryoso kasi kaming lahat sa pagpupulot ng shell . Once in a blue moon kasi magkaroon ng ganito karaming shell rito ang sabi ni Mang karding kaya samantalahin na daw ang pagkuha.

Marami-rami na rin ang nakuha ko pero hindi katulad ng pinupulot nila dahil lahat ng kinukuha ko yung kakaiba yung itsura katulad nung isa kong nakuha hugis kalahating puso kaya hinahanap ko yung kabiyak nun, mukha kasing nabiyak lang ito kaya naging kalahati, Pwede kasing gawing pendant ang shell na yun kaya tinago ko mabuti sa kasuluk-sulukan ng short na suot ko. 

Nang matapos kaming mamulot pinagsama-sama namin lahat ng nakuha namin hinanap ko yung kabiyak nung shell pero hindi ko nakita.Nakakapanghinayang naman yun pero swerte ang makakapulot nun , ang ganda kasi niya white yung nasa gitna na kulay tapos sa gilid may pagkapink basta para siyang kinulayan ng pastel ganun. 

Nagpalit ako ng two piece yeah ! two piece na kulay black sabi kasi nila Samm at Alyssa magtwo piece daw ang girls wala naman akong nagawa kaya eto ang isinuot ko , sa totoo lang ayoko talaga magexpose ng too much skin kasi hindi ako komportable . Nauna nang bumaba sila Alyssa samantalang ako naiwan rito habang pinagmamasdan ang kabuuan ko sa salamin . Maputi naman ako pero hindi talaga ako sanay.Binuksan ko ang pinto kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto nila paul nagulat siya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko , nakasuot siya ng beachshort at sandong puti fit sa kanya yun kaya pagnabasa siya babakat ang katawan niya rito.

Tsaka lang ako natauhan ng magsalita siya.

"Magpalit ka ng damit mo masyadong nakikita yung balat mo " seryosong sabi niya. Napatingin ako sa sarili ko , ayos naman ha ! sexy naman ako ! hindi naman panget katawan ko.Tinignan ko lang siya gamit ang  panget-ba-ang-katawan-ko-look

"Hindi panget ang katawan mo , ang panget e yung pagtitinginan ng iba yang katawan mo." tsaka siya tumalikod at bumaba. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niyang yun possessive ? . Wala akong nagawa kundi ang magpalit ng one piece at maong short pwede na siguro ito. Pagkapunta ko sa labas nakita ko na ang iba na nagsiswimming . Umupo muna ako sa may bench atsaka nagpahid ng lotion. 

Lumusong na rin ako sa tubig . Malamig kaya pagumangat ka giginawin ka dahil na rin sa malakas na hangin.Marunong akong magswimming dati nung bata ako tinuruan ako ni daddy , close kasi kami nung bata ako hindi mo nga kami magpaghihiwalay e. Kasabay ng paglaki ko ang paglayo ng damdamin namin sa isa't-isa , siya na kasi ang nagpapatakbo ng negosyo ni lolo kaya hindi na kami masyado nakakapagbonding. Lumangoy ako sa may bandang gilid ng pagkaangat ko bumungad sakin si Paul na nakangiti, ngumiti rin ako pabalik at tatalikod na sana ng magtanong siya. 

"Ano ang lesson 4 natin ? " buti na lang at nabasa ko ito kaninang madaling araw, pagkatawag samin ay umakyat ako agad sa kwarto ng hindi talaga ako makatulog binasa ko na lang ang lesson 4 at inisip kung paano ipapaliwanag ito.

"lesson 4 : cuddle with her. Lambingin mo siya nagpapakita kasi ito ng love or affection. Masmay effect to pag nagtatampo siya sayo or something na galit kasi hilig ng babae yun yung pagnagtampo sila gusto nila may maglalambing sa kanila pinapakita kasi nito na sinusuyo mo sila gamit ang pagmamahal mo. diba easypeasy " tumango lang siya na parang sinisink-in talaga mabuti ang bawat detalye ng sinabi ko. Hindi nko talaga alam kung tama yung tinuturo ko sa kanya basta kung ano lumabas sa bibig ko yun na lang.

Matapos naming magswimming ay napagdesisyunan muna nilang matulog , ako naman naglakad-lakad sa kabilang side nito hindi ko pa kasi ito napupuntahan. Nang may mapulot akong bote walang laman ito , kung titignan mong mabuti may usok na nakalagay rito nakatrakip kasi ito at dahil usok nga ito hindi masyado makikita sa malayuan pero pagnilapit mo mabuti ay makikita mo na may usok sa loob.Nang pabalik na ako nakita ko si Alyssa at Paul na naguusap. Nagulat ako ng biglang yakapin ni Paul si Alyssa. Umurong ng konti si Alyssa at unti-unting nilalapit ang mukha kay Paul sa sobrang lapit na ng mukha nito biglang uminit ang bote nahawak ko ng sobra kaya nabitawan ko ito at nabasag , nakagawa ito ng ingay kaya parehas sila na napatingin sakin , napansin ko ang paninitig ng masama ni Alyssa sa akin pero ang nakatitig lang ang mata ko sa mata ni Paul na halatang nagugulat sa nangyayari.

"Sorry " pagkasabi ko nun ay agad akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako papunta basta kusa na lang akong napatakbo . Napahinto ako ng makita ko ang malaking bato na sa ibabaw nito ang puno na pinagsandalan ko noon. Umupo ako rito kagaya ng ginawa ko nung isang araw. Huminga ako ng malalim at pumikit.

"Paano mo nalaman ang lugar nato ? " namulat ako agad at napatingin sa lalaking nakaupo na rin sa tabi ko. Sumunod pala si Paul.Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus ay pinanood ko ang papalubog na araw. Napansin ko lagi ko na lang napapanood ang paglubog nito.

"alam mo ang ganda mo " napabaling ulit ang atensyon ko nung nagsalita ulit siya.Namula ako sa sinabi niya.

"ngayon ko lang napansin lalo ka palang gumaganda" dagdag niya pa , hindi pa rin ako nagsasalita.Maslalong uminit ang pisngi ko .

"ANG GANDA NI ACQUISHA DENISSE TAYAG ! " nagulat ako ng sumigaw siya at sigurado ako ngayon na mukha na akong kamatis.

"yiee ! nagbablush siya yiee " tinusok-tusok niya ang tagiliran ko kaya napataw ako , malakas kasi ang kiliti ko sa bewang. 

"hahaha tama na paul hin-haha di- hahaha na a-hahah ko-hahah ma-haha-ka-haha-hinga-hahhahaha " pagpipigil ko dahil patuloy pa rin siya sa pangingiliti sakin. 

"sige na nga ." tumigil rin siya . Agad akong napaayos ng upo dahil napahiga ako sa sobrang tawa. Napansin naman niya ng distansya naman kaya Inakbayan niya ako kaya napalapit ako sa kanya. 

"eto lang kasi ang alam ko sa paglalambing "hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil siya na mismo ang nagsabi na manahimik na lang ako. Gabi na at ganun pa rin ang pwesto naman nakahilig na nga ang ulo ko sa balikat niya e. Napaangat ang ulo ko ng makita ko ulit ang ilaw dun sa likod ng nakaharang na malaking bato.

"Nakikita mo ba yun " napatango ako ng napansin rin pala ni Paul ang ilaw mula roon dahil sa sobra talaga ang curious ko doon sinubukan ko ulit na akyatin yoon pero hindi ko parin magawa. Sinubukan rin ni Paul pero hindi rin niya kaya. Napasandal naman ako sa malaking bato roon.Habang hinahaplos ko ang higanteng bato nato may nahawakan ako na palubog kinapa-kapa ko ito at napansin na hugis heart ito. Agad kong pinagmasdan ito at nagulat ng makita ang kabuuang itsura nito kamukha ito nung napulot kong shell kanina yung walang kabiyak.

"Paul ! Tignan mo o ! dali ! " pinagmasdan ito ni Paul at parehas kami na nagulat dahil sa sinabi namin.

"ETO YUNG NAPULOT KONG KALAHATING SHELL NA HUGIS PUSO KANINA ! " sabay naming sigaw. Napatingin ako agad sa kanya at ganun rin siya.

"NAPULOT MO YUNG KABIYAK NITO ?! " sabay na sabi namin at binunot ang heartshell. Napatawa na lang kami at agad na nilagay ito dun sa may nakukit na heart sa bato ng nalagay namin ito bigla na lang nabiyak ang higanteng bato sa gitna at naghiwalay tumilapon naman ang shell na napulot namin. Parehas naming nilakad ito at namangha sa nakita ang ganda para kang nasa ibang planeta sa sobrang ganda may mga paru-paro at alitaptap na nagsisilbing ilaw may roon namang upuan na gawa sa bato na may nakalagay na kung ano-ano ang nakita namin.. Lumapit kami roon at sabay na umupo.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon