Chapter 4

705 25 3
                                    

Chapter 4

Patak ng ulan

Nagising ako sa sinag ng araw , pagmulat ko na kita ko na nasa kwarto na ako ng TIPS .Baka dumating na si toffe.

Pumunta ako sa kusina at doon ko na kita si toffe na nagluluto. Naka topless siya at naka faded jeans may apron din siyang suot.Napalingon siya sa gawi ko.

"Gising kana pala, Hintay ka lang maluluto na ito." Sabi niya at tumingin muli sa niluluto niya.Napatingin ako sa likod niya nagpeflex yung muscle niya habang naghahalo,ang hot niyang tignan ngayon sabay mo pa na ang bango nang niluluto niya. Wait Acquisha anong nangyayari sayo ?

Nako ! erase erase. Stop that pervert mind.

"Huy! tara na, kain na tayo,masyado kang tulala dyan "aniya habang kinakaway yung kamay niya sa harap ng mukha ko. Nangapal ang mukha ko sa hiya. Natulala ba talaga ako ?

Hindi kami nagkikibuan habang kunakain. Parehas na tinitimbang ang sitwasyon.

"Alam mo na ba ang ituturo mo sa akin ? " pambasag niya sa katahimikan na siya ring dahilan kung bakit ako nabulunan. May mga bagay talaga na kahit iwasan mo lalapit at lalapit pa rin sayo.

"Ays! anobayan ? kumain ka nga ng maayos,tignan mo nabulunan ka o inumin mo"talak niya sakin sabay bigay ng tubig atsaka hinimas himas niya yung likod,medyo nakaramdam ako ng kuryente nung dumampi yung kamay niya sa likod ko. Ito ba yung dahilan nang paghihintay ko sa kanya kagabi ? Damn kung ito lang sana unuwi na kang ako at hayaan siyang umasang andito ako.

"eh kasi naman ikaw eh pabigla-bigla ka"paninisi ko sa kanya, umirap lang siya at bumalik na ulit sa pagkain ganun rin ang ginawa ko. Mabigat na tingin ang binigay niya sa akin dahilan upang hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"kasi seryoso na Denisse ! ano alam mo na ba ? "tanong niya sakin, kinilabutan ako sa pagtawag niya sa pangalawang pangalan ko.Dati kasi bago kami maghighschool yan ang tawag niya sa akin pero pagtuntong namin sa highschool Acqui na. Nakakapanibago dahil hindi na ako sanay na tawagin niya ako sa pangalan kong yun.

"Oo alam ko na Paul,na pagtanong-tanong ko na." sagot ko sa kanya, Paul ang second name niya at yan din ang tawag ko sa kanya dati. Akala ko'y magugulat siya ng muli ko siyang tawagin sa ganun ngunit hindi, dahil parang alam niya na itatawag ko sakanya ulit iyon.

"okay ! kanino ka naman nagtanong ? " tanong niya ulit. Uminom ako ng tubig bago sinagot ang tanong niya.

Inisip ko ang nangyari nung nakaraan atsaka kinuwento sa kanya.

Nasa room ako ng mapansin kong magkagalit ang JOJO loveteam. Dahil sa hindi sila nagpapansinan , tinanong ko si Jolo .

"Uy! Jolo magkagalit kayo ? " tanong ko habang nakaturo kay Joyce ang index finger ko.

"Eto kasing si Joyce eh ang conyo, nakakairita, kaya nasabihan ko siya na maarte tapos ayun nagalit."banas niyang sabi, hindi nakaligtas sakin ang pag-irap ni Joyce kay Jolo bago bumaling sa teacher namin.


Nang hindi ko na matiis ang pagiging cold nila sa isa't-isa ay nakaisip ako ng paraan. At isa pa magpapatulong rin ako kay Jolo kaya kapalit nang paghingi ko ng tulong ay ang pagbatiin sila.

"Jolo sabay tayo mamaya maglunch ha may papaturo rin kasi ako." Kumunot ang noo niya at tumingin kay Joyce na napahinto sa ginagawa.

"Ano ba yung ipapaturo mo, baka hindi ko kaya " tanong niya. Napahinto siya saglit upang tignan ako bago bumalik sa pagsusulat.

"basta madali lang yun "sagot ko at bumalik sa pagkokopya. Sumulyap ako kay Joyce na takang nakatingin sa akin binigyan ko lang siya ng nakakalokong tingin bago bunalik sa ginagawa.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon