Chapter 3

721 25 3
                                    

Chapter 3

Tips & PG

Nandito ako sa room ng TIPS , Sarili nilang room parang hideout ganun. Pinagawa mismo ng school , ang unfair nga eh parang bahay na kasi ito. may sala may kusina may kwarto tapos may banyo imagine lima lang sila pero may ganito. Hindi naman ako magrereklamo dahil madalas rin naman ako rito .

Maganda yung design nito parang condo black and white ang motif. may shade din ng gray . Modern, dito sa sala nila nakasabit yung mga pictures nila na magkakasama simula una hanggangsa ngayon ,sa bandang gilid malapit sa kitchen tig-iisa nilang pictures sa ilalim nun nakasulat yung pangalan nila at kung ano ang gampanin nila sa banda.

Nandito ako dahil pinapupunta ako ni Toffe, pero hanggang ngayon wala siya. Sa totoo lang pwede akong umalis na pero ewan ko sa katawan ko at parang may sariling buhay na gusto pang maghintay para sa gunggong na yun.

Nandito lang ako sa sofa nanonood ng phineas and ferb ng pumasok si John

"O ! andito ka pala bisprin ! mamaya pa pupunta si toffe rito kinausap siya ng principal ewan ko kung para saan pero narinig ko na samahan daw si Alyssa Sta. Maria ba yun basta yun." kwento niya habang kumukuha ng mineral water ,ngumiti lang siya sa akin. Binugyan ko siya ng masamang tingin bago binalik muli ang mata sa T.V. Ewan ko ba pero nainis ako sa sinabi niya na kasama ngayon ni toffe si Alyssa.

Siya nga pala si John Mendoza ang pianonist ng bandang TIPS , chismoso siya pero mabait, pogi siya well hindi siya makakapasok sa tips kung hindi naman , tama lang yung kulay niya matangkad rin siguro nasa 6 plot yung height niya black yung hair niya na may highlights na red , magaling din siyang magbasketball pero masmagaling si toffe , may bestfriend din siya si Monique matagal na silang magkaibigan katulad namin ni toffe at ang pagkakaalam ko hindi siya magkagirlfriend dahil na rin kay monique sandalan siya ni monique pagnalungkot ito.

"Sige, Acqui alis na ako , susunduin ko pa si Monique eh bye ! " kumaway siya bago tumahak sa pintuan , bubuksan na niya sana ito ng bigla itong bumukas.

"o ! john andyan ka lang pala kanina ka pa hinahanap ni monique sa baba " sabi ni Vincent na tuloy-tuloy sa pagpasok ,kasunod nito si Zhan

"Sige mga pre ! una na ako andyan nga pala si Acqui ! "paalam niya atsaka tumakbo na pababa.

"Hi acqui ! "

"Hello Acqui !"

Sabay nilang bati nagsamaan sila ng tingin nang mapansing sabay silang bumati.Pumunta si vincent sa kwarto habang si Zhan naman sa banyo.

Si Vincent Tiongson siya ang drummer nila matangkad din siya , may pagkablond na brown ang buhok niya, Playboy/womanizer/cassanova/babaero lahat na ata ng babae rito sa school nakadate niya pwera lang sakin dahil daw kaibigan niya ako naging ganyan siya dahil kay Chlouie Bolo dating teacher dito dalaga lang siya ng nagturo rito sa kasamaang palad naging estudyante niya si vincent at nagkainlove-an silang dalawa , nalaman ng school ang tungkol don kaya pinatawag si miss chlouie tapos boom ! bigla na lang nawala si miss hindi na namin alam kung nasaan kaya etong si vincent nagpakagago lahat ng babae iniiwan niya gaya ng pagiwan sa kanya ni miss.

Si Zhan Ghun naman ang nageelectric guitar sa kanila katamtaman lang ang taas niya ,black yung hair niya na may highlights na kulay blonde , may nililigawan siya yung leader ng PG si samm matagal na siyang nanliligaw dun almost 3 years na ang Kaso si Samm ay may gusto kay Toffe na hindi naman siya pinapansin, Sa lahat ng magkakagrupo siya lang ang hindi nila masyadong close dahil sa yung una niyang girlfriend na si Jaidy Sabino ay nakipagbreak sa kanya dahil lang kay vincent tapos yung pangalawa naman dahil kay john tapos yung ngayon si Samm na ang gusto si toffe medyo naaawa ako sa kanya dahil puro kaibigan niya na lang ang pinipili kaysa sa kanya.

Pagkalabas ni Zhan sa banyo pumunta siya sa kusina ,Nagluto ata may naaamoy akong mabango eh. Mga ilang minuto ang lumipas ng tumabi siya sakin ng may dalang baked mac.

"gusto mo ? " pagaalok niya sakin ng kinakain niya, syempre grasya yan tatanggihan ko pa ba ?

"yup"  binigyan niya ako habang kumakain kami ay nagtanong siya.

"kanina ka pa rito ? " tanong niya habang titig na titig sa tv.

"medyo hinihintay ko si toffe sabi niya pumunta raw ako rito" sagot ko sa kanya habang busy pa rin sa panonood.

"Okay ."  tumayo siya atsaka nagpunta ng kusina pagkatapos ay dumiretso sa kwarto.

Magaapat na oras na akong naghihintay rito at medyo nangangawit na rin yung pwetan ko ,nagsialisan na rin yung dalawa dahil may kanya-kanya pa daw na gagawin.

Tumayo ako at nagpunta sa may tapat ng bintana, nakita ko doon si Samm kasama ang mga alagad niya.

Si Samm Atienza ang leader ng PG ,Maganda siya , halos lahat ng lalaki nagkakagusto sa kanya sexy pa ! lagi siyang nakacivilian sobrang fashionable niya hindi naman siya pinapagalitan dahil may shares ang magulang niya rito sa school , medyo masungit siya pero hindi tulad ng mga ibang babae na porket leader ng isang grupo magmamaldita na. wala siyang pake kahit kanino kung tumambling ka dyan dedma. magbikini ka dedma. ganon siya. Mabait siya kung paano ko napatunayan ay dahil tinulungan niya yung matandang babae tumatawid sa kalsada. Hindi pa siya nagkakaboyfriend , hindi rin siya nagpapaligaw pinayagan niya lang si Zhan dahil na rin sa kagrupo nito si toffe.

Apat sila sa PG si Mikhaellazel Gultiano ang chinita ng grupo , maganda rin siya malamang . Medyo snob siya sa tao pero may boyfriend siya . Nagmomodel siya sa isang agency kasama niya si Janarish Anzures siya ang bookworm sa kanila, minsan lang siya mamansin paghindi niya hawak ang mahiwagang libro.At isa pa sa grupo nila si Carhyl Camua ang playgirl/maldita/plastik/maarte/feeling leader lahat na ata na sakanya , maraming students ang nagagalit sa kanya dahil sa ugali niya, hindi alam ng grupo nila ito kasi nakikipagplastikan siya tsaka tinatakot niya yung estudyante na magsusumbong.Aalis na sana ako ng makita ko ang JOJO Loveteam.

Nakita ko si joyce na hinahabol ni jolo nang matapilok si joyce, dali dali namang lumapit si jolo ,hinawakan ng lalaki ang paa ni babae na namimilipit sa sakit. Nang hindi makatauo si joyce ay lumuhod patalikod si Jolo sa kanya atsaka siya pinasakay. Ngumiti si Joyce at hinalikan sa pisngi si Jolo na napangiti rin sa ginawa ng kasintahan.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa .Maglilimang oras na akong naghihintay at dumidilim na rin.Nagulat ako ng bumukas yung pinto at niluwa nun si Aiden na halata din na nagulat pero nabawi agad ang emosyon. Hinayaan ko na lang siya nang tumabi siya sa akin.

Siya si Aiden Rilfiger ang lead guitarist ng banda , siya ang pinakaclose ni toffe ,siya ang pinakamatangkad sa Tips , pure black yung hair na medyo messy masungit siya pero sakin hindi ,wala kang emosyon na makikita sa kanya , cold siya sa halos lahat ng tao pwera lang sakin, hindi siya palangiti pero napapangiti ko ,medyo badboy yung dating niya pero mabait siya , yun lang yung alam ko sa kanya sa pagkakatanda ko hindi pa siya nagkakagirlfriend. Tsaka yung tito niya ang may-ari nito na pinasa sa pinsan niya.

"anong ginagawa mo rito"biglang tanong niya. Matapos ang nakakabinging katahimikan.

"hinihintay si toffe bakit ? " sagot ko sa kanya habang tinutumbasan ang tingin niya

"tss"yun lang ang sinagot niya atsaka siya tumayo. Naglakad siya sa pintuan ng mapahinto sa tanong ko.

"o! saan ka pupunta ? " lumingon siya sa akin, tumaas ang sulok ng kabi niya at hindi napigilang mapangiti.

"bakit mamimiss mo ako " tinignan ko lang siya ng masama. At pinagtaasan ng kilay.

"alis na ako umuwi ka na gabi na ! " tsaka siya nagpatuloy sa pag-alis. Umiling lang ako dahil hihintayin ko pa si Toffe.

Gabi na nga pero wala pa siya ? ano kaya ginagawa nila ni Alyssa bakit inabot na siya ng gabi. Para naman akong asawa sa mga naiisip ko. Enough Acquisha don't act like a clingy wife. Gross.

Humiga ako sa sofa ng makaramdam ako ng antok. Bumigat na ang talukap ng mata ko ng may maramdaman akong pumasok

"Sleep well my princess " bulong niya sa tenga ko bago ko naramdaman ang malambot na bagay na dumapo sa pisngi ko.

hindi ko alam kung sino yun dahil sa tuluyan na akong dinalaw ng antok. Ngunit isa alang ang masasabi ko, Kahit sa panaginip ay sorang bilis ng tibok nang puso ko.

12 ways to get to a girl's heart (underconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon