5

1.2K 31 0
                                    

“HUWAG ka munang matulog. Hintayin mo muna ang in-order kong pagkain.” 

Bahagyang nag-angat ng tingin si Cheska kay Chase. Nakaupo ang lalaki sa sofa habang inaayos ang inilalabas ang mga laman ng malaking travel bag na dala nito.

“Hindi naman ako nagugutom,” malamig na sagot niya bago mabilis na iniwas ang tingin sa lalaki.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanyang sarili. Matapos ang nangyari sa elevator ay hindi na niya kayang salubungin ang mga mata ni Chase. Pagpasok nga niya sa loob ng hotel room nila ay hindi niya pinansin ang lalaki. Dumiretso lang siya sa isang kama at naupo roon.

“Bahala ka,” wika nito. Kasabay niyon ay tumayo nito sa sofa at paglapit nito sa kanya. Tumayo ito sa harap niya at ipinatong ang ilang piraso ng damit sa ibabaw ng kama. “Gamitin mo muna iyan ngayong gabi. Bukas na tayo bumili ng damit mo.”

Tumango lang siya sa lalaki bago sulyapan ang ilang jacket, bonnet at scarf na nakapatong sa kama.

Nang tumalikod si Chase sa kanya ay sinundan niya ito ng tingin. Dumiretso ito sa loob ng banyo.

Hindi maintindihan ang nangyayari sa kanya. Gusto niyang tarayan at singhalan ang lalaki subalit hindi niya magawa. Sa halip ay bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing mag-aangat siya ng tingin at tangkang sasalubungin ang mga mata nito.

Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin humuhupa ang abnormal na tibok ng puso niya na dulot ng ginawa nito sa elevator.

Ipinikit niya ang mga mata at isinandal ang ulo sa headboard ng kama. Nang idilat niya ang mga mata, tumambad sa kanya ang hubad barong katawan ni Chase!

Her eyes widened while roaming her eyes onto his naked torso. Broad shoulders, chiseled chest, six pack abs. He looked like a model who just came out from a magazine.

Napalunok siya nang ibaba ang tingin sa V-line nito. He was so damn sexy...

Stop looking at him, Cheska! saway sa kanya ng isang bahagi ng utak niya. 

Ipinilig niya ang ulo at marahang sinabunutan ang sarili. Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Cheska! Galit ka sa lalaking iyan! Kasalanan niya kung napadpad ka sa liblib na lugar na ito! Kaya huwag mo siyang purihin!

Huminga siya ng malalim at sinubukang alisin ang tingin sa katawan ni Chase. Subalit ilang segundo lang ang nakalipas ay muli na naman niyang ibalik ang tingin sa katawan ng lalaki. Gusto na niyang sabunutan ang sarili. Seriously? Hindi naman ito ang unang beses na nakakita siya ng magandang katawan ng lalaki pero bakit iba ang epekto sa kanya ng isang ito? At bakit ba kasi walang suot na pang-itaas ang lalaking ito? Hindi ba ito nilalamig?

At ikaw, wala ka bang planong alisin ang titig mo sa kanya? kastigo ng utak niya.

Marahil ay kailangan niyang sampalin at sabunutan ang sarili para bumalik siya sa katinuan.

Subalit napakunot-noo siya nang mapansin ang pag-agos ng dugo sa kaliwang bahagi ng braso ng lalaki. May sugat ito!

“M-may sugat ka...” nag-aalalang bulalas niya.  “Kailangan mo'ng dalhin sa ospital.”

Humugot ito ng malalim na hininga. “Hindi na kailangan. Daplis lang ito. Mababaw na sugat lang.”

Nilagpasan siya nito at dumiretso sa sofa. Mabilis na sinundan niya ang lalaki. “Kahit na. Kailangan pa ring magamot iyan.”

“May first aid kit akong dala rito.” Mula sa malaking bag ay inilabas nito ang isang first aid kit.

Hinawakan niya ang kamay nito at sinuri ang sugat nito. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat nito. Tama ito sa pagsasabing nadaplisan nga lang ng bala ang braso nito. Hindi niya napansin na may sugat ito dahil may suot itong itim na jacket. Bukod pa rin ay parang tila wala itong sugat kung umasta.  

“Ano'ng ginagawa mo?” Kunot-noong tanong nito sa kanya. Magkahalong pagtataka at gulat ang mababasa sa mukha nito.

“Ako na ang gagamot sa sugat mo,” wika niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang mabilis na tibok ng puso niya, subalit sa sitwasyon ni Chase ay hindi niya dapat pairalin ang paghuhuramentado ng dibdib. Kailangan niya itong gamutin.

Bago pa sumagot si Chase ay binuksan na niya ang first-aid kit na nakapatong sa wooden coffee table sa harap nila.

Kumpleto ang mga gamot at panlinis ng sugat na naroon.

“Hindi mo na kailangang gawin ito, Villarama,” pigil sa kanya ng lalaki. “Kaya ko'ng gamutin ang sarili ko.”

Sinalubong niya ang mga mata nito at binalewala ang paghuhuramentado ng puso niya. “Hayaan mo na ako, Jimenez. Huwag kang mag-alala, marunong ako.”

Natuto si Cheska ng first aid treatment noong high school dahil madalas siya sa clinic ng eskuwelahan nila noong mga panahong iyon. Natatandaan pa niya na sa tuwing may bakanteng oras siya, pumupunta siya sa clinic, hindi para magpa-check up kundi para panoorin ang Ninang Angie niya na siyang school doctor nila sa trabaho nito. Nalilibang siya at naaaliw habang pinagmamasdan ito sa paggamot sa mga pasyente nito. Sa tuwing wala ang nurse sa clinic nila ay nagboboluntaryo pa siya na maging assistant ng Ninang niya. Sa tuwing nagkakaroon ng sakit o nasusugatan ang mga kaklase niya, siya ang unang tumitingin sa mga ito at nagdadala sa mga ito sa clinic.

Sa tuwing nakakakita siya ng may sakit o kaya ay taong nasugatan, hindi niya mapigilan ang sariling mag-alala at alamin ang kalagayan ng mga ito.

Tulad na lamang noong napilayan sa pagsasayaw ang 'mortal enemy' niya noong high school na si Mara. Magkaaway sila ng babae at nagtatarayan subalit nang maaksidente ito, siya pa ang unang lumapit sa babae. Oo, kilala siya bilang mataray subalit nawawala ang katarayan niya sa tuwing nakakakita siya ng taong may sakit.

Kanina nang makita niya ang sugat ni Chase, ang unang pumasok sa isip niya ay ang gamutin ito.

Parang biglang naglaho ang galit niya rito at ang tanging nangibabaw ay ang pagnanais na gamutin ang sugat nito.

Nang hindi sumagot sa kanya ang lalaki at sinimulan na niyang gamutin ang sugat nito.

“Alam kong masakit ito. Tiisin mo na lang,” wika niya kay Chase habang maingat na binubuhusan ng antiseptic ang sugat nito.

Naring niya ang matalim na paghugot nito ng hininga. “Sanay na ako sa sakit.”

Gusto niyang mag-angat ng tingin para makita ang mukha nito subalit nag-aalala siyang kapag ginawa niya iyon ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya at hindi niya magamot ng maayos ang sugat nito.

Kaya naman nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa sugat nito hanggang sa matapos siya sa ginagawa.

“Okay na,” wika niya sa lalaki. “Uminom ka ng gamot para maging mabilis ang paggaling.” Tumayo siya at mabilis na tumalikod dito. “Sige. Matutulog na ako.”

Danger in Love (Published under PHR/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon