19

2.9K 50 0
                                    

“MA'AM, ayos lang po ba kayo?” 

Natigilan si Cheska nang marinig ang nag-aalalang boses ng tour guide na kasama niya. “Parang kanina pa ho kayo tulala, eh.”

Sumulyap siya rito at bahagyang ngumiti. “Okay lang po ako, Mang Caloy,” sagot niya sa matanda.

Nandito siya ngayon sa loob ng Burial Cave sa Sagada. Pagdating pa lang niya kanina sa Sagada ay iyon na agad ang unang lugar na pinuntahan niya.

“Uhm, puwede po bang iwan niyo muna ako rito kahit sandali. Gusto ko lang po sanang mapag-isa.”

Nag-aalangang tumingin sa kanya ang matanda. Subalit tumango rin naman ito. “Sige po, ma'am.” 

Nang muli niyang makita si Chase, marami siyang bagay na napagtanto. Na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang binata. Na sa kabila ng sakit na idinulot nito sa kanya at sa kabila ng galit niya ay ito pa rin ang itinitibok ng puso niya.  Kahit masakit at mahirap ay natanggap na niya sa sarili na hindi niya kayang burahin sa puso niya si Chase. Na kahit ilang taon pa ang abutin at ilang lalaki ang makilala niya ay hindi pa rin mapapalitan ang lalaki sa puso niya. 

Nang makita niya si Chase, napagtanto niya kung gaano na niya ka-miss ang lalaki. Gusto niyang mahaplos ang guwapong mukha nito. Gusto niyang masilayan ang matamis na ngiti nito. Gusto niyang muling ang pag-aalaga nito sa kanya. Miss na miss na niya ang lahat-lahat dito.

Iyon ang dahilan kung bakit nandito siya sa Sagada ngayon. Umaasa siya na kapag binalikan niya ang lugar na ito, kapag binalikan ang mga masasayang ala-ala nila ni Chase sa lugar na ito, mapapawi ang pangungulila niya sa lalaki.

Akala niya, mapapawi ang pangungulila niya kay Chase kapag nagpunta siya sa lugar na ito. Pero hindi. Dahil lalo pang lumalim ang pangungulila sa puso niya. She missed him even more.

“I missed you, Chase...” madamdaming wika niya sa kawalan. “I hate you...but still, I miss you. I miss you so much Chase.”

“I miss you too, baby.”

Natigilan si Cheska nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. She was sure it was his voice...

Pero paano naman niya maririnig ang boses ng lalaki? Nananagip ba siya? Hindi kaya...nagmumulto na sa kanya ang mga ispirito ng mga nakalibing sa kuwebang—

Nanlaki ang mga mata niya nang isang bisig ang yumakap sa kanya. “Cheska, I miss you, baby.”

Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso niya nang mapagtantong hindi lang siya basta nananaginip. Nandito si Chase! Totoong narinig niya ang boses nito. At ngayon ay totoong nararamdaman niya ang mainit na bisig nito.

“Cheska, I'm sorry, baby.”

Sa pagkakataong iyon ay tila natauhan siya. Itinulak niya si Chase palayo sa kanya at magkasalubong ang kilay na hinarap ito.

“Ano'ng ginagawa mo rito?” Oo. Hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya si Chase. Pero hindi pa rin niya basta-basta makakalimutan ang sakit at hinanakit na ibinigay nito sa kanya. Umahon ang galit niya para sa lalaki.

Pinagmasdan niya ang mukha ng lalaking hanggang ngayon ay siya pa ring laman ng puso niya. Hindi niya akalaing matapos ang anim na buwan ay magkikita sila. At dito pa sa Sagada.

“Cheska...Listen, baby.” Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya. “Nandito ako ngayon para itama ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko. Baby, hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita.”

“Mahal?” puno ng hinanakit na putol niya rito. “Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi mo, Chase. Hindi ba't nakipaghiwalay ka sa'kin dahil sabi mo, hindi mo kayang mahalin ang babaeng tulad ko? Hindi mo kayang patuloy na mahalin ang brat, immature na babaeng tulad ko? Tapos ngayon, sasabihin mo sa kin na hanggang ngayon, mahal mo pa rin ako?” Kinagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng mga mata.

Danger in Love (Published under PHR/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon