16

1.1K 35 0
                                    

“CHESKA, ayos ka lang ba? Wala bang nasaktan sa'yo, baby?”

Mahigpit na ginantihan ni Cheska ang yakap sa kanya ni Chase. 

“I'm fine, Chase.”

Maingat na sinapo ng lalaki ang mukha niya. Pagkatapos ay umangat ang kamay nito sa sentido niya. Hinaplos iyon ni Chase gamit ang mga daliri nito.

Matapos niyang makalaya sa kamay ng kriminal ay pinaputukan na ito ng baril ng pulis. Sinadya itong patamaan sa binti upang hindi na ito makatakas pa. Sa ngayon ay dinala na sa ospital ang suspek. At pagkatapos nitong gamutin ay ididiretso na ito ng mga pulis sa presinto.

Sila naman ni Chase ay naiwan sa mall kasama ang ilan pang police at security.

She gave him a reassuring smile. “Baby, please smile now. Wala namang nangyaring masama sa'kin, eh.”

Bumuntong-hininga si Chase at kinabig siya para gawaran ng isang halik sa noo. “You made me so damn worried, baby. You—”

“Chase, tama na iyan.” putol niya rito. “Ang mabuti pa, pumunta na tayo sa presinto para magbigay ng statement.”

“Ako na ang bahala sa statement mo. Ihahatid na muna kita sa bahay niyo.”

“Okay,” pagpayag niya rito. Mahigpit na nakaalalay sa baywang niya si Chase habang papunta sila sa parking ng mall. Subalit napansin ang pananahimik ng nobyo.

Naisip niyang marahil ay patuloy pa rin nitong iniisip ang nangyari kanina. Siya kasi ay mabilis na nakabawi mula sa halo-halong emosyong naramdaman kanina. At tanging pinanghihinayang nga lang ay hindi na natuloy ang panonood nila ng sine ng nobyo. Iyon pa naman ang unang beses na manonood sila ng sine.

“Chase, bakit ang tahimik mo?” Hindi niya napigilang itanong sa lalaking pagpasok nila sa sasakyan nito.

Humarap sa kanya si Chase. Muli itong bumuntong-hininga pagkatapos ay seryosong tumingin sa kanya.

“Sa totoo lang, gusto kong magalit sa'yo, Cheska. Gusto kitang pagalitan kasi hindi ka nakinig sa'kin. Sinabi ko na huwag kang aalis sa puwesto mo, pero ano'ng ginawa mo. Sinundan mo pa rin ako...”

Kinagat niya ang ibabang labi at bahagyang yumuko. “I'm sorry, Chase, mahinang sambit niya. “Hindi ko naman gustong suwayin ka, hindi lang ako nakatiis kasi sobra akong nag-aalala sa'yo. Gusto ko lang makita kung ano ang nangyayari...”

“Kahit alam mo na delikado iyon para sa'yo?” Unti-unting nagsalubong ang kilay nito. “Tingnan mo kung ano ang nangyari. Nalagay sa alangin ang buhay mo!” Mariin itong pumikit na tila ba pinipigilan nito ang paglabas ng emosyon. “At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa'yo, Cheska...Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”

“Chase, huwag mo'ng sabihin iyan.” Masuyong hinaplos niya ang mukha nito. “Wala ka namang kasalanan sa nangyari. Kung may dapat mang sisihin, ako iyon kasi nagpadalos dalos ako sa kilos ko. Kasi hindi ako nakinig sa'yo.” 

Nang idilat ni Chase ang mga mata ay nagtama ang mga mata nila. Nakikita pa rin niya sa mga mata nito na sinisisi nito ang nangyari sa kanya. Kaya naman niyakap niya ng mahigpit ang nobyo. “Baby, kalimutan na natin iyon, please. Wala namang nasaktan, eh. Huwag ka na ring magalit.” Bahagya silang kumalis mula sa pagkakayakap niya rito para kintalan ito ng halik. “Please, baby.”

Nagpakawala ito ng malalim na hininga bago tumango. “Basta ipangako mo sa'kin na hindi mo na hindi mo na ulit gagawin ang bagay na iyon.”

Ngumiti siya. “Promise, baby.”

MALAWAK ang ngiti ni Cheska nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng police station nila Chase.

Naisipan niyang bisitahin si Chase sa trabaho nang araw na iyon. Nagdala rin siya ng cupcakes na siya mismo ang nag-bake.

Danger in Love (Published under PHR/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon