13

1.1K 36 0
                                    

“DO you want to go home, first? O daanan muna natin iyong kotse mo?” tanong kay Cheska ni Chase. Bumaling sa kanya ang lalaki.

“Let's get my car first,” sagot niya rito.

“Okay, baby.” Nakangiting tumango ito bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

Nakabalik na sila sa Maynila. Kaninang alas tres sila ng madaling-araw umalis sa Sagada, at alas tres ng hapon na sila nang makarating sa Metro. Halos inabot ng labindalawang oras ang byahe nila dahil sa mga stopover nila.

There last day in Sagada was very memorable. They spent it as a new couple. Pareho pa nga nilang ayaw bumalik ng Maynila ni Chase, subalit may trabahong naghihintay rito. At siguradong nag-aalala na sa kanya ang Yaya niya.

Napangisi siya sa endearment ni Chase sa kanya. Baby. It may sound common to others, but for her, it sounded music to her ears. Especially the way Chase says it with full of love.

Until now, hindi pa rin siya makapaniwala na silang dalawa na ni Chase. Na pareho pala sila ng nararamdaman para sa isa't-isa. Hindi niya masukat ang kaligayahang nararamdaman niya.

Maya-maya pa ay huminto sila sa police station kung saan siya dinala ni Chase noong napagbintangan siya ng binata na drug dealer. Agad niyang natanaw ang kotse niya na nakaparada sa gilid ng istasyon.

Naunang bumaba ng sasakyan si Chase pagkatapos ay umikot ito sa gawi niya para pagbuksan siya ng pinto. 

“Thanks, baby”, malambing na wika niya rito.  He was such a gentleman. Sa simpleng gesture lang na iyon ni Chase ay kinikilig na siya.

“Chase! You're back!” 

Pareho silang lumingon ni Chase sa pinanggalingan ng boses. Isang nakaunipormadong pulis ang lumapit sa kanila. Pamilyar sa kanya ang lalaki. Iyon ang isa sa mga pulis na kasama niya sa police car at nagdala sa kanya sa presinto. Kung tama ang pagkakaalala niya ay SPO1 Marquez ang apelyido nito.

Bumaling sa kanya ang nobyo. “Cheska, si SPO1 Kent Marquez. Kaibigan ko at kasamahan sa trabaho.” Pagkatapos ay tumingin ito sa kaharap. “Kent, si Cheska. Girlfriend ko.”

“Nice meeting you again, Cheska,” nakangiting bati sa kanya ni Kent. “Siguro naman natatandaan mo pa ako?” pabirong tanong nito.

Natawa siya. “Oo naman. Nice meeting you too, again, SPO1 Marquez. Pasensiya na rin kung natarayan ko kayo noon.”

 “Wala iyon,” balewalang sagot nito. “Kent na lang din ang itawag mo sa’kin.”

Subalit bago pa siya makasagot ay isang boses na ang narinig niya. Sa isang iglap ay sumulpot sa harap nila ang isang pamilyar na babae.

“Chase!”

Nanliit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha ng babae. Hindi niya makakalimutan ang mukha ng isang ito. Ito ang babaeng pulis na may gusto kay Chase.

Kitang-kita niya ang paglaho ng ngiti sa labi ng babae nang ibaling nito ang mga mata sa kanya. Kumunot ang noo nito. “Natatandaan kita, ah. Ano'ng ginagawa mo rito?” Nagsalubong ang kilay nito nang muling ibinalik ang tingin kay Chase. “Chase. Bakit mo kasama ang babaeng iyan?”

“Girlfriend ko si Cheska, Mika.”

Nagsalubong ang kilay ng babae. Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi niya sa nakitang reaksiyon mula rito. Pagkatapos ay pinagtaasan niya ito ng kilay. Now. You know. So back off. Chase is mine! Kulang na lang ay sabihin niya.

Mukha namang nakuha ng babae ang nais niyang iparating dahil tumalikod ito sa kanila at bumalik sa loob ng presinto.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila kay Kent.

“Ako na ang magda-drive, Chase,” wika niya sa nobyo nang sumampa ito sa driver's seat ng kotse niya. Napagpasyahan nila na iwanan na lang muna ni Chase ang sasakyan nito sa station. Pagdating sa bahay ay ipapahatid na lang niya ang binata sa driver nila.

“No. Cheska. Ako, na,” tanggi nito.

“Pero pagod ka na,” nag-aalalang wika niya. Sa halos buong araw na pagmamaneho nito ay tiyak na pagod at ngalay na ito.

Bumaling ito sa kanya. “Kaya ko pa.” Ngumiti ito. “So let me drive for you, baby, okay?”

Hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi nito. “Hmp, sige na nga,” pagpayag niya. “By the way, iyong PO3 Corpuz na iyon, matagal na bang may gusto sa'yo iyon?”

Sumulyap siya sa lalaki at hinintay ang sagot nito.

“Si Mika? Paano mo naman nasabi na may gusto siya sa'kin?” kunot-noong tanong nito.

Ngumuso siya. “Halatang-halata naman sa mukha niya, 'no.”

“Nagseselos ka ba?” Nakaangat ang isang sulok ng labing tanong nito.

Pabirong inirapan niya ito. “Of course not. Bakit naman ako magseselos, eh, 'di hamak naman na mas maganda ako sa kanya.”

He grabbed her left hand and intertwined with his right. “Wala ka naman talagang dapat na ipagselos. Ikaw ang mahal ko, eh.”

Kinagat niya ang ibabang labi sa kilig na kumalat sa sistema niya. Halos isang araw pa lang ang relasyon nila pero ramdam na ramdam niya kung gaano siya kamahal ng binata. At hindi niya maipagkakaila kung gaano ito ka sweet bilang nobyo.

Halos tatlumpung minuto pa silang bumiyahe bago sila makarating sa subdivision kung saan sila nakatira. Sa tapat na lang ng gate niya ipinaparada ang kay Chase ang kotse niya dahil ipapagamit din naman niya iyon sa driver nila para ihatid ang nobyo.  

“Come on, Chase. Ipapakilala kita kay Yaya,” excited na wika ni Cheska. Magkahawak kamay sila ni Chase na pumasok sa bahay nila. Siguradong mabibigla ang Yaya niya kapag nakita nito si Chase. Iyon kasi ang unang pagkakataon na magdadala siya ng nobyo sa bahay nila.

Ipinangako niya kasi sa sarili niya na magdadala lang siya ng lalaki sa bahay nila kapag sigurado na siya na ang lalaking iyon ang gusto niyang makasama habambuhay.

Kahit sandali pa lang ang relasyon nila ni Chase, sigurado na siya sa lalaki. Her love for him was deep and different from her other relationship before. She was more than one hundred percent sure that it was Chase whom she wanted to spend her whole life with.

“Oh my Gosh, Cheska!”

Hindi ang Yaya niya ang unang sumalubong sa kanya kundi ang pinsang si Ivana. Nakabalik na pala ito galing ng Davao.

Mabilis na nilapitan siya ng pinsan.

“Damn girl! Where have you been? At bakit may kasama kang lalaki?” Lumipat ang tingin nito kay Chase pagkatapos ay namilog ang mga mata. “Oh! I know this guy! Mr. Police Officer! Ikaw nga.” Nag-aalalang binalingan siya ng pinsan. “Don't tell me kaya ka ilang araw nawala ay dahil nakulong ka?”

Umiling siya at ngumiti sa kaharap. “Ivana, boyfriend ko na si Chase.” Itaas niya ang magkahawak na kamay nila ng nobyo.

Laglag panga ang reaksiyon ng pinsan. “Are you kidding me, couz?”

Natawa siya sa reaksiyon nito. Naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang kabigla ang pinsan niya. Naalala pa niya kung paano niya halos isumpa si Chase sa harap ni Ivana at ngayon ay bigla niyang ipapakilala rito na nobyo na niya ang lalaki.

“Chase.” Bumaling siya sa nobyo. “This is my cousin, Ivana. Couz, this is Chase, my boyfriend.”

Inilahad ni Chase ang isang palad sa pinsan niya. “Nice to meet you, Ivana.”

Tinanggap ng pinsan ang kamay ni Chase. “Same here, Chase. I'm sorry. Nakakabigla naman kasi itong si Cheska.” Sa wakas ay nagawa nang ngumiti ni Ivana. Mukhang sa pagkakataong iyon ay nakabawi na ang pinsan. “So, can I ask how did you end up with each other?” nakangiting tanong nito kay Chase. “Ikaw ba ang kasama ng pinsan ko nitong mga nakaraang araw? Saan kayo nagpunta?”

“Ivana, puwedeng ako na lang ang tanungin mo mamaya?” aniya sa pinsan. “Nasaan nga pala si Yaya?”

“Yaya Delia!” Malakas na sigaw ni Ivana. “Nandito na si Cheska! May kasama po siyang boyfriend!”

Danger in Love (Published under PHR/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon