“COME on, Ivana. Bottoms up!”
Nakangising udyok ni Cheska sa pinsang si Ivana matapos niyang inabot rito ang isang baso ng alak.
Balewalang tinawanan siya ni Ivana bago nito inisang lagok ang laman ng baso. “Whew! Na-miss ko ito, Ches!” hiyaw ni Ivana sabay taas ng basong wala ng laman. “I miss you, my favorite cousin.” Tumalon si Ivana at niyakap siya.
Tatawa-tawang ginantihan niya ng yakap ang pinsan. “I miss you, too, Ivana. Hindi masaya ang night life ko kapag wala ka.”
Pinsan ni Cheska si Ivana sa side ng mommy niya. Sa lahat ng pinsan niya, si Ivana ang pinakamalapit sa kanya. Bukod sa magkaedad sila ng babae, pareho rin sila ng mga hilig sa buhay. Kung tutuusin ay para na ngang magkapatid ang samahan nilang dalawa.
Kaya naman sobrang na-miss niya ang pinsan nang isang taon itong mawala ng bansa para mag-aral ng filming and photography sa London.
Kahapon lang dumating ang pinsan at kahit may jetlag, hindi ito tumutol sa kanya nang dalhin niya ito sa bar. Paborito nilang hang out place ng pinsan ang bar.
Hinila niya ang pinsan sa isang bakanteng couch. “So, how's your life in London, Ivana? Ilang guwapong Briton ang nakilala mo, ha?” excited na tanong niya sa pinsan.
Noong mga panahong nasa London ang pinsan ay madalang silang makapag-usap. Alam niya kung gaano kahalaga kay Ivana ang pag-aaral nito ng photography doon kaya hindi niya inabala ang pinsan.
“Ay, marami, Cheska!” nakangising sagot nito. “Dapat nga, ipag-uuwi kita ng isa, kung hindi ko lang naalala na baka harangin ako ng immigration!”
Humalakhak siya sa sinabi ng pinsan. “But kidding aside, couz,” aniya rito nang mapawi ang tawa niya. “Wala ka bang naging boyfriend sa London?”
Nagkibit-balikat ito at umiling. “Wala. Kahit maraming guwapong Briton doon, mas gusto ko pa rin ang Pinoy.”
Nanunuksong pinagtaasan niya ito ng kilay. “Baka naman kasi hanggang ngayon, hindi ka pa nakaka move on kay Mike?”
Si Mike ang first boyfriend ni Ivana. High school sila nang maging nobyo ni Ivana si Mike. Halos dalawang taon ang itinagal ng relasyon ng mga ito hanggang sa makipaghiwalay si Mike sa pinsan niya sa mismong araw ng high school graduation nila.
Simula noon ay hindi na muli pang nagkaroon ng nobyo si Ivana. Nag-e-entertain naman ito ng mga lalaki at nakikipagdate rin subalit hindi ito nagko-commit sa isang relasyon.
“God! Cheska? Ano ba'ng klaseng tanong iyan?” Pagak na tumawa si Ivana. “Syempre, naka-move na ako. Ang tagal na noon!”
Pasimple niyang tinitigan si Ivana. Kahit na malapit sila ng pinsan sa isa't-isa, may mga pagkakataon pa rin na nararamdaman niya na naglilihim sa kanya si Ivana. Lalo na pagdating sa totoong nararamdaman nito kay Mike. Ramdam naman niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa puso nito ang dating nobyo. Hindi lang niya magawang pilitin ang pinsan na umamin sa kanya dahil naisip rin niya na marahil, maging sa sarili nito ay hindi nito maamin ang totoong nararamdaman.
“How 'bout you, Ches? Kayo pa rin ba ni Harvey?” kapagkuwa'y tanong ng pinsan sa kanya.
“No. Break na kami. Almost two months ago pa,” kaswal na sagot niya rito.
Si Harvey ang kasalukuyang boyfriend ni Cheska bago umalis si Ivana ng bansa.
Umangat ang kilay nito. “Bakit kayo nag-break?”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi na kami magkasundo. So, I decided to end up our relationshit...”
Unlike Ivana, Cheska never had a serious relationship before. Sa edad na beinte tres ay lima na ang nagiging nobyo niya, subalit ni isa man sa limang iyon ay walang umabot ng isang taon sa kanya.
Si Harvey ang pinakamatagal niyang naging nobyo. Umabat ng anim na buwan ang relasyon nila ng lalaki. Subalit kalaunan ay naghiwalay din sila dahil habang tumatagal ay hindi na sila magkasundo.
Halos ganoon din ang dahilan kung bakit maagang nauwi sa hiwalayan ang relasyon niya sa apat pang naging nobyo.
Sa una ay wala naman siyang nagiging problema sa mga lalaking idinedate niya. Subalit kapag naging nobyo na niya ang mga ito, doon na nagsisimulang manghimasok ang mga ito sa buhay niya.
At iyon ang pinakaayaw niya sa isang lalaki. Iyong nanghihimasok at nakikialam sa buhay niya. Kaya bago pa mauwi sa matinding pagtatalo ang lahat, nakikipaghiwalay na siya sa mga ito. Hindi niya kailangan ng boyfriend na daig pa ang mga magulang niya kung makaasta sa kanya. Kung ang mga magulang nga niya ay hinahayaan siyang gawin ang mga gusto niya, ano ang karapatan ng isang lalaki para panghimasukan ang buhay niya?
“So, wala kang boyfriend ngayon?” tanong ni Ivana.
Umiling siya. “Nah. Ayoko muna. I'm enjoying my little freedom here. No boyfriend. No headaches.”
Bumaling siya sa waiter at nag-order ng drinks at nachos.
“Speaking of 'freedom', hanggang kailan mo ba bibitawan iyang freedom mo para magtrabaho sa hotel niyo?”
Her family owned the biggest share of stocks of the Empire Hotel, one of the biggest five star hotel in the country.
Sa kasalukuyan ay ang daddy niya ang tumatayong Chief Executive Officer ng hotel. At dahil siya lang ang nag-iisang anak ng mga magulang niya, siya ang inaasahang sumalo sa posisyong hawak ng ama sa hinaharap. Wala siyang nagawa kundi pagbigyan ang mga magulang niya na Hotel and Restaurant Management ang kursong kuhanin niya sa kolehiyo. Subalit nang makatapos siya ng kolehiyo ay may hiningi siyang kapalit sa mga magulang. Sinabi niya sa daddy niya na magtatrabaho lang siya sa hotel nila kapag handa na siya sa pressure at responsibilidad na naghihintay sa kanya. Pinagbigyan naman siya ng mga magulang niya.
Bumuntong-hininga siya bago nagkibit-balikat. “Maybe next year? I don't know. Hindi pa ako ready para magtrabaho sa hotel, Ivana...”
BINABASA MO ANG
Danger in Love (Published under PHR/Unedited Version)
RomantizmPublished under Precious Hearts Romances