Cheska's POV
"Tumigil ka na lang muna ngayon sa pagtatrabaho"si Pat habang inaayos ko ang necktie nya
Nagulat naman ako kaya napasikip ang gawa ko sa tie nya.Napaubo sya.
"Sorry!"taranta kong sabi habang niluluwagan ang tie nya"Ano kasi nagulat lang ako.Bakit mo naman ako patitigilin?"ayan ayos na
"Syempre kelangan mong magpahinga para sa anak natin"simple nyang sagot
Kinuha ko ang bag nya at inabot sa kanya"Mag-6 months pa lang naman eh.Atsaka kaya ko pa,at mababagot lang ako dito"
"Cheska,gawin mo na lang.Akala ko ba gagawin mo lahat ng gusto ko?"
Napabuntong-hininga naman ako,nangako kasi ako na gagawin ko ang lahat ng gusto nya sumama lang sya saken...at may isa pa akong pinangako which I think na nagpa oo sa kanya.
"Okay,pero iintayin ko na lang muna ang swelduhan"wala sa puso kong sabi
Ngumiti naman sya"Tara na?"nginitian ko na lang din sya kahit ayoko sa gusto nya
Hindi pa naman pasok ako sa maternity leave.Hindi rin ako pwedeng mag- indefinite kasi hindi yun tinatanggap sa company. So ibig sabihin magreresign na ko?
At pag nagresign ako hindi ko na sya makakasama sa trabaho.Which also means sila na lagi ni Aia ang magkasama.Which can lead to...no!Nangako sya at alam nya ang gagawin ko pag iniwan nya ko.
Sigurado naman akong hindi nya yun gagawin.Gusto nya lang talagang masigurong magiging healthy ang baby namin.Tama,ganun na nga.
"Una ka na,magccr na muna ko"paalam ko sa kanya nang makaakyat na kami sa floor namin
"Okay"at humiwalay na sya
Geez,ang hirap lang sa buntis ihi ng ihi.Tapos laging gutom.Kaya nga yung drawer ko sa cube ko puno ng pagkain.Haist,nananaba na rin ako.
Humarap ako sa salamin sa cr.Ang taba ko na.Medyo matambok na pisngi ko at medyo namamanas na rin ako.Haist,I feel so ugly.
But syempre for my kid okay lang.:)
"Checking yourself kung meron ng dahilan si Pat to leave you?"si Eunice habang nagreretouch
Sasamaan ko sana sya ng tingin but I did the opposite 'coz I smiled at her"No,tinitingnan ko lang ang result ng pagsasama namin ni Pat"papasok na sana ako sa cubicle pero pinigil nya ko
"What's up with the two of you?Share your blessings lang ang peg?"ngumisi sya
Is she insulting me?"Hindi,nagpakacivilized lang kami.At isa pa,ano bang pake mo sa trip namin?Mind your own business"hinila ko ang braso ko sa kanya
"Okay"at tinalikuran na nya ko at nagretouch na ulit
Akala ko makakaihi na ko pero di pa rin pala kasi may pahabol pa sya"You know what,I'm not an enemy.At say ko lang girl,kung wala na talagang balak si Aia na bawiin si Pat sa'yo.Then dapat iannul na nila ang marriage nila,right?But..ah never mind.Sige ah,alis na ko.Goodluck sa trip nyo"she patted my shoulder and left me there thinking
Bakit nga ba hindi pa sila nagpapaannul?
"Uhh"hindi ko alam kung pano ko sisimulan to
"May problema ka ba?"kunot-noo nyang tanong
"Ahm,ano kasi.Promise me di ka magagalit"paghingi ko ng assurance
Mas lalo namang kumunot ang noo nya"Ano ba kasi yun?"
"Iih!Magpromise ka muna!"
Napabuntung-hininga naman sya"Okay,promise.Now,ano yun?"
BINABASA MO ANG
The Betrayed Wife's Revenge (Complete)
ChickLitIn a heart full of anger, can love still find its way?