Zanaia's POV
"Oh,kompleto na ba lahat?"tanong ko sa kanya
"Oo,diba kagabi pa lang naayos mo na lahat?"
"Ah,oo nga pala.hehe"
Niyakap nya ko at hinalikan sa pisngi.
"Napakamaalaga talaga ng asawa ko.Ayaw na may malilimutan ako"
Humarap ako sa kanya,nakaback hug kasi sya eh.Kinurot ko ang pisngi nya
"Syempre,yun ang tungkulin ko eh.Ang alagaan ka"
Pinisil nya ilong ko
"Ikaw naman ang aga-aga pinapakilig mo ko.Oh sya,aalis na ko at baka tanghaliin at maiwan pa ko"
"Psh,hindi naman kita pinapakilig eh,nagsasabi lang ng totoo.Oh sige,ingat ka dun ah.Pag nalaman kong tumingin ka sa iba,nakuu!dudukitin ko talaga yang mga mata mo!"
Natawa naman sya
"Kaya mo?"
"Syempre naman!Kaya subukan mo lang.Talaga namang"
Natawa ulit sya at niyakap ako ng mas mahigpit
"Napakasadista naman ng asawa ko pero di bale na,mahal ko naman"
At tulad ng dati ay kinilig nanaman ako.Kaiinis!Nananakot pa ko eh!>3
"Sige na!Umalis ka na at baka maiwan ka na.Say hi to besty for me,okay?"
Isinakbit na nya ang bag nya
"Okay.Ingat ka ok?Talaga bang di ka na magapapasama kina Mama?"
Umiling ako at sumabay sa paglakad nya.Huminto kami sa may pinto.
"Di na.Kaya ko na naman eh.I'll just lock the doors and windows nalang para sure"
Binuksan na nya ang pinto at lumabas na kami.
"Sige,ingat ka ok?"
At kiniss na nya ko sa labi
"Ingat ka rin"
Yun lang at lumabas na sya ng gate.Pero bago sya tuluyang maglakad ay kumaway pa sya na sinuklian ko rin ng pagkaway.
Inihatid ko nalang sya sa tingin hanggang sa makaliko na sya sa kanto.
Hayyy,2 days din sila dun.Mamimiss ko sya.
Oa ba?Ganun naman siguro talaga pag mahal mo ang isang tao diba?Ilang oras palang mamimiss mo na sya agad,eh ano pa kaya pag araw na diba?
Di na sya nakapagpaalam kay Anika kasi 5am palang at tulog pa sya.Tiyak maghahanap yun mamaya,explain ko nalang siguro.
I heave a sigh but smiled.I should welcome the day with a smile para hello good vibes.
Okay!Smile Aia.
Magsisimula nalang ako ng daily routine ko,linis bahay,gawa ng desserts, alaga kay Anika at deliver ng mga ginawa ko.
I'll keep myself busy nalang para di ko sya masyado mamiss.
Okay,start na ko.Aja!
Han's POV
"Oh,pare nadito ka na pala"sabi ni Mike na katrabaho ko
Tumango naman ako at inilibot ang tingin ko
"Sino pang kulang?"tanong ko
"Sina Maggie at Cheska nalang"
Muli ay tumango ako
"Sakay na tayo sa bus.Dun nalang tayo maghintay"sabi ni Angel na katrabaho ko din
"Sige"sang-ayon ng mga kasama namin
Syempre hindi naman ako nagpaiwan.Alangan namang mag-intay ako dito habang yung mga kasama ko nasa bus na diba?
Pag upo ko palang ay tumunog na agad ang phone ko.May nagtext.
Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino.
1 message received >>>Marie Bebs ko
Si Marie pala.Awtomatiko naman akong napangiti at binuksan ko na nga ang text nya
From Marie Bebs ko:
Hi Beb!Nandyan ka na ba?Aalis na ba kayo?Ingat ka okay?I love kita! ^_^
Ang cute talaga nyang magtext,laging may smileys.Makapagreply nga
To Marie Bebs ko:
Nadito na ko.Di pa kami kompleto.Ingat ka din dyan at syempre mas I love kita!
Sending...
Message sent...
Bumukas naman ang pinto ng bus at pumasok dun ang dalawang babae,si Maggie at Cheska na pala
"Oh,kompleto na ba tayo?"tanong ng manager ng dept. namin
"Yes sir!Alis na tayo!Excited na ko eh,ligong ligo na ko!"biro ni Brent,ang joker
Natawa naman kami
"Oh sige,tara na nga at baka mangamoy ka na"sakay niya sa biro nito
Tiningnan ko ulit ang phone ko kung may message pero wala.Siguro naglilinis na yun ng bahay.Maitext na nga lang sya na aalis na kami
To Marie Bebs ko:
Beb,alis na kami.Love you
Message sent
At itinago ko na ito sa bag ko.
Tiningnan ko ang mga kasama ko,ang iba ay natutulog ang iba naman ay nagkwekwentuhan.
Ako?Makatulog na rin nga,tulog din naman tong katabi ko.
Nagtaklob ako ng towel sa mukha ko saka pumikit.
Mahaba pa naman ang byahe,sulit ang tulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/25254218-288-k803854.jpg)
BINABASA MO ANG
The Betrayed Wife's Revenge (Complete)
Chick-LitIn a heart full of anger, can love still find its way?