Chapter 28

10.3K 120 6
                                    

Aia's POV

"Beb"si Hans sabay halik sa pisngi ko

Kakadating lang nya at 11pm na...Gusto ko sana syang ngitian kaso hindi ko magawa.Feeling ko ang bigat ng mga labi ko at hindi ko manlang maitaas...

Kaya naman tumango nalang ako at nagpunta na sa dining area.Isinalang ko nalang sa microwave yung ulam para naman uminit.

Naramdaman ko naman ang marahan nyang pagyakap mula sa likuran ko pati na rin ang masuyo nyang paghalik sa ulo ko.Umubob sya sa ulunan ko.Nanatili lang kaming ganun hanggang sa matapos na ang timer ng microwave.

Dadalhin ko na sana yung ulam sa lamesa kaso hindi naman ako makagalaw.

"Beb,ipod ka.Ihahanda ko pa tong hapunan mo"mahina kong sabi

Hinawakan naman nya yung lalagyan at ibinaba.Tapos saka nya ko iniharap sa kanya.Tinitigan nya ko sa mga mata.Ewan ko pero habang nakatitig ako sa mga mata nya parang...parang may kung anong bumabagabag sa kanya...

Dahil dun parang gusto ko nang umiyak.Naramdaman ko naman ang pagpunas nya sa pisngi ko

Umiiyak ako?

"Galit ka ba?"putol nya sa katahimikan

"May dahilan ba ko para magalit?"pigil luha kong sabi

After ilang seconds umiling sya ng sunud-sunod tapos ay pinagdikit nya ang mga noo namin.

"S-sorry kung ginabi ako ng uwi..."alam kong may karugtong pa yun kaya hindi ako nagsalita"M-may tinapos pa kasi akong trabaho.Kailangan na daw bukas,sorry kung hindi ko natupad yung sinabi ko kanina.Hindi ko rin naman alam na ganun ang mangyayari"paliwanag nya

Pumikit naman ako saka huminga ng malalim.At pag mulat ko ng mga mata ko ay nagpilit ako ng ngiti.

Anong magagawa ko?Trabaho yun eh,intindihin ko nalang,isip ko

"Okay lang.Sige na,kain ka na"pilit kong pinasisigla ang boses ko

Pero di sya gumalaw,nakatitig lang sya

"Tara na"hila ko sa kanya

"Salo tayo"sabi nya saka umupo tapos tinapik pa nya ang hita nya

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya

"Kandong ka sakin"hindi na nya ko inintay pang magsalita dahil hinila na nya ko

"Ahh!Ang bigat na ng Beb ko!"masaya nyang sabi

Gusto ko sanang makipagbiruan kaso di ko talaga magawa eh

"Anong problema?"yumuko naman ako pero itinaas din nya ang mukha ko para makita nya ito

"Wala"

"Alam kong meron,sige na Beb.Sabihin mo na ayokong nakikita kang ganyan"

"Wala nga,inaantok na kasi ako kaya tara na kain na tayo"umalis ako sa pagkakakalong sa kanya at umupo sa katabi nyang upuan

Hinawakan naman nya ang kamay ko saka pinisil"Mahal kita,ikaw lang at wala ng iba.Tandaan mo yan Marie"

Hindi ko alam kung bakit pero hinila ko ang kamay ko at nagsimula nang kumain"Kain ka na"

Hindi na naman sya nagsalita pa imbes ay huminga sya ng malalim at nagsimula na ring kumain.

May tiwala naman ako sa mga sinasabi nya eh.Mahal ko sya at nararamdaman kong mahal nya rin ako.Pero habang tumatagal parang may kung anong harang ang pilit na pumapagitan samin...

Alam ko namang kung sino man ang nagtext sakin ay sinusubukan lang na buwagin kami.At alam kong dapat akong magpakatatag.Kasama to sa buhay mag-asawa,kasama rito ang magkaroon ng pakiramdam na parang may kulang or may mali.

Pagsubok lamang samin to.At kailangan kong magpakatatag hindi lang para sa aming dalawa kundi pati na rin sa anak namin.

Sana lang...

Makaya ko...

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

A/N:

Hi!^___^ Oh ano?Pwede na ba ganitong kahaba?hahaha

Pasagot naman please...nag-iimprove po ba ang bawat update ko?nag-eenjoy ba kayo sa pagbabasa?

Pabasa na rin naman nung When Destiny Plays(My First Love is My Worst Enemy) ko kung pwede...

Puhlleeaasee! (T/\T)

Arjenniel,with love

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon