Aia's POV
Boogsh!!
Napatigil ako sa pagbabasa ko ng mga report ng biglang may bumagsak sa lamesa ko.Tinignan ko iyon at nakitang mga folder iyon na may mga papel.
Napataas naman ang kilay ko at itinaas ang paningin ko.At kung may itataas pa ang kilay ko ay siguro nangyari na.
"You know what you did is soo unrespectful"sabi ko sabay sandal sa aking swivel chair at laro sa ballpen ko
"At ikaw naman inaabuso mo ang pwesto mo"sya sabay cross arms
"Would you mind enlightening me?"pang-asar akong ngumiti sabay patong ng dalawa kong siko sa lamesa
"Well ganto lang naman kasi yon.Akala mo siguro hindi ko mapapansin no?Well di ako ganung katanga,alam ko namang ipinapapasa mo saken ang halos lahat ng trabaho ng mga katrabaho ko para pahirapan ako.Tama ako diba?"her habang iwinawasiwas ang kamay nya sa ere
"Why would I do that?Bakit naman kita papahirapan?May dahilan ba ko?At diba part naman ng trabaho ang mga ginagawa mo?"sabi ko na hindi pa rin nawawala ang ngisi
"Alam mo sa ginagawa mong to mas lalo mo lang pinapakita kung gaano ka desperate na mapahirapan ako?Bakit,akala mo ba ibibigay ko ulit sa'yo ang asawa mo kung papahirapan mo ko?Well I'm sorry to say pero hindi yun mangyayari"this time ngumisi na rin sya
Is she provoking me?Sorry pero hindi nya makukuha ang gusto nya.Instead na ipakita kong naiinis ako or what ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.
"Alam mo rin ba na sa inaasal mo ngayon napaghahalatang natetreathen ka saken?At isa pa,wag mong idamay dito ang mga personal na issues natin dito act professional Ms. Cuevas,act professional. At ipapaalala ko lang ulit sa'yo to,hindi sya sa'yo.I still have his name,nakatali pa rin sya saken at alam naman natin kung bakit ka lang nya pinagtitiisan diba?Kasi...he accidentally got you pregnant"
And there I hit her,Bullseye! Nangagalaiti nyang ibinagsak ang dalawa nyang kamay sa lamesa ko at tinignan ako ng masama pero hindi ko ineexpect na makakarecover agad sya kasi ngumisi sya.
"Well ng dahil sa accident na yon napasaken sya.At wag mo na ring pangaraping mapapasayo pa ulit sya.Wala na naman syang dahilan hindi ba?"sabi nya sabay tayo ng tuwid at haplos sa tyan nya
Naintindihan ko ang ibig nyang sabihin at bumugso ang napakaraming damdamin sa loob ko pero pinigil ko iyon.Ayokong ipakitang nasaktan ako sa sinabi nya.
Annika...bulong ng utak ko
Gusto kong umiyak pero pinipigil ko iyon.Tinapangan ko ang loob ko at ginawang mas mapang-asar ang ngiti ko.
"Don't be so confident about that,hindi rin natin masasasabi.Malay natin the next day or another mawala na yang alas mo.Alam mo may napansin lang ako sa'yo"tumayo ako at naglakad ng paikot sa kanya
Yung bang parang ineexamine ko sya?
"You know you bloated a bit.Matakot ka baka maghanap ng iba yang sinasabi mong sa'yo na.Pero wag kang mag-alala,I'm here naman with my both arms opened widely to embrace him and give him his needs"bulong ko sa kanya ng last sentence ko
Naglakad na naman ako papuntang pintuan at binuksan iyon"We had enough talk Ms. Cuevas.We still have work to do"sabi ko sabay muwestra na lumabas na sya
She looked at me nervously and venomly.Well, that's great to see.Gives me the satisfaction... A bit..
Naglakad na naman sya papunta sa gawi ko at lalabas na sana pero nagsalita pa ko making her halt.
BINABASA MO ANG
The Betrayed Wife's Revenge (Complete)
Literatura FemininaIn a heart full of anger, can love still find its way?