Chapter18

10.7K 128 10
                                    

Hans' POV

"Pare,uuna na ko"paalam ko sa mga kasama ko

Nag-iinuman kasi kami kanina,susulitin na daw nila ang huling araw namin dito.

Nakainom na rin naman ako pero umayaw na agad ako kasi ayoko namang magkahang-over bukas.

"Oy Patrick!Wag kang madaya!"si Megan

Nginitian ko naman sya"Kayo nalang,baka mahang-over pa ko bukas"

"Yaan mo na Megs,nadito naman ako"sabi ni Mike na may kasama pang kindat

"Tigilan mo ko ah,baka samain ka saken"sagot ni Megan na may kasamang aro ng suntok

"Yan ang gusto ko sa'yo eh,sadista"pang-uukit pa ni Mike

Naiiling nalang akong umalis sa grupo.Kahit kelan talaga pag ang dalawang yan ang nagkasagutan imbes na maasar at awatin mo sila ay mas gugustuhin mo nalang na panoorin sila.Yung girls ang sabi nila nakakakilig daw yun samen naman nakakatawa ang tawag.

"Patrick"sabi ng mahinang boses

Nandito na ko sa pathway papunta sa kwarto ko at medyo madilim dito.

Napatigil naman ako at napatingin sa paligid.Wala naman tao.Ano yun,minumulto ako?

Maglalakad na sana ulit ako nang marinig ko ulit ang pagtawag saken but this time nagpakita na sya.

Nakatago pala sya dun sa may kabilang side ng haligi kaya di ko kagad sya nakita.

Tatalikuran ko na sana sya dahil ayoko syang makausap pero ewan ko kasi parang si Flash sya sa bilis yumakap saken.

"Patrick,wag mo naman akong iwasan oh.Maawa ka naman saken"sabi nya gamit ang naiiyak na boses

Kinalas ko ang yakap nya na may kahigpitan din

"Cheska ano ba?Pinili mo yan kaya bahala ka sa buhay mo.Alam mong pamilyado akong tao,at alam mo rin na best friend mo ang asawa ko pero ano?Ginawa mo yun!Okay naman tayo eh,tanggap kita bilang isang kaibigan.Pero hindi yung klase na friends with benefits"tumalikod na ulit ako pero ang kulit lang dahil niyakap nya ulit ako

At katulad kanina ay kinalas ko iyon pero hindi katulad kanina ay medyo dinahasan ko na.

Narinig ko naman ang pagdaing nya pero di ako nakaramdam ng guilt.At unti-unti narinig ko na ang mahihina nyang hikbi

"Mahal kita Patrick,totoo yun.Sorry,sorry kung di ko nagawang burahin ang nararamdaman ko sa'yo.I tried Pat,but it just worsen,lalo lang akong nahulog sa'yo.Please Pat,let me love you.Let me make you see it,please"sabi nya habang nakaplease form ang palms nya

Sobra na rin ang nagiging iyak nya.Nakikita ko iyon mula sa katiting na liwanag.

"Nababaliw ka na ba talaga?Bakit kita hahayaan sa gusto mo?Cheska hindi ako katulad ng ibang lalake dyan na ayos lang sa kanilang lokohin ang mga asawa nila.Sobrang mahal ko ang asawa ko,na best friend mo,kaya please lang.Tigilan mo na tong kabaliwan mo"madiin kong sabi sabay talikod sa kanya

Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko.At nang makarating doon ay agad akong pumasok.Pero bago ko pa man iyon masarhan ay iniharang agad niya ang kalahati ng katawan niya.

"Umalis ka"mahinahon kong sabi pero mababakas mo don ang pagbabanta

"I won't Pat,I won't until I get what I want"matigas nyang sabi

"Wag mo kong sisihin pag nasakatan ka"

Itutulak ko na san ang pinto pero nilabanan nya iyon.

Masasarhan ko na sana ng tuluyan kaya lang nawala ako sa konsentrasyon ng biglang tumunog ang phone ko na dahilan para makapasok sya.

"Lumabas ka"sabi ko

Hindi nya ko pinakinggan dahil nagtuloy lang sya sa kama at kinuha sa drawer ang phone ko.

"Uy,tumatawag si Besty.Sasagutin ko na ba?"nakakaloko nyang sabi

"Akina yan"sabi ko sabay lahad ng kamay ko

"Eh di kunin mo"sabi nya sabay taas niyon

Hindi naman ako gumalawa sa kinatatayuan ko.

"Ano na?Sige ka,titigil na tong tawag"sabi pa nya

And without thinking I ran and tried to get my phone.

Pero sa tingin ko ay isa iyong maling kilos dahil iniilag niya ito at hinila ako sa damit dahilan para mapahiga ako sa kanya.

"I told you I'll do everything just to have you"pagkasabi niya noon ay siniil na niya ako ng halik

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon