Aia's POV
"Grabe ang nangyaring to kay Anika.Parang ang sobra naman,napakabait nyang bata.Hindi nararapat sa kanya ang gantong klase ng....pangyayari"pasimpleng siniko ni Ate Mayeh si Ate Tan-gi
Nandito kami sa bahay,3 tatlong gabi na syang nakaburol at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang makapaniwala na wala na sya.
Parang kanina lang nandito pa sya at nakikipagkulitan saken tapos nalingat lang ako saglit at ito na,mawawala na sya saken habang buhay.
Hinayaan ko lamang maglandas ang mga luha ko.Nakakatawa lang kasi mula nang mangyari to sa kanya ay wala ng tigil sa pagtulo ng mga luha ko.Grabe,parang walang kaubusan ang stock ng luha ko.
"Aia tama na,mas ayos na to kesa naman nandito nga sya pero sobra naman syang naghihirap at nasasaktan.At isa pa,kasama na nya sa taas ang Diyos"sabi ni Mama Neth habang nakahawak sa kaliwang balikat ko
Mas lalo namang bumulwak ang luha ko.Napayakap ako sa malamig nyang kabaong.
"Anika,patawarin mo ko.Patawarin mo kung napabayaan ka ni Mommy.Patawarin mo ko"hingi ko ng tawad
Sunud-sunod naman ang naging pag-alo nilang tatlo sa akin pero di ko pa rin magawang kumalma.Nanatili lamang akong nakayakap sa kabaong nya.Pinagkasya ko na lamang ang sarili ko sa ganito habang nakatitig sa payapang mukha nya.
"Ang anak ko,napakatagal kong inalagaan at minahal.Pero ito lang pala ang mangyayari sa kanya.Wala na sya,wala na ang malambing kong anak.Ang nagkakaisang nagmamahal sakin ng totoo"mahina kong sabi
Mula sa salamin ay tinrace ko ang kanyang mukha.Ang mukha nyang to,hindi ko na muling mahahawakan.Ang buhok nya,hindi ko na muling masusuklay.Ang mga ngiti nya,hindi ko na muling mkikita.Ang mga tawa at boses nya,hindi ko na muling maririnig.Ang yakap nya,hindi ko na muling madadama.
Wala na,sa alaala ko na lamang makikita,mararamdaman at maririnig ang mga ito.Wala na sya,wala na.
"Ahm,Aia ang asawa mo ba?Dumalaw na ba sya dito?"nag-aalangang tanong ni Ate Mayeh
Mas lalo naman akong nakaramdam ng lungkot pero may kalakip na galit.Pero kung tutuusin ay mas lamang ang lungkot.Aaminin kong galit ako sa kanya at ayokong makita sya pero umaasa pa rin ako na pupunta sya dito hindi para makipag-ayos kundi para lamang silipin ang anak nya.Pero hindi eh,ni anino nya ay hindi man lang umapak sa bahay.
Kung ganun,ayos lang.Hindi sya kawalan.Hindi ko sya kailangan.
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at tumingin ng may galit sa mga mata"Dalawang gabi ko syang hinintay dito,pero ano?Hindi sya nagpakita.Hindi ko iniintay ang pagpunta nya dito para saken kundi para sa anak namen.Pero mukhang hanggang salita lamang sya.Ayos lang,magsama sila ng malandi nyang kabet"napakuyom ang kamao ko
"Oo nga!Naku Aia,kung ako ikaw.Hihintayin ko lang na maihatid sa huling hantungan ang anak ko susugudin ko na ang mga taksil na yun!Ang kakapal ng mga mukha nila,ako na halos mamatay na dito tapos sila nandun nagpapakasaya.Hindi ko hahayaan yun no!"gigil na sabi ni Ate Mayeh
"Mayeh,tumigil ka nga"saway ni Mama Neth
"Tama naman po sya Ate Neth,hindi naman pwedeng ako lang ang masaktan.Kung ako lang ang masusunod maghihiganti ako eh,ipaparamdam ko sa kanila ang higit na kalungkutan at paghihirap"si Ate Tan-gi
Tahimik lamang akong nakinig sa mga naging pagtatalo nila tungkol sa paghihiganti.Nagtatalo ang isip ko tungkol sa usapan nila,may part saken na gustong gawin yun pero may part pa rin na ayaw dahil alam kong mali yon.
Napatigil naman ako sa pag-iisip ng bigla silang tumahimik lahat.Pagtingin ko sa mga kausap ko kanina ay mga nakatingin sila sa may pintuan at nakanganga.Dahil na rin curiosity ay timingin na rin ako.At katulad nila ay napanganga rin ako.Nandito sya,nandito nga sya.Nakasuot sya ng itim na pantalon at puting polo.Malungkot ang kanyang mukha.Dahan-dahan syang lumapit at humawak sa kabaong ng anak namin.Tahimik lamang akong nagmasid,hinahayaan sya dahil karapatan pa rin nya ito.
BINABASA MO ANG
The Betrayed Wife's Revenge (Complete)
أدب نسائيIn a heart full of anger, can love still find its way?