Aia's POV
"I love you"at unti-unti nyang inilapit ang mukha nya saken at unti-unti ko ding ipinikit ang aking mga mata
And our lips met and it feels so magical...
Napahawak ako sa labi ko ng maalala ko ang scene na iyon kagabi.Napangiti din ako dahil doon.Para ngang hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang mga labi nya saken eh.
Ewan ko kung bakit pero nagbibigay saken yun ng kakaibang pakiramdam.Ano ba yan,lakas makafeeling teenager!
"Marie"napapitlag ako sa biglang pagsasalita ni Hans mula sa likuran ko
Agad ko namang itinuloy ang paghihiwa ng mga sangkap ng lulutuin ko"Uh,bakit?"pakalmado kong sabi
Hinarap ko sya ng nakangiti...
"San ka nanggaling kagabi?Di na tayo nagkausap kagabi.Ni hindi mo na rin ako ginising sa pagkakatulog ko sa sofa"medyo inis nyang sabi
"Sorry,di na kita ginising kasi baka kako pagod ka sa paghahanap ng trabaho.So,ahm ano,anong balita?"tinalikuran ko ulit sya at pinagpatuloy ang ginagawa ko
"Wala pa nga rin eh pero mamaya maghahanap ulit ako.Eh san ka nga nanggaling kagabi?"alam ko na ang isasagot sa kanya
Napagplanuhan ko na to eh,,,
Hindi kaagad ako sumagot,tinapos ko muna ang paggagayat ng hotdog"Uh,napadaan kasi ako sa tindahan kagabi tapos nakita ko si Ate Mayeh.Ayun,palibhasa matagal na kaming di nagkikita kaya ang loka di ako pinaalis at nakipagchikahan muna"masigla kong sabi
Di ko na tinignan ang reaksyon nya,alam ko kasing mas maghihinala sya kapag ginawa ko pa yun.Isinalang ko na yung sliced hotdogs sa kawaling may mantika...
"Sana nagtext ka man lang saken para naman hindi na ko nag-alala pa"kumuha na sya ng mga plato at inilagay sa lamesa
"Sorry,nag-enjoy kasi ako kaya di ko na naisip.Ay!Kumain ka ba pala kagabi?"concerned kong tanong
Umiling naman sya"Sorry talaga beb.Sana kumain ka na mag-isa"at niyakap ko sya
"Okay lang,basta ang mahalaga saken eh nasigurado ko nang okay ka"at ngumiti sya saken
Nginitian ko din sya at hahalikan nya sana ako sa labi pero iniiwas ko iyon at sa pisngi ko na lamang sya pinahalik.
"Wait,ilalagay ko na tong rice kagabi.Kaya pala ang dami"at inilagay ko na ang rice kasama ang hotdogs
"Sa susunod,pag gabi na at wala pa ko kumain ka na ah?"sabi ko nang makaupo ako
"Bakit,mauulit pa ba ang katulad ng kagabi?"kunot-noo nyang sabi
"Malay natin,Beb di natin hawak ang mga mangyayari"at nagsimula na akong kumain
"So ibig sabihin maaari pa nga yung maulit"sabi pa nya
"Beb,kain na tayo ah?Baka malate pa ko"sabi ko habang nakain
Bumuntung-hininga na lamang sya at kumain na din...
"Goodluck"sabi ko habang inaayos ang necktie nya
Nginitian naman nya ako"Susunduin kita mamaya"
Nginitian ko din sya at ibinigay ang file case na may lamang requirements nya"Sige"
"Nga pala,bumubuntot ba sayo si Mike?"tanong nya habang isinasara ang gate
BINABASA MO ANG
The Betrayed Wife's Revenge (Complete)
ChickLitIn a heart full of anger, can love still find its way?