Chapter39

12.4K 165 15
                                    

Aia's POV

"Ok,I need all your attention on me"pasimula nung manager ng accounting department

Nandito ako sa labas naghihintay ng cue para pumasok ako.Kinakabahan ako sa kung paano ko haharapin silang lahat.Kikala kasi nila ako at siguro ay alam na rin nila ang nangyari.Ito lang manager ang di ako kilala kasi bago lang sya.

"You all know that I your manager will be on leave because I am on my last semester.And luckily my position won't be vacant for that long because we already found someone.Miss,please come in"ayan na ang cue ko

Kahit nangangatog ay pinilit ko iyong itago.Parang slow mo ang pagpasok ko at ang unti-unting pagsilay ko sa kanila.Ewan ko pero hindi napigil ng mga labi ko na ngumiti,hindi yung genuine yung ngiti na katulad nung mga aktres sa pelikula na may balak na gawin.

Gulat na mukha naman ang isinalubong nila.Mas napangiti ako,naging malikot naman ang mga mata ko at hindi naman ako nahirapang hanapin ang mga pakay ko.Ayun sila sa halos dulo,magkatabi,katulad din ng reaksyon ng iba ang sa kanila.At mas di ko napigilang ngumiti.

"Sana maging maayos ang panahong magtatrabaho ka dito.Okay,I'm leaving now.Miss Cruz you can now introduce yourself to them.I have to still pack some of my things pa"paalam nya

Nginitian ko lang sya at humarap na ulit sa mga ito na mukhang mga nakarecover na dahil may ilang nagbubulungan na.Yep,I didn't used his name to make him see na wala na talaga kami.

"Aia?Anong ginagawa mo dito?"agad na tanong ni Emily

Hindi ko naman tinanggal ang fake smile ko"Bakit?Anong masama na magtrabaho dito?"painosente kong tanong

"Ano ka ba,alam mo namang magkasama sila dito diba?Ano bang binabalak mo?Mas saktan ang sarili mo?"si Michelle

"Anong saktan ang sarili ko?Gusto ko lang namang magtrabaho.Kasalanan ko bang dito ako mapapasok?"

Isa-isa nang nagsilapit ang iba pang nakakakilala at medyo kaclose ko.Ang dami nilang tanong pero puro mga kasinungalingan ang mga sinabi ko.Magkaroon man ng totoo mga half truths lang yun.

Hindi ko na naman siguro kelangang ikwento kung pano ko napapasok dito diba?Kung kelangan pa rin papaikliin ko nalang.

Tinulungan ako ni Arnold pero may kapalit.Ano yun?

Simple lang,wag ko daw pagsisisihan ang desisyon kong ito.

Nagkibit balikat na lamang ako doon.

At syempre hindi lang puro chikahan ang ginawa namin.Kailangan din naman naming magtrabaho.Alangan namang ako pa ang maging dahilan ng di nila pagtatrabaho eh ako nga ang dapat na maniguradong nagtatrabaho diba?

Naglibot ako sa buong room hanggang sa mapatapat ako sa table ni Cheska

"Eh bakit nga sya nandito?Imposible namang ito lang ang pwede nyang patrabahuhan at isa pa may trabaho na sya diba?"halos bulong nyang sabi

Nakatalikod sya saken kaya di nya nalalamang nandito ako.May payuko-yuko pang nalalaman at pataki-takip sa bibig.Napataas naman ang kilay ko sa mga narinig ko.Malinaw naman na ako ang pinag-uusapan nila diba?Ang tanong sino kaya...

Hinablot ko naman ng walang paalam ang phone nya.Call me bastos but I won't care.

"Hey!Ano-"pero di na nya natuloy pa ang sasabihin nya instead ay nanlaki ang mga mata nya at napatayo

"A-Aia"tense nyang banggit sa pangalan ko

"You're supposed to be working right?Let me just remind you,hindi ka nila binabayaran dito para pag-usapan ang buhay ng iba.Do your job if you don't want to lose it"yun lang at aalis na sana ko kaso napatigil din ako dahil sa naramdaman kong matigas sa kamay ko

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon