Thankful

35.4K 355 2
                                    

"Sige na,lakad ka na at baka malate ka pa"masuyo kong sabi sa aking mister.paano ba naman kasi papasok nalang sa trabaho nangugulit pa *^_^*

"Kiss muna"at inginuso nya ang labi nya,aba't loko talaga..hayy mapagbigyan na nga

"Oo na,eto na"at inilapat ko na ang labi ko..ang sana'y smack lang ay naging isang passionate kiss dahil pinigil nyang makalayo ang labi ko sa kanya.

Masuyo nya akong hinalikan,at ito naman ay aking masuyong tinugon.Ang halik nya,ilang taon ko na rin itong nalalasap pero hanggang ngayon ay nalulunod at nalalango pa rin ako..naramdaman ko ang paghaplos nya sa likod ko na mas lalong nagpapawala sa aking katinuan,pero bago iyon lubusang mangyari ay nagawa kong makalayo sa kanya

"O,tama na,sumusobra ka na"napakamot naman sya ng ulo nya

"Akala ko naman makakalusot ako"mahina ko naman syang pinalo sa braso

"Loko ka talaga.Sige na,umalis ka na at tingnan mo o malelate ka na.Mamaya nyan mapagalitan ka pa ng boss mo"tinulak ko sya ng mahina

"Wag kang mag-alala,pag ako na ang naging boss promise ko sayo mas magkakaroon na tayo ng mas mahabang oras sa isa't-isa"hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ito

"Hihintayin ko ang araw na yun.Pero syempre para matupad mo yun kailangan mo munang pumasok para naman makita nilang maganda yang performance mo!Kaya naman lumarga ka na at talaga namang malelate ka na"tinulak-tulak ko ulit sya

"Opo na po,mahal kong asawa"at hinalikan nya ulit ako pero sa pisngi nalang ngayon

Hinatid ko sya hanggang gate at hinintay na makaliko sa kanto pero alam nyo ba kung ano ang ginawa nya bago sya lumiko?Nagflying kiss sya!haha!at ako?eto kinikilig!hihi *^0^*

Pumasok na ko ng tuluyan na syang mawala sa aking paningin..

Hayyy..parang kelan lang nanliligaw palang sya sa akin..parang kelan lang nang sagutin ko sya...parang kelan lang ng alukin nya kong pakasalan sya...pero ang lahat ng yon ay apat na taon na ang nakalipas...tama..apat na taon na kaming nagsasama,19 ako noon at 21 naman sya..

Masyado bang maaga?Para kasi saamin hindi atsaka sigurado na naman kami sa isa't-isa...hindi naman kami nahirapan na mapapayag ang magulang nya dahil boto naman daw sila para sa akin pero pagdating sa magulang ko eh medyo nahirapan kami kasi hindi pa daw ako tapos ng pag-aaral..kakagraduate ko palang kasi nun ng 2nd year college pero sabi ko ayos na sakin yun,medyo nag-alangan pa sila pero kalaunan ay pumayag na rin naman,wala na daw silang magagawa..hihi

At yun nga nagpakasal kami at nagbunga agad yun,at yun ay si Anika..ang mabait at bibo naming anak..^_^

Hindi na ako nagpatuloy pa ng pag-aaral,itinuon ko nalang ang aking pansin sa pag-aalaga sa aking mag-ama..yun din naman ang gusto ni Hans eh,ang sila lang ang alagaan ko,selfish ba?hindi noh..ang sweet nga eh..tsaka mas gusto ko rin yun ang matutukan sila lalo na ang paglaki ni Anika.Ayokong tumulad sa iba na mas kilala pa ng ibang tao ang anak ko kesa sa akin..

Hayyy...wala na talaga akong mahihiling pa,bakit?Kasi ibinigay na saakin ng Diyos ang isang mapagmahal na asawa gayundin ang isang cute at masunuring anak..hindi man kami kasing yaman ng iba ay nagagawa naman naming bihin ang aming mga pangangailangan at hindi din kami nalilipasan ng kain..ano pa bang hihilingin ko?wala na dahil kontento na ako sa kung ano mang meron ako ngayon..sana lang ay walang maging hadlang pa sa aming kaligayahan..

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon