Aia's POV
"Sa dinami-dami ng lugar na pwede tayong mag-usap dito pa?"bungad ko ng makita ko sya
"Marie"agad naman syang tumayo at humarap sakin
Pano ba naman kasi dito pa sa fire exit nya napiling kausapin ako.Pwede namang sa cafeteria, eatery,fast food o resto pwede nga rin sa side walk lang pero dito pa ang napili nya.
"Bakit mo ba ko pinapunta dito?Sabihin mo na kasi may trabaho pa tayo"inip kong sabi
"I want you back to me"sabi nya ng nakatitig sa mga mata ko
*silence*
Processing...
Process complete...
Nakatatlo akong kurap nang magsink in na sa utak ko ang sinabi nya at hindi makapaniwalang tinignan sya.
"So ganun nalang?Anong gusto mong gawin ko?Akala mo ba kung sasabihin mo yan agad-agad akong tatakbo at yayakap sa'yo at tatanggapin ka?Akala mo sa simplwng sinabi mong yan babalik na ko sa'yo ng wala ka man lang ginagawa,ni palipad hangin wala.Eh naglolokohan lang ata tayo dito eh"
"Marie,mahal kita"hinawakan nya ko sa braso pero pinalis ko iyon
"Sinasabi mong mahal mo ako pero agad din naman yung nababawi.Sa kanya ka pa rin bumabalik.Hindi ko maramdaman yun Hans"pigil iyak kong sabi
"Ako ang nagpadala sa'yo nung bulaklak nung isang araw"nakayuko nyang sabi habang nakapamulsa
"So ikaw pala si someone who always loves you?Wow,just wow.Don't give up on us?Eh di ba ikaw ang unang nag-give up?Ikaw ang nang-iwan,ikaw ang unang sumuko.Hindi ako,kasi hinintay pa rin kita.Hinintay kita na bumalik saken.Hinintay ko na na yakapin at samahan at damayan mo ko nung mga oras na kailangan kita.Nung nga oras na sobrang lugmok ako.Pero nasan ka nun?Nasa piling ng iba ka nun,Hans"
"Marie,nandun ako pero ipinagtabuyan mo ko"
"Siguro nga ipinagtabuyan kita non pero hindi yun dahilan para iwan mo na lang ako ng ganun.Kasi kung mahal mo talaga ko kahit anong taboy ang gawin ko sa'yo hindi ka pa rin papayag na maging mag-isa.Pilit mo pa ring ipagdikdikan ang sarili mo saken at ipaparamdam at sasabihing magiging okay lang ang lahat pero hindi eh,mas pinili mong sumuko na agad.Mas pinili mo sya over me"
Isinandal nya ko sa pader at tinitigan sa mata ng may pagsusumamo"Ikaw lang ang mahal ko,Marie.Wala man ako sa tabi mo nun,nandun pa rin ako.Nasa malayo,nakatanaw,nakasilip.Pinagkakasya ang sarili kong tanawin ka na lang.Hanggang sa huling sandali nya dito nandun ako.Gusto kong lumapit pero di ko magawa.May iba nang nasa tabi mo,may iba nang umaalo sa'yo.Ang sakit nun,Marie.Ang sakit na makita kang umiyak sa bisig ng iba at tumawa habang kasama mo sya.Ang sakit nun"
Naningkit ang mga mata ko at ngumiti ng mapait"Now I get you,your a selfish man,Hans"napakunot naman ang noo nya na parang naghihintay ng kasunod nun
"Ayaw mong makita akong napapasaya ng iba.Nasayo na nga si Cheska ayaw mo pa rin akong bitawan.Gusto mo sa'yo pa rin ako,gusto mo sa'yo kaming parehas.Selfish ka Hans,selfish ka"
"Nagkakamali ka,Marie"ubos pag-asa nyang sabi
Umalis ako sa pagkakasandal sa pader"Kung ganun,pakawalan mo sya.Iwan mo sya kung talagang mahal mo ako"
Nagulat naman sya"Marie hindi ko kayang gawin yun.Buntis sya"
"Bakit,nung may anak pa tayo di ba't sya pa rin ang pinili mo.Bakit di mo yun magawa saken?"
"Iba ang sitwasyon ngayon"sabi nya in a way na parang gusto nyang ipaintindi saken ang point nya
"Kung ganun,eh di sige.Wag na lang,sa kanya ka na lang"sabi ko sabay talikod pero hinila nya ko pabalik
![](https://img.wattpad.com/cover/25254218-288-k803854.jpg)
BINABASA MO ANG
The Betrayed Wife's Revenge (Complete)
Literatura FemininaIn a heart full of anger, can love still find its way?