Aia's POV
"Oh day,ang aga-aga nakakunot noo mo dyan.Sige ka,mahipan ka dyan ng masamang hangin.Ikaw din,baka ipagpalit ka ng asawa mo sakin.Wahahaha!"sabi ni Ate Mayeh
I know she's trying to cheer me up kaso di ko talaga kayang ngumiti.
Pano ba naman ako ngingiti?Eh mula kagabi hindi pa rin sinasagot ni Hans ang mga tawag at text ko.
Nakakabadtrip but at the same time nakakapag-alala.Kasi malay ko ba kung ano ng nangyari sa...
No!Wait!
I shook my head in my mind then knocked three times.
Ayokong mag-isip ng kung anong masama kasi natatakot ako na baka mangyari nga yun.
"Hay naku Mayeh!Feeling mo naman papatulan ka ng asawa ni Aia.Kalyo palang nya mukha mo na!hahaha!"ate Tan-gi
Tumingin ako sa phone ko
9:30am na hindi pa rin sya nasasagot mga text and calls ko
Dahil dun ay napanguso ako
"Hoy,ano ba kayo?Tingnan nyo nga,imbes na mapatawa nyo sya eh lalo lang syang nayayamot.Tumigil na kayo"masungit na sabi ni Mama Neth
Sya pinakamatandang nanny sa lahat ng nakakasama ko dito.
Tumabi naman sya saken
"Ano bang problema ha?Mula nang dumating kayo dito ng anak mo nakasibangot ka na"malumanay nyang sabi
Huminga naman ako ng malalim
Mas okay nang i-share ko to kesa naman sarilinin ko,isip ko
Humarap ako sa kanya"Kasi Mama Neth...si Hans hanggang ngayon hindi pa rin nagrereply saken"malungkot kong sabi na lalong nagpahaba ng nguso ko
Tinapik naman nya ang balikat ko
"Alam mo Neng,naisip mo ba na baka nakatulog lang sya sa byahe kaya hanggang ngayon eh hindi pa rin sya nakakareply?"
"Kaso Mama Neth kagabi natawag din ako pero di nya ko sinasagot!"napadiretso naman ako ng upo
"Malay mo nalasing,inenjoy ang huling araw nila dun.Unawain mo nalang,kung gusto mo mamaya pagdating nya itanong mo kung bakit.Hindi lang naman siguro sya nagkaroon ng team building di'ba?Kung may naiisip ka mang masama ipasantabi mo muna yan hangga't hindi mo pa naririnig ang side nya"
Tama si Mama Neth,dapat intayin ko muna sya bago mag-isip ng kung anu-ano
Humarap naman ako sa kanya,ngumiti at hinwakan ang braso nya
"Thanks Mama Neth,you're a big help"
Pagkasabi ko noon ay tumunog naman ang phone ko
1 message received
Hans Beb KoMas lumapad naman ang pagkakangiti ko at nang harapin ko ang tatlo kong kasama dito ay ngumiti din sila
"Sya na yan noh!"Ate Tan-gi
Nakangiti naman akong tumango
"Sige na,basahin mo na at nang matigil ka na dyan sa pag-eemo mo!hahaha"Ate Mayeh
At ginawa ko naman nga ang sinabi nya
From Hans Beb Ko:
Beb nandito na ko sa bahay,nasan ka na?At mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko sa nabasa ko
Nasa bahay na sya!!! **\(^0^)/**
Agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko
"Ate Mayeh,Ate Tan-gi,Mama Neth nandyan na daw sya uuna na ko"excited kong sabi
"Sige girl,bye"Ate Tan-gi at Mayeh
"Sige na Neng.Ingat kayo sa pag-uwi"Mama Neth
"Kayo din"hinanap ko naman si Anika at nakita sya sa swing
"Anika!Daddy's home!"sigaw ko
Agad naman syang bumaba at kinausap ang mga kalaro nya,siguro nagpapaalam.Pagkatapos niyon ay tumakbo sya palapit.
"Daddy's home,Mommy?!"excited nyang sabi
"Oo baby,so ano?Tara na?"tanong ko habang pinupunasan ang pawis nya
"Yehey!"at nagtatalon pa sya
Grabe,ang energetic talaga ^_^
At yun nga naglakad na kami pauwi
Grabe,excited na kong makita sya.2 days ko din syang di nakita no.Miss ko na sya...sobra
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N:
Hi guys!Thanks po sa pagsubaybay ah?Sana magpatuloy hanggang sa dulo.Okay lang kung maging silent readers kayo but I will really be thankful kung magvo-vote din kayo...Ayun lang
^_^ Arjenniel-chingu
BINABASA MO ANG
The Betrayed Wife's Revenge (Complete)
Literatura FemininaIn a heart full of anger, can love still find its way?