CHAPTER 7

45 2 0
                                    

 Text message

HANNAH’S POV

                Naniwala ako sa sinabi ni Mico. Pinanghawakan ko yun. Dahil may tiwala ako sa kanya at dahil sobrang mahal ko sya.

                Tinupad naman  nya. Actually mas kilala na namin ang isa’t isa ngayon mas matatag na kami.

                Pero habang tumatagal nararamdaman ko din na parang may nagbago.

                Madalang na kaming magkita, magkausap sa  phone kahit magkatext. Nung una oaky lang kasi naisip mo pareho kasi kaming graduating ng highschool natural lang samin ang maging busy.

                Pero hanggang sa di na  sya nagtetext sakin. Pag tinitext ko sya din a rin sya nagrereply.

                Tinatawagan ko sya pero ring lang ng ring, ayaw nyang sagutin.

                Pero isang araw nakareceive ako ng text sakanya. Sobrang saya ko. Pero nagulat ako sa nabasa ko

                “Im sorry. Ayokong sumira sa pangako ko sa mommy ko”

Halos di ko maigalaw ang mga daliri ko. Gusto ko syang replayan pero mas pinili kong wag na lang.

para saan pa?

Sya ang nagturo saking lumaban maging matatg, pero sya ang sumuko at sumira. Di  nya kayang sumira sa pangako nya sa mommy nya. Pero paano naman ang pangako nya sakin?

                Sabagay sino ba naman ako compare sa mommy nya. Isang babaeng binilog ng matatamis nyang salita at pinaasa sa huli. Samantalang iyon ang bumuhay at bumubuhay sakanya.

                Sana din a lang ako naniwala sa mga sinabi nya na di nya kayang mawala ako. Pero bakit sya pa yung nang iwan sa ere.

                Tama na nga siguro ito. Ayokong magmakaawa sakanya. Pride na lang ang natitira sakin ngayon

Halos mamatay ang kalahati ng pagkatao ko. Napabayaan ko ang sarili ko. Magulo ang paghihiwalay naming.

           Feeling ko mag isa na lang ako ngayon kahit  Alyssa ini-ignore ang text at tawag ko.

                Nakapagdecide na ako. We need to talk.

            We need closure.

          Hirap na hirap na ako. Di ko alam kung kami pa ba o umaasa lang ako sa wala????

                Humingi ako ng tulong kay Ian para magkausap kami ni Mico. At di nya ako binigo.

                Pero isang araw bago dumating ang araw na yun. Di ako pinayagang makalabas ng parents ko. Tinaggalan din ako ng cellphone o kahit anong gadget na pwede kong gamitin para makipag communicate kay Mico at Ian.

                Nagbalak akong tumakas pero mahigpit ang mga bantay ko.

                Paano ko sasabihin kanila Mico na di ako makakatuloy sa usapan namin.

                Dumating ang araw na yun. Wala talaga ako sa mood at aamini ko masamang masama talaga ang loob ko sa family ko.

                Pinagtataka ko lang nung tinannong ko si daddy kung saan kami pupunta.

                Ang sabi nya sa doctor ko daw nung bata pa ako.

                Pero bakit wala naman akong sakit saka hello??? Di na ko bata para  dalin sa pedia ko.

first love till the endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon