CHAPTER 17

47 0 2
                                    

Date again?

HANNAH’S POV

                Simula nung nakasama namin ni Princess si Joseph sa fastfood madalas na din namin syang kasama lalo na pag pareho kaming vacant. Minsan din sabay kaming nala-lunch. Mabilis namin sya nakagaanan ng loob siguro dahil sa natural syang mabait at masarap kasama. Di rin naman sya boring na tao.

                Madalas nga syang magjoke pagnapapansin nyang seryoso kami ni Princess. Nameet  na din nya yung dalawa namin friend at syempre yung mga classmate namin nung minsang naki-seat in sya sa klase namin.

                Akala nga nila boyfriend ko si Joseph kasi ang bait daw sakin. Tapos nung malaman nilang kaibigan ko lang ang daming natuwa. Nalaman ko kasi na madami pa lang may crush sa kanya sa room namin.

                Oh diba ang bongga ng new friend namin.

                Kaya lang ang lokong Joseph mukhang di interesado. Ayaw ba namang ipamigay yung number nya.  Arte ! babae ba?

                “Joseph wala ka pa bang girlfriend?” tanong nung isa kong classmate. Nandito kasi kami ngayon sa corridor.

                “OO nga Joseph. Kung wala pwede ba kaming mag-apply” sabat naman nung isa ko pang classmate

Asus flirt? Tindi ng mukha harap harapan daw bang sabihin kay Joseph yun. Di na nahiya kababaeng tao. Mauubusan ba ng lalaki. At di makapaghintay na sya ang ligawan ng lalaki.

Natawa naman ako nung di naman sila pansinin ni Joseph. May pagkasuplado kasi talaga sya. Ewan ko ba kung bakit sakin hindi. Sya pa nga unang nag-approach sakin nun diba?

O ayaw lang talaga nya sa mga babaeng sobrang obvious at showy.

“Joseph please naman sabihin mo samin kung may girlfriend ka na ba” kulit nung isa pa nilang kasama.

Humarap dun sa mga makukulit kong classmate.

“Fine. Wala pa akong girlfriend. Pero may mahal na ako. At gagawin ko ang lahat parang maging kami.”then tumingin sya sakin.

Di ko alam kung ano ang ibig sabihin nung ginawa nyang yun. O napaparanoid lang ako. Kaya bigla akong nailang kaya nagiwas na lang ako ng tingin.

“So di pa kayo. Ganun ba?” tanong ulit nung makulit.

“Di nyo ba nadinig? Magiging kami din. Right Hannah?. “ tanong nya sakin.

“Ha? Eh oo naman” di ko alam kung ano isasagot ko kaya umagree na lang ako. Baka sinabi lang nya yun para tigilan na sya nung classmate ko.

Wala naman kasi akong idea. Wala rin kasi syang nababanggit samin. O sadyang malihim lang talaga syang tao.

Pero talaga  bang wala syang girlfriend sa mukha nyang yun. Gwapo, varsity pa ng swimming, Tapos engineering student pa. Mayaman. Complete package na. parang wala ka ng hahanapin pa.

 Kung meron man syang girlfriend bakit di ko nakikitang kasama nya. Saka pag free time nya dito sya pumupunta.

 Hay ewan ko ba. Ayoko namang magtanong baka mapahiya pa ako.

“Excuse us. May pupuntahan pa kami ni Hannah” paalam nya. Ako naman nakayuko lang di ko magawang salubungin yung mga mapanghusgang tingin nung mga classmate ko. Absent kasi si Princess pero kung nandito yun sigurado akong sopla na agad sila dun at di na nila ako magagawang tignan ng ganung kasama.

Di naman kasi ako yung tipo ng tao na lumalaban.

Actually half day lang kami ngayon. Papunta sana kami ngayon sa gym para manuod ng volleyball game. Kaya lang may biglaan yatang tumawag kay Joseph mukhang emergency. Kasi nagmamadali syang nagpaalam sakin.

first love till the endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon