CHAPTER 18

43 0 0
                                    

(GIVE-UP)

JOSEPH’S POV

                Three days na  din dito sa hospital si Hannah. Kaya ganun na din sya katagal na absent sa school. Pero nagpunta dun sa Deans office si tita the day pa lang na nadala dito sa hospital si Hannah.

                Knowing Hannah? Ayaw nya yung may nami-missed syang quizzes etc.

                At dahil half day lang ako ngayon. Ako ang nagbababantay sa kanya. Si Alyssa kasi whole day yung klase nya. Si tito? Syempre di naman nya pwedeng pabayaan yung business nila. Si tita naman umuwi saglit may kukunin lang daw sya saglit sa bahay nila.

                Based naman kay tita nagising na daw kaninang umaga si Hannah. Actually simula nung dinala

sya dito kanina lang sya nagising kaya nnga lahat kami worried sa kondisyon nya.

Yun nga lang nung pagdating ko naman dito .Ayun tulog na naman sya.

                Ano pa nga ba nag gagawin ko dito? Adeh titigan ko lang sya habang natutulog. Yun naman ang lagi kong ginagawa pag nandito ako e.

                Alam ko nahihirapan na si Hannah. Kita naman sa mukha nya e. Sabi din ng mommy nya nung bata pa daw si Hannah ayaw na ayaw nya na nagpupunta sa hospital kailangan pang pilitin.

                Pero sobra akong nagtataka kung bakit parang ang tagal naman yata ni Hannah dito sa hospital kung over fatigue lang sya. Sana pinauwi na lang sya tapos sa bahay na sya nagpahinga. Tapos sa araw araw ko ding pagdalaw dito napansin kong parang ang dami naman yatang test na ginagawa sa kanya.

                Tapos every time na may sasabihin yung doctor about sa condition ni Hannah kailangan private nilang paguusapan yun ng parents ni Hannah. And every time I asked them sinasabi lang nila na Over fatigue nga lang daw si Hannah. Sumasangayon na lang ako. Ayoko naman kasing isipin nila na bago pa lang ako kaibigan ng anak nila pero masyado na akong mapapel.

                Sa totoo lang malakas talaga ang kutob ko na may kakaiba kay Hannah.

                Nasa malalim akong pagiisip ng bigla kong madinig yung boses ni Hannah na sinabi yung pangalan ko. Mahina man pero sapat na para madinig ko.

                Pati sa boses nya halata kung gaano sya nahihirapan at kung gaano sya kahina ngayon.

                Agad ko syang nilapitan at hinawakan yung kamay nya.

                “May masakit ba sayo?” tanong ko agad sa kanya pero umiling lang sya.

                “Gutom  ka ba? Ano gusto mong kainin?”  tanong ko ulit sa kanya. Per iling lang ulit ang naging sagot nya.

                “Gusto mo tawagan ko si tita para sabihin na gising ka na?”  akma na  akong tatayo para kunin yung cellphone ko na nasa side table, tapos naramdaman ko yung kamay nya na pinigilan ako sa braso.

                Napatingin ako  sa braso ko hawak nya tapos sa mukha nya.

                Nakita kong nakangti sya although halatang fake yun.

                Bakit ba lagi nyang pinapakita sa lahat ng tao na okay lang sya kahit sa totoo lang di naman talaga.

                “Si tita nga pala umuwi lang saglit may kukunin lang daw sya sa bahay nyo.” Pagsisimula ko.

first love till the endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon