CHAPTER 16

26 0 0
                                    

Fastfood

HANNAH’S POV

                Ano ba naman itong si Princess. Nagmadali ako kasi akala ko nandito na sya dahil nagmisscall na sya kanina. Yun pala sya yung male-late.

                Nakakahiya tuloy kay Joseph. Hinatid pa ako dito tapos ngayon sinamahan pa akong hintayin sya. Nasaan na ba kasi sya. Kung masama lang akong babae pagdating nya sasabunutan ko sya n g kaliwa’t kanan.

                Kanina pa ako nagtetext pero di naman nagrereply.

                “Okay ka lang? nadinig kong tanong nya

                “Ha? E oo naman” sagot ko naman

                “You looked tense” sabi naman nya na halatang worried sya

                “Di ah. Ayaw kasing magreply ni Princess. Ang tagal. Feeling ko kasi masyado na kitang naabala” amin ko sa kanya. Wala namang reason para mag-lie ako.

                “Wala pa naman akong klase. Saka okay lang yun. Mas nakakainip maghintay ng next subject magisa.” Sagot naman nya.

                Kahihintay ko at katitingin ko sa entrance door ng fastfood. Ibang tao ang nakita kong papasok.

Gusto kong magsisi kung bakit tumingin pa ko sa side na yun.

Sa dinadami naman ng couple na kilala ko na pwede kong makita ngayon bakit silang dalawa pa. Kung kelan unti unti ko ng  nagagawang  mabuhay ng di sila iniisip.

                Agad akong nagiwas ng tingn nung magtama ang paningin namin ni Mco. Di ko kayang makipagtinginan sa kanya. Yumuko na lang ako at nagkunwaring may tinignan sa bag.

                Di ko lang alam kung nakahalata si Joseph. Pero nagulat ako nung lumipat sya ng pwesto sa tabi ko at kinuha yung kamay ko.

                Di ko alam kung paano magrereact. Di ko din alam kung ano aang plano ni Joseph at ginawa nya yun.

JOSEPH’S POV

                Sinamahan ko na si Hannah sa loob ng fastfood at dahil malelate daw yung kaibigan nya. Ddi ko na sya iniwan. Kinapalan ko nayung mukha ko na samahan sya. Hahayaan ko ba syang magisa dito?

                Syempre hindi baka maligawang ng iba. May balak pa naman ako.

                Okay na din to. Makikisabay na lang ako mamaya sa kanila na maglunch.

Susulitin ko na ang kakapalan mng mukha ko.

                Tahimik lang kami. Di nga kami gaanong naguusap. Ramdam ko kasing di pa sya komportable kasama ako..

                Patingin tingin sya sa side ng entrance door nung fastfood. Inaabangan siguro nya yung pagdating nung friend nya.

                Nagulat ako nung mapansin kong nag-iba yung facial expression nya.  Sobrang lungkot nung mga mata nya na para bang anytime pwede syang umiyak.

                Unti unti akong lumingon para tignan kung ano o sino man ang nakita nya para maging malungkot sya ng ganun.

                Si Mico yung nakita ko. Kilala ko sya kasi classmate kami. At kasama nya yung babaeng lagi nyang kasama. Nung una akala ko barkada lang nya yun.

first love till the endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon