”Unexpected”
MICO’S POV
Feeling ko this past two months napakadaming nangyari.
Una napatrouble ako dahil nabastos ang babaeng pinakamamahal ko.
Pangalawa nagkasagutan kami ni Hannah.
Pangatlo nanuod ako ng play nila. Tapos wala naman pala sya dun.
Pang apat nadala sya sa hospital. Pero hanggang sa mailabas sya di ko pa din alam ang reason. Ewan ko ba may nararamadaman ako na may kakaiba talaga nung araw na yun. Feeling ko may kelangan akong malaman.
And lastly yung shocking revelation ni Grace about two weeks ago.
Ang babaeng tinuring kong bestfriend.
Di ko expected.
FLASHBACK:
Grace calling. . . . . .
Bakit naman kaya tumatawag sakin si Grace.
Past 8am na. Ano na naman kaya ang trip ng babaenf to.
Pero feeling ko kelangan ko talagang sagutin yung call nya.
“Hello. . Grace bakit?” sabi ko after kong pindutin yung cellphone ko
“Mico (sobs) Mico (sobs)” puro yun lang ang naririnig ko sa kabilang line
“Hey Grace why are crying? May problem ba?” pero imbis na sumagot puro hikbi lang nya ang naririnig ko. Tapos yung background obvious na nasa isang bar sya.
“Anong pangalan ng bar na yan. Pupuntahn kita” sobrang worried na talaga ako sa kanya. Feeling ko kelangan nya talaga ng tulong ko.
Siguro ito na yung time para sya naman yung tulungan ko. Hindi yung puro ako na lang ang laging bida. Ako yung lalaki ako ang dapat na magprotekta sa kanya.
Sinabi naman nya kung nasaan sya.
Mabilis akong lumabas ng kwarto ko. Di ko na nga naisipang magpaalit ng suot.
Ginamit ko yung car na gift sakin ng Daddy ko nung makagraduate ako sa highschool.
Agad akong nakarating sa bar kung nasaan si Grace. Hinanap ko agad sya.
Nakita ko sya na pinipigilan nung bartender na uminom pa.
This is the first time that I saw her drinking.
Ganun na ba kabigat yung problem nya para uminom pa sya. Pwede naman nya akong tawagan kanina para mag open sakin.
Nagulat akong nung may lumapit sa kanyang isang guy. Di ko sya kilala.
Di mo na ako lumapit baka kasi kilala nya yun o kaya baka yun yung sinasabi nyang mahal nya.
Nagstay muna ako sa isang tabi. Mukha namang okay sila kasi nagtatawanan pa silang dalawa.
Kaya nga nagtaka pa ko kung bakit kelangan pa nya akong tawagan kanina tapos umiiyak pa sya. Nawiwirduhan talaga ako.
Nagulat na lang ako nung biglang halikan nung guy si Grace sa neck.
Teka si Grace ba talaga ang nakikita ko? Parang ang layo kasi nya sa Grace na nakilala ko.
Lumapit ako ng konti at nakita ko ang expression ng mukha ni Grace. Di nya gusto yung ginagawa sa kanya. While her hand was trying to push that fucking man.
She’s in trouble.
Agad akong lumapit at hinila yung lalaki.
BOOGGGSSSHHHHH!
BINABASA MO ANG
first love till the end
Teen FictionWhats hurts the most, is when that someone who used to treat you so special, now treats you like you don't exist..,. Ikaw hanggang saan mo paglalaban ang pagmamahal na simula pa lang talo ka na??????