Hello! The plot of the whole story might be changed pero di naman masyadong change na change hehe. Anebe. I will try to just revise the whole story kase alam kong fast-paced ang storyang ito. Thank you very much!
Vienne
Sa unang araw ng pagpasok ko sa eskwela as a Grade 11 student, Si karma agad na dumikit sakin. Bakit? Maraming dahilan:
1. May bastos na lalake ang hindi man lang nagsorry noong nabangga niya ako! Actually paalis siya ng school ng gate non eh Hmp. gwapo pa man rin. But still, Bastos yon! Isang sorry na nga lang eh hays.
2. Nawawala ang phone ko. Pipitsugin na nga lang mananakaw pa! I mean yes walang pruweba but who cares? Once lost maraming possibilities at isa na don ang nanakaw siya, Sa ugaling pilipino pa naman dahil sa trauma natin sa mga snatcher at budol budol gang iyon na agad naiisip. maitanong sa lost and found. later.
3. May mga bastos akong nakilala. They spilled water on my skirt! Paano nga ba iyon nangyari? Tayo'y magbaliktanaw:
Nagpunta ako sa canteen at kumain in peace. With no people caring about me.
"Hey. pwedeng makiupo?" Sabi ng isang babaeng may buhok na hanggang balikat at pin straight pa.
"We won't be noisy naman eh" Sabi naman ng kasama nitong kulot na hanggang baywang ang buhok.
I nodded. Kase i don't think i can speak. Masyadong nakakaamaze ang kagandahan nila! Omg.
"Hello. My name's Kristina Francisco. Kristy nalang" sabi ni kulot este kristy
"Mine's Nikkaella Cruz. Nikki exclusively for us lang sige. hahaha""V-Vienne Jacinto" i tried to smile. kaso mukha siguro akong naiipot nito.
We talked and talked.
Nalaman ko na magpinsan pala sila and will graduate as Valedictorian and Salutatorian of the class, They also want to live in Paris just like me. But the difference is i lived there, Sila hindi pa. Singer si Kristy samantalang Taekwondo artist si Nikki. Both are talented girls marami pa silang kayang gawin. While i can't nang dahil sa sakit ko.
hanggang sa may lumapit na tatlong mga bibeng babae. At sinabing "Sino yang kausap niyo? An ugly duckling in your crowd? ewww." Agad nila akong tinapunan ng water, Wag ka mineral pa yon. Sossy.
"Just get out Diana! You don't have to spill water at her!" Pasigaw na sabi ni Nikki.
"I just saved you from her! Utang na loob!" Diana, i guess, said at inirapan nanaman ako. Dukutin ko kaya mata nito? I'd be pleasured to. tsk.
"The last thing you could do for us is dictate our lives or save us from anything diana. You never cared." Mahinahong sabi ni Kristy.
Diana just walked out kasabay ang dalawang alipores niya na GGSS, Ang papanget na hipon na nga nagpapakita pa ng lawlaw na cleavage. ewwww
"She's that difficult." sabi ni kristy na napasapo sa kanyang noo
"She's an a**" Si nikki naman ay nakakuyom ang mga palad.I just watched them stand up for me, and it was the best thing that's happened to me.
Kaso basa pa rin skirt ko!
Pinaka huli? Last class ko na, Katabi ko pa yung lalakeng di kayang magsorry! Kainis! Kahit isang sorry di magawa? katabi ko na po oh. Yuhoo.
Bulag siguro tong katabi ko?
Bigla namang nagkaroon ng urgent meeting ang mga faculty and staff so we had an early dismissal.
Kumaripas ako ng takbo at nagpunta sa garden ng school..
Di pa man ako nakakalabas ay may isang pigura na ako na nahagilap pero mabilis rin itong nawala.
Creepy, i know.
I gaped at the beautiful flowers pero nawala rin yon noong may narinig akong nakatapak ng mga dried leaves. Akala ko monster.
It's only a girl behind me. smiling like an idiot. tsk.
"Hello! Trisha nga pala. Dito kase meeting place namin ni boyfie. You don't mind right?" Hmpt. I nodded. Pag dito sila maglampungan ingungungod ko mukha nila sa flower pot at Kung gagawa sila ng milagro dito, She should've told me about it. para aalis agad ako. yak.
Di pa man ako nakakalayo kay 'Trisha' ay may agad na tumawag na lalake sakanya. At dahil chismosa nga ako nakitingin na rin ako. Ganon dapat. lol.
Noong nakita ko naman ang lalake ay napanganga ako. Waleya! Yung Bulag kong katabi!
Magdadalawang minuto na silang nag aaway noong bigla akong nadapa. Shet.
"Miss." Hindi ko pa man nakikita ang pagmumukha ng taong nagsalita ay nataranta akong napatayo at tumakbo palabas ng garden.
Nakakahiyaaaaaa! Omg to the highest level.
I went out the school garden at nakasipa ng isang bagay.
At di niyo alam kung ano yon. Syempre! Di ko naman sinabi. charot.
Napatingin ako at nakitang cellphone ito.
Pupulitin ko na sana para iturn over sa lost and found. charot. Aangkinin ko na yung cellphone sayang naman eh, Iphone rin ites no. pang rk. lol.
"Miss" i cringed at his voice, panong hindi?! siya ang nakasaksi ng LAHAT! Sira na buhay ko huhu. Sorry mama. Huhu. Ang dignidad ko tinapak tapakan niyo lang huhu. charot. Nadapa lang po ako.
"Are you-" di pa man siya natatapos ay agad akong lumuhod sa lupa at pinagdikit ang mga palad.
"Patawarin mo na ako! di ko sinasadyaaaa!" Sigaw ko habang nanginginig sa takot.
Moments passed by and we are now surrounded by vines and birds. Charot. Oa ko talaga.
Di man lang siya nagsalita ni gumalaw. Omg lupa kainin mo na ko huhu.
Dumilat ako at nakitang wala na yung lalake, sino ba yung nakakita saking madapa? shet. Nakakahiya talaga omg.
Agad naman akong napanganga noong nakitabg nagbubungisngisan ang mga taong nasa paligid ko. Omg. so embarrasing.
Agad namang nawala ang cellphone na nasa likod ka kani kanina.. Hmm. baka inangkin nung lalake! Sayangggg.
*
Would be editing every chapters. Please don't be confused about the plot. I would edit it to make sure you would understand the story. Thank you*

BINABASA MO ANG
Will You Still Be Mine? (Editing)
RandomWanting to have a normal life is simple. You Eat, go to school, Make friends, Have some fun and Sleep. Paano kung yung makakasama mo ang magpapahamak sayo? Pero paano kung di naman talaga normal ang magiging buhay mo kasama siya? Makakaya mo ba? Per...