Nararamdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin kaya't iyon ang dahilan kaya nagmulat ako ng mata. Namimigat pa ang mga talukap ko nang tingnan siya. Ngiti niya ang sumalubong sa akin ngunit bakas sa mga mata ang pag-aalala.
"Hindi na kita ginising kanina sarap ng tulog mo, e."
Nang lingunin ko ang garden ay wala na ang mga trabahante at hula ko ay nasa bandang four PM na ngayon. Gulat na napatayo ako at pahiya na tumingin kay Greg.
"Pasensya na,"ani ko sabay punas ng mukha ko sa ng palad baka may laway pa ako o ano.
"Ayos lang. Tapos na rin naman iyong sa'yo doon wala nang ibang gagawin."
Nagyaya na rin siyang umuwi at sabay na raw kami. May motor siya kaya't iyon ulit ang maghahatid sa akin pauwi.
Napapikit ako at dinadama ang hangin na sumasalubong sa mukha ko. Kung pwede lang akong pumili ng mamahalin, pipiliin ko si Greg. Hindi tulad ni Asmodeus, nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya at nararamdaman kong totoo iyon. Alam kong ano mang oras ay pwede ko siyang lapitan at maari kong asahan sa mga problema ko. Kaya lang marami akong iniisip ngayon na hindi niya pa kailangan malaman. Ako ang may problema dahil hindi ko ugaling buksan ang sarili ko sa iba.
"Nasubukan mo na ba ang street food sa bayan tuwing ganitong oras?"biglang sabi ni Greg.
"Uh, hindi pa, e."
"Gusto mong subukan?"
Matagal bago ako nakasagot dahil nahihiya rin ako. Baka makaabala pa ako.
"Pampawala lang ng stress,"suhestiyon nito.
"A-Ayos lang ba?"
Gusto ko rin at baka tama rin siya. Baka sa ganoong paraan ay mabawasan ang stress ko. Baka sa ganoong paraan ay saglit kong makalimutan ang mga karahasang naranasan ko.
Dumeretso nga kami ng bayan. Hindi ko aakalain ang mga naabutan ko. Sa isang parke kung saan nagkalat ang mga street food niya ako dinala. Nagkalat rin ang mga nagpe-perform para sa mga barya. At ganoon din ang mga series lights doon na kulay puti. Karamihan ay mga mag-nobyo at nobya ang nagagawi doon. Medyo awkward lang dahil hindi naman kami magkapareha ni Greg.
Mapait akong napangiti sa nakikita ngayon. Ito ang nakaligtaan ko noong dalaga pa ako. Habang ganito kasaya ang lugar na ito ay ganoon naman kalungkot ang naging buhay ko sa apat na sulok ng silid ni Asmodeus. Buong buhay ko ay hindi ko naranasan ang ganito. Hindi lamang ang paningin ko ang madilim kundi maging ang buong buhay ko.
Natigilan si Greg nang akmang kakain na siya ng tinatawag niyang kikiam.
"Oh, tayka. Ba't ka umiiyak diyan?" Tumingin pa siya sa kikiam na hawak. "Di mo naman sinabing gustong-gusto mo 'to iniiyakan mo pa talaga. Oh! isusuli ko na sa paper plate mo."
May pait sa ngiti ko habang panay pa rin ang pagtulo ng luha ko.
"Salamat, Greg."
"Sa kikiam?"
Umiling ako. "Sa lahat."
Napansin ko ang pagseryoso ng mukha niya. Tumikhim siya kalaunan at tumingin sa mga nag-uumpokang tao sa unahan.
"Ayos lang, nandito lang ako. Basta't 'wag kang mag-atubili na tawagan ako. Susulpot ako kung nasaan ka man nandoon."
Mas lalong bumuhos ang luha ko sa narinig. Hindi na ito tungkol sa sakit kaya't umiiyak na naman ako. Kundi dahil sa nalaman kong may iilang tao pa rin pala na may pakialam sa akin. Nabawasan man ng isa—si Asmodeus. Napunan naman ng isa. Ang importante ay alam kong hindi pa rin ako tuloyang iniwan ng swerte.
BINABASA MO ANG
His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)
General FictionYenah Arabella a girl with a disability. She can hear, can talk but can't see. Laking probinsya, lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother di...