Kabanata 27

3.1K 82 25
                                    

Hawak-hawak ko pa ang cellphone nang lumabas ako. Balak kong ibigay kay Auntie iyon. Hindi ko naiintindihan ang ibig-sabihin ng caller. Mas mabuting sila ng Tiyahin ko ang mag-usap.

"Get inside!"

Nagulat ako nang bumungad si Auntie sa'kin bitbit ang anak ko. Sinulyapan ko ang party sa likuran niya ng may pagtataka. Masayang naglalaro pa rin ang ibang bata doon at mukhang maayos naman maliban sa ekspresyon sa mukha niya na ngayo'y iritado at nagmamadali.

"A-Anong problema, Auntie?"

"Just do what I said. 'Wag nang maraming tanong."

At ipinasa niya sa'kin ang inaantok nang bata. Biglang sumulpot ang dalawang body guard at sinamahan pa akong umakyat sa taas. Pakiramdam ko ay may hindi normal na nangyayari. Patuloy pa rin ang party pero hindi na ako mahagilap ng mga bisita.

Sumunod na lang ako sa mga naunang bodyguard. Agad namin na narating ang silid at pinatulog ko na ang anak ko pagkarating. Hindi ako mapakali, may nararamdaman akong hindi tama sa nangyayari dahil nabanaag ko ang balisa sa mukha ni Auntie kanina.

"Parating na po,"boses ng tauhan ni Auntie sa labas ng pintuan.

Napansin ko ang mga anino nila sa baba ng pinto. Dahan-dahan akong umalis sa kama matapos kong masiguro na mahimbing na ang tulog ng anak ko.

Nagpatuloy pa ang kids party ngunit natanaw kong kakaunti na lamang ang nandoon. Natapos na siguro ang ibang activities ng naturang party. Kung hindi lang abala ang isipan ko tungkol sa mga nangyayari ay baka binalikan ko na ang party upang makausap man lamang ang mga gusto nang lumisan sa party.

Nalilito ako habang nakatayo sa paanan ng hagdan. Kanina lang ay hindi ko alam kung saan hahanapin si Auntie pero ilang saglit ay natanaw ko siya na papunta sa pool side. Malalaki ang mga hakbang.

Agad ko siyang sinundan. Kaya lang saktong pagkarating ko sa doble door ng pool ay naistatwa ako sa nakita. Parang ayaw nang kumilos ng mga paa ko dahil doon. Mabuti na lang at nagawa ko pang magtago sa may halaman kung hindi ay baka nakita na ako ng isa sa tauhan ni Auntie.

Tulala na pinipilit kong intindihin ang lahat. Si Auntie, may hawak na baril, halos kargahin niya pa sa braso ang katawan ng baril dahil sa laki niyon. Nakatutok iyon sa lalaking hula ko ay nasa edad fifties hindi nalalayo sa edad ng Tiyahin ko.

Sinilip ko ulit sila at nakita ko na mukhang hindi naman takot ang lalaking tinututokan ni Auntie. Malamig ang mga mata ng lalaki habang nakatitig sa tiyahin ko.

"Isang kalabit ko lang dito siguradong bulagta ka. Paniguradong kakalat ang utak mo sa semento kapag hindi mo pa ito inaksyonan. Ayokong paulit-ulit tayo dito, ilayo mo iyang anak mo dito kung ayaw mong pati siya ay isama ko sa kabaong mo,"galit ang boses na sabi ni Auntie.

Ilang saglit ay sumilay ang ngisi sa labi ng lalaki. At tila pamilyar ang ngisi niyang iyon. May naalala ako. Isa lang ang pumasok sa utak ko kundi si Asmodeus.

Hindi pa rin ako makahuma dahil sa mga narinig ko kay Auntie. Sa isang taon naming pagsasama sa isang bubong ay unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga nagawa niya. Unti-unti ko na rin na nakalimutan ang tunay niyang katauhan. Ngunit ngayon, nakikita ng dalawang mata ko ang totoong siya at bumabalik ang nakaraan.

Kitang-kita sa mga mata niya ang determinasyon at hindi malayong kaya niyang kalabitin ang baril na hawak. Kaya't mas lalo akong kinabahan.

"Ayokong nadadamay ang pamilya ko sa mga kinasangkutan ng anak mo."

"Go on pull the trigger, paniguradong sa susunod wala nang makakapigil sa kaniya." At hinila pa ng lalaki ang mahabang baril at itinutok pa palapit sa dibdib niya.

His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon