Tulala pa rin ako habang pinagmamasdan siyang tulog pa rin hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya nagpakalasing muna bago nasabi sa akin iyon kagabi. O baka hindi niya naman talaga balak iyon siguro dahil nagugulohan lang siya kaya niya nasabi iyon.
Bumuntong-hininga ako at inilagay sa maliit na batya ang towel na pinamunas ko sa kaniya kagabi. Tapos naalala ko pang naghubad na lang siya bigla kagabi ni wala man lang tinira kahit isa. Ako pa tuloy ang tila nahiya sa ginawa niya at tinabunan siya ng kumot bago ako humiga. Sa sofa ako natulog at magpapatuloy ako sa tulog ko ngayon dahil hating-gabi na ako nakatulog dahil sa kagagawan niya.
Humiga ako sa sofa at nagpatuloy sa pagtulog ko. Kaya lang nagising ako nang maramdaman na may braso na bumubuhat sa'kin. Nagulat ako at napahawak sa batok niya. Nagpapasalamat akong nailapag niya na ako sa kama. Sumalubong sa'kin ang seryosong titig ni Asmodeus. Nakayuko pa rin siya sa'kin at sobrang lapit ng mukha namin. Naaamoy ko pa ang ininom niyang alak kagabi. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.
"Where did you sleep last night?"
Napakurap-kurap ako at alanganin na sinulyapan ang sofa sa likuran niya.
"S-Sa sofa."
Nang balingan ko siya ay nahuli ko pa ang pagtiim ng bagang niya.
"I think the question must be, why you didn't sleep with me on the same bed?"
Napanguso ako,"N-Nainitan ako."
Palusot ko na lang. Sino ba naman kasi ang tatabi sa kaniya kagabi kung hubo't-hubad siya at ayaw pang magpabihis. Wala rin siya sa sarili at kung anu-ano na lang ang sinasabi.
"I'm a shit last night, right?"
Napanganga nang tingnan ko siya.
"Hindi naman gano'n."
"Right, I get it. I give you a hard time last night." At umahon na siya at lumayo na.
Saka ko lang namalayan na kanina pa nga pala siya hubo't-hubad. Nang tumalikod siya ay napagmasdan ko ang lapad ng likod niya at mga masel doon. Mabibigat ang hakbang niya tungo sa banyo. Wala pa man din siyang underwear kaya pati ang pang-upo niya ay kita ko. At mukhang wala siyang pakialam.
Nagluto ako ng sinabawan na buto-buto ng baka sa baba. Tamang-tama iyon para sa mainit na ulo. Lalo na sa kaniya na mukhang masakit pa ang ulo. Makikita naman sa ekspresyon sa mukha niya.
Inunahan ko na siya sa pagbaba. Agaran naman na ininit ng mga katulong kaya't nagpapasalamat na rin akong 'di na ako maabala pa. Nakaayos na ang long table sa dining area at gaya ng gusto niyang set-up malapit sa upuan niya ang upuan ko kahit napakarami ng upuan na pwede ko naman upuan maliban sa tabi niya. Kaya lang ayoko ng gulo kaya nagkukusa na ako.
Napansin ko ang pagbaba niya mula sa grand staircase dahil hindi pa ako naupo at natatanaw ko ang hagdan mula sa kinatatayuan ko. Tumingala siya saglit habang naglalakad pababa at hinawi ang buhok. Mas nadepina ang panga niya at ang adams apple. Ang dark blue shirt at itim na jogging pants ay tila nagbigay ng highlight sa balat niyang medyo may kaputian. Napalunok ako. Bakit nga ba ako nakatitig?
Napayuko ako nang marating niya ang mesa. Nagpaalam kasi sa akin ang isang katulong na kakatukin niya na raw si Asmodeus. Kaya siguro siya bumaba na.
Kumunot ang noo niya nang hindi ang nakasanayan niyang bacon sa umaga ang nandoon. Bagkus ay ang bulalo. Mukhang hindi siya pamilyar doon base sa ekspresyon sa mukha kaya't agad akong nagsalita.
"Bulalo iyan,"ani ko at sinulyapan siya saglit at bumaling agad sa bulalo rin sa harap ko.
"Who change the usual menu?" Biglang ang mga katulong sa tabi ang sinulyapan niya. Mukhang sila pa ang pagbibintangan.
BINABASA MO ANG
His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)
Ficção GeralYenah Arabella a girl with a disability. She can hear, can talk but can't see. Laking probinsya, lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother di...