Kabanata 17

4.7K 113 17
                                    

Napakabilis ng panahon na nawaglit ang kakaibang nararamdaman ko kay Armando. Isa isang kurap ng mata ay agad kong niyakap ang katotohanan na hindi siya kailanman magmamahal ng tulad ko. At darating ang panahon na hindi ako ang makakasama niya sa magiging wedding picture niya. At hindi ako ang magsusuot ng singsing. At kahit ang maging bride niya.

Siguro dahil may kakaibang bagay na nangyari dahilan kung bakit tila hindi na ako gaanong apektado roon. Pero sino?

"Manang-mana siya sa'yo." Isang boses.

Natagpuan ko ang sariling nakatayo sa isang malawak na sala. May mga kurtinang puti na nililipad ng hangin at may rocking chair sa balkunahe na niyuyugyog ng hangin. At isang lalaking nakatayo at nakatalikod sa akin.

May pagtataka sa dibdib ko habang sinusulyapan ang paligid. Suot ko pa man din ang kulay puting whole dress na bulaklakin. Nakayapak sa malamig na sahig.

Nakakarinig ako ng tawa ng lalaki at maging ng hagikhik ng munting sanggol.

Nakatitig ako sa likuran ng lalaki. At napansin kong may hawak siya sa bisig niya. Hindi pa man ako nakakarating sa kinatatayuan niya ay humarap na siya sa akin. At doon bumungad sa'kin ang mukha ni Asmodeus. May hawak na sanggol na sa tingin ko ay edad limang buwan.

"You're mother, she's awake,"aniya na nakangiti.

Namimilog ang mga mata ko nang mapatingin ako sa batang may malamig na titig sa akin. Hindi ko siya kamukha kundi kamukha ni Asmodeus.

.......

"Yenah!" Agad akong pinigilan ni Kuya na tumayo. Doon ko lang namalayan na nasa hospital ako ngayon.

"Calm down, it's okay, it's okay."

Hinilot ko ang sentido ko dahil parang sumakit iyon dahil sa biglaan kong pagbangon.

"Wala na bang masakit sa'yo?"

Alanganin akong ngumiti kay Kuya at umiling. Nakaupo na ako ulit sa hospital bed. Bahagya kong hinihilot ang dibdib dahil kanina pagkabangon ko ay naghahabol ako ng hininga. Matapos ang senaryo na iyon sa panaginip ko ay nagising na lang ako bigla.

Si Asmodeus, may hawak na sanggol... at sabi niya ay ako ang ina ng sanggol.

"Sabi ng doktor tatawagin niya ang OB ng hospital para i-check ka ngayon."

Tumango lang ako dahil wala pa ako sa huwisyo upang isipin kung ano ang dahilan ng mga nararamdaman ko.

"Ayos lang?" Mukhang hindi pa siya kumbinsido na tumango lang ako.

"Oo, Kuya."

"I-Iyong OB?"

"Oo,"ngumiti ako at tumango.

"Sabi kasi ng doktor baka raw nararanasan mo na ang sintomas ng pregnancy. Ganiyan raw kasi iyan kapag nasa first trimester,"aniya.

Namilog ang mata ko sa narinig. Napabaling ako kay Kuya at gulat na gulat pa rin.

"P-Pregnancy? I-Ibig mong sabihin, buntis?"

"Oo? Kaya nga magtatawag ng OB. Kaya tinatanong kita kung ayos lang na pa-check tayo sa OB."

Nag-e-echo pa rin sa utak ko ang salitang 'buntis'. Ako buntis? Ni hindi agad sumagi sa isip ko ang tungkol sa ama.

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya pero agad niya iyong itinago kanina at nagtanong kung ayos lang magpa-check sa isang OB. Ngayon ulit napansin ko na naman ang pagkuyom ng kamao niya habang pinagmamasdan ang pagkatulala ko.

"Kailangan din, Yenah. Dahil anu't-ano man ang mangyayari at least alam na'tin kung ano ang susunod na'ting maging hakbang,"seryoso niyang sabi.

Pumayag naman ako na sumailalim na agad sa ultrasound kasi kung PT daw ay baka hindi kami kumbinsido.

His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon