Huling araw para sa dungeon. Pero hindi ang huling araw sa kamay niya dahil hanggang ngayon. Hindi pa rin ako makaalis-alis sa mahigpit niyang hawak sa leeg ko.
Sa paglabas ko mula doon ay siyang pagbubukas ng bagong buhay ko sa makabagong mundo... sa mundo niya.
***
"Ano ba iyang nirereklamo mo diyan?" Ang mayordoma na gaya ng nakasanayan at sabi nila ay nakataas parati ang kilay. Lalo na ngayong hinihingi ko ang permiso niyang tapusin na lang ang kontrata. Parang nararamdaman kong umaangat na rin ang kilay niya.
"T-Tinapos ko lang ang kontrata ni Ate-"
"Hindi ikaw ang dapat magdesisyon para diyan. Si Mrs. Rojo. Dahil siya ang nagpapasahod sa'yo, hindi ako."
Bagsak ang balikat ko nang talikuran niya ako. Naghihintay na lamang kami na matapos sa pag-uusap sina Asmodeus at ama niya na nasa library raw ngayon. Pagkatapos dalawang araw dito ay kasama akong aalis ni Asmodeus sa mansion at tutungo kami sa isang syudad kung saan nandoon ang isa pang mansion na pagmamay-ari rin ng mga Rojo. Kaming dalawa ulit doon habang pinag-aaralan niya ang negosyo ng pamilya. Hindi ko alam kung anong magiging silbi ko doon. Sa yaman at laki ng impluwensya nila ay hindi malabong makahanap si Asmodeus ng mas higit pa sa'kin.
Tapos na ang kontrata, dalawang buwan na lang ang tatapusin ko sa napirmahan na kontrata. Matapos kong malaman na lalayo ako sa Tulikan ay mas naging buo ang desisyon kong umalis na lang sa mansion na ito. Kung iiwan ko ang lugar na ito ay parang iniwan ko na rin ang mga mahal ko sa buhay at ang tahanan ko.
Ayokong umalis sa mansion na ito dahil naisip kong baka wala na akong mapuntahan pagkatapos nito. Pero ngayon, wala na akong pakialam kung wala akong mapuntahan, basta dito lamang ako sa Tulikan. Mananatili ako dito!
......
"Ano ba ang pinakain mo sa amo na'tin at ganoon ka kaswerte, Bulag ka!" Boses iyon ni Tessa.
Ang akala kong mga kasamahan na mabait ay nag-iba na ngayon matapos kong makalabas mula sa basement. Sa estema ko ay apat sila na nakapaligid ngayon at nakiki-usyuso.
"Alam mo, pinagbili pa ako ng mga kamatis ni Mrs. Rojo noong nakaraan kasi raw madalas raw iyon ang inuulam ni Yenah sa loob ng silid ni Sir."
"Mukhang masasarap naman ang pagkain sa loob, bakit namayat ka yata, Yenah?"
"Siguro, kasi parating nababanatan ni Sir sa loob. Alam mo na... sila lang dalawa sa loob. Alangan naman magbato-bato pek sila doon, 'di ba?"
Tapos nagtawanan sila. Maraming sumang-ayon at mas lalo silang nagtawanan. Nanghihina ang mga kamay ko na nakahawak sa baso, iinom lang dapat ako ng tubig sa kusina pero bigla nila akong hinarangan dito at ngayo'y hindi na ako makalabas.
Umiinit ang gilid ng mata ko. Hindi nila ako pinapakinggan kapag may gusto ako sabihin ni hindi nila ako pinapansin, pero kapag may napuna silang mali na nangyayari sa akin ay saka lang sila nagkakaroon ng interes na pagtuonan ako, pero hindi pa rin nila ako pinapakinggan.
At ngayon ay mukhang napasaya ko sila dahil sa mga nangyayari sa akin. Napapansin nila ako dahil sa mga nangyayari sa akin. Kakaiba ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila.
Kakaibang-kakaiba...
"Oh! Ba't umiyak?"
"Umiyak?"
BINABASA MO ANG
His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)
Ficción GeneralYenah Arabella a girl with a disability. She can hear, can talk but can't see. Laking probinsya, lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother di...