Kabanata 5

7K 177 8
                                    

Salamat, Yenah.


Napangiti ako nang malaman ang nakasulat sa papel. Pinagluto ko siya ng nalalaman kong ulam noong nasa bundok pa lang ako. Wala sina Tessa ang mayordoma at ang ibang katulong maliban sa taga-luto. Day-off nila maliban sa amin ni Archie na wala nang uuwian kaya mas pinili na lang na magpaiwan dito sa mansiyon ng mga Rojo.

Nakatulog sa silid ang taga-luto dahil gusto rin magpahinga kaya malaya kong nagamit ang mga kagamitan sa kusina. Iyong patapon na mga gulay at iba pang rekados ay madalas iyon ang napupunta sa aming mga katulong. Iyon ang niluto ko. At iyon din ang magiging ulam namin ngayon ni Archie. Sabay kami ngayon sa likod, may sira na upuan doon at tinapon na mesa na hindi pa naman talaga sira. Iyon ang mga ginamit namin doon.

Amoy na amoy ang rosas sa paligid na gustong-gusto ko. Si Archie ang naglagay ng mga pinggan at kubyertos. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako sa ideya na para niya akong asawa na pinagluluto siya at magkasabay kami ngayon na kakain.

Sa isang linggo ko doon ay napakabait ni Archie sa'kin. Lahat ng problema ay nawawala dahil nandiyan siya para umagapay sa'kin. Tila siya ang naging mata ko.

Pwede ka na mag-asawa, masarap ka magluto.

Parang umiinit ang mukha ko nang magsulat na naman siya sa papel niya. Mukhang masiyado pa yata akong bata para pag-usapan ang ganiyan at para isipin na mag-aasawa na ako sa edad na seventeen.

"S-Salamat,"nahihiya kong sabi at napayuko.

Hindi ko alam kung kailan lang noong makaramdam ako ng kakaiba sa tuwing siya ang pag-uusapan. At hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy ang totoong dahilan.

Ang iniisip ko ngayon. Nararamdaman niya rin kaya ang mga nararamdaman ko tuwing magkasama kami?

Napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko at may inilagay siya doon na mukhang alam ko na kung ano. Dinala ko sa ilong ang bulaklak niyon at inamoy. Napangiti ako sa bango niyon.

"Salamat, Archie." Napangiti ako at parang umiinit na naman ang mukha ko sa ginawa niya. Sinabayan iyon ng parang tambol na tunog ng dibdib ko.

May sinulat siya pagkatapos.

Para kang iyong kapatid ko. Napakahilig din niyon sa bulaklak. Kapag nakikita kita, naalala ko siya.

Tila parang bola na naglaho ang ngiti sa mga labi ko. Naalala niya sa'kin ang kapatid niya. Napayuko ako.

"S-Saan na siya ngayon?"

Bumuntong hininga siya at binigay ang papel.

Wala na siya. Nasa langit na. Hindi ko na siya nakasama matapos kaming maaksidente. Ang masakit pa ay ako lang ang nakaligtas sa aming pamilya. At iyon din ang dahilan kaya hindi na ako makapagsalita ngayon.

Napanganga ako sa nalaman. Ilang saglit at napalunok ako at napa-isip. May mas masalimuot na pangyayaring nangyari sa ibang tao maliban sa nangyari sa pamilya ko. Akala ko ako lang ang nakaranas niyon, may ibang tao pa pala na nakakaranas niyon. Mahal na mahal niya siguro ang kapatid niya.

At ako ang dahilan kaya nakakita na naman siya ng bagong pamilya. Napangiti ako at tila hinaplos ang puso ko sa ideya na iyon.

....

Napapangiti ako habang dinadama sa kamay ang mga letra na sinulat niya. Hindi ganoon kaganda pero malinaw at nababasa ko ng maayos.

Kinuha ko ang tungkod ko at nagpatuloy na sa pag-akyat sa taas. Gabi na, bukas ay maglilinis na naman ako sa silid ni Asmodeus. Nagsisimula na naman akong kabahan.

His Metal Cage - Book 1 (Innocent Lips Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon